Eugene Domingo says she can now marry and retire after showing of Ang Babae sa Septic Tank

"My birthday wish is for us to be always healthy. Yun ang natutunan ko kasi ang katawan natin ang pinakaimportante. Kahit na maraming-marami kang pera, marami kang trabaho, pero di ka naman makatayo, paano mo mai-enjoy?" says Eugene Domingo about turning 40 on July 23.


Ayon sa award-winning actress na si Eugene Domingo, ang Cinemalaya entry na Ang Babae sa Septic Tank ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya so far.

Sa three-in-one presscon para sa mga Cinemalaya entries na Amok, Bisperas, at Ang Babae sa Septic Tank noong July 1, ipinahayag ni Eugene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dahil sa hirap na dinanas niya while doing this Marlon Rivera film from the script of Chris Martinez, pag may nagyaya sa kanyang magpakasal ay tatanggapin niya ang offer.

"This is most definitely one of my most difficult projects," sabi niya.

"In fact, for example, after maipalabas ito, kung may mag-propose sa akin na papakasalan niya ako at tumigil na ako sa pag-aartista, after Ang Babae sa Septic Tank, I will say yes!

"Pero after five years babalik ako, ha?" hirit ni Uge, sabay tawa.

"I am saying this because I am so blessed to be given this role, playing myself at a larger scale, bigger than life.

"Ang Babae sa Septic Tank is very, very important film. It talks about independent filmmaking at this point.

"I think ang makakapanood ng Babae sa Septic Tank, especially yung mga estudyante ng film or anybody for that matter who loves films, tagahanga ng pelikulang Pilipino o ng paggawa ng pelikula, it will be very significant film, for me.

"Nagpapasalamat ako sa lahat. Napanood ko na kasi... Lahat ng mapapanood ninyo sa pelikula, o napanood ninyo na at this point, lahat ’yon naging trabaho ko.

"So with all the experiences sa TV, sa pelikula, sa stage, which na-apply ko.

"Napakahusay nina Chris Martinez [writer] at Marlon Rivera [director] na napagsama-sama nila iyon sa isang pelikula.

"That’s why I consider this film very significant and remarkable.," pahayag pa ng aktres.

After Ang Babae sa Septic Tank, may naiisip na ba siyang project na magle-level up sa kalidad nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro if I would learn a new language and if I would be a part of an international film...

"Well, every movie naman gives a certain challenge. Hindi mo naman masasabi na kailangan napakataray ng pelikula. Lahat wala kang maiitsapuwera.

"Lahat ng pelikula challenging kasi it’s a process. Minsan nga ang proseso, mas importante pa kaysa sa produkto.

"Nagkataon lang na very special ang Septic Tank dahil diyan ako naaksidente at naospital," wika ni Uge.

A YEAR OLDER. Eugene is turning a year older on July 23. How does it feel?

"I am so excited kasi sabi nila life begins at 40, di ba? Or, 40 is the new 25... whatever.

"Basta pasalamat ka sa Panginoon na nakaabot ka sa kalahati ng buhay mo. Kasi siguro naman, another 40 years is super, super blessing."

Mayroon ba siyang birthday wish?

"My birthday wish is for us to be always healthy," sagot ni Uge.

"Yun ang natutunan ko kasi ang katawan natin ang pinakaimportante.

"Kahit na maraming-marami kang pera, marami kang trabaho, pero di ka naman makatayo, paano mo mai-enjoy?

"So health is really very important. Kaya pala may kasabihang health is wealth. Totoo!"

At this point of her career, ano sa tingnin niya ang biggest challenge at ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

"Gusto kong pang ipagpatuloy ang paggawa ng maraming magandang pelikula, and hopefully mas marami pa tayong festivals na mapuntahan. Ang dami pa, e.

"Atsaka sana, makasama naman ako sa isang international movie na isu-shooting dito sa Pilipinas. Sana ma-experience ko naman.

"I just watched Amigo and proud na proud ako sa mga kasama natin doon like Joel Torre, na ang husay-husay talaga.

"Nakita ko na parang naalagaan mabuti ang mga artistang Pilipino. The film is directed by John Sayles.

"Napakagandang tingnan yung ganun na na-experience mo na global na.

"At kung magkakaroon ng chance, gusto ko bumalik sa theater at gumawa ng isang play in a year," saad ni Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN