Angel Locsin on rumored boyfriend Phil Younghusband: "He makes me happy."

"Wala naman akong tinatago. Parang ano naman kasi, noong simula pa lang okay naman. Hindi namin itinago sa tao. Kapag masaya ka, gano’n talaga," says Angel Locsin about her budding romance with Philippine Azkals player Phil Younghusband.


Mainit pa rin ang balita tungkol sa lovelife ng aktres na si Angel Locsin.

Kahit ang kasama niya sa shampoo commercial na si John Lloyd Cruz ay intersado sa sasabihin ng aktres tungkol sa namumuong relasyon nila ng Philippine Azkals player na si Phil Younghusband.

Sa katunayan, nakuha pang biruin ng aktor ang dating kasamahan sa teleseryeng Imortal sa pamamagitan ng paggaya ng pagpupunas niya ng pawis kay Phil sa victory party ng team Azkals noong Linggo, Hulyo 3. (CLICK HERE to read related story.)

Para kay Angel, mas mabuti na raw ang ganito na nakikita ng publiko kung ano talaga ang estado ng kanyang lovelife ngayon.

"Wala naman akong itinatago," sabi pa ng 26-year-old actress.

"Parang ano naman kasi, noong simula pa lang, okay naman. Hindi namin itinago sa tao. Kapag masaya ka, gano’n talaga."

Sa nakaraang laban ng Phillipine football team laban sa bansang Sri Lanka noong Linggo, marami ang nakapansin na ganadong maglaro si Phil dahil nakadalawang goals pa ito.

May mga nagsasabi na dahil daw ito kay Angel na personal na nanood sa Rizal Memorial Stadium.

Pero ayaw isipin ng dalaga na ang pagiging engganyo sa paglaro ni Phil ay dahil sa kanya.

Sabi ni Angel, "Inspired dahil siguro gusto niyang manalo talaga and gusto niyang i-represent ang Philippines, na okay ang pagpu-football natin dito sa Pilipinas. Pero hindi ko alam kung dahil sa akin ’yon."

Kung sakali ba, mauulit ang personal niyang pagsuporta sa susunod na laban ng Philippine Azkals laban sa Kuwait Al Azraq?

"Hindi ko pa alam. Kung ano, i-sponsor ng Philippine Sports Commission ang ticket ko," pabirong sagot ni Angel.

Pagkatapos, sinabi pa niya na noong nakaraang laban, "Nate-tense ako, e! Ang hirap kaya!

"Ang hirap kaya manood ng live, parang hindi ka makahinga. Tingnan na lang natin."

Bagamat malayo ang venue ng unang laban ng Philippine Azkals at Kuwait Al Azraq, mananatili naman ang kanyang buong suporta para sa lokal na koponan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Angel, "Pero nandito lang naman ako, susuportahan ko sila."

Sa kabilang banda, maituturing rin bang inspirasyon para kay Angel si Phil?

"He makes me happy. Pero sa ngayon kasi, ’yon na muna," maiksing pahayag ni Angel.

ALL IS WELL WITH "EX." Samantala, umiwas naman si Angel Locsin na magbigay pa ng pahayag tungkol sa nakaraan niyang post sa Twitter tungkol sa kanyang "ex."

Matatandaan na noong Biyernes, July 1, na-post ito ni Angel sa kanyang Twitter account: "Dear ex, stop texting, stalking & fighting me if you’re over na. Pinrotektahan kita pero pag di ka tumigil magsasalita na ko sa pinaggagagawa mo. Respeto pls."

Hindi naging malinaw kung sino ang pinatatamaan ng dalagang aktres. Subalit makalipas ang ilang oras, nag-tweet naman ang kanyang dating boyfriend na si Luis Manzano.

Sabi ng TV host-actor, "with the harsh words i said earlier, im sorry, hope we let bygones be bygones, we have moved on but sorry sa sinabi ko kanina."

Nang subukan ng media tanungin siya tungkol dito, umiling si Angel at nakiusap na huwag nang pag-usapan ito.

"Huwag na, okay na po. Nag-sorry na siya, okay na kami," sabi niya habang papunta na sa backstage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN