Coco Martin sacrificed chance to work with French actress Isabelle Huppert for Minsan Lang Kita Iibigin

Coco Martin was supposed to play one of the lead roles in Brillante Mendoza’s Bitag, but he had to back out since he was about to start taping for his teleserye on ABS-CBN, Minsan Lang Kita Iibigin.


Sa maraming magagandang prospects ngayon sa kanyang showbiz career, tila walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ng aktor at matinee idol na si Coco Martin.

Tulad nang huli siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), excited si Coco sa major projects na inihahanda para sa kanya ngayon ng ABS-CBN at Star Cinema, simula sa isang pelikulang pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos which is slated for early 2012.

After which, ang posibilidad na makasama rin ni Coco ang mga tulad nina Star for All Seasons Gov. Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta; or, who knows, ang Superstar na si Nora Aunor?

"Naku, sobrang blessing na po yun pag nangyari, pero nagpapasalamat ako nang husto na may magagandang plano, gaya nga ng movie namin ni Ate Juday," saad ni Coco.

Tapos, tinanong niya ang PEP: "Si Ate Guy, kelan po ba siya uuwi?"

Last year, isa si Coco sa mga bumati sa Superstar on her birthday sa isang online post, at maraming fans ang totoong natuwa sa young actor, base sa naging mahabang comment thread.

CAMEO ROLE IN BITAG. Ibinalita naman ni Coco sa PEP ang tungkol sa naging partisipasyon niya sa pelikulang Bitag (formerly titled Prey) ni Brillante Mendoza.

Ang indie film ay sinimulan at natapos i-shoot noong Enero 2011; isang malaking indie project ang Bitag, topbilled by award-winning French actress Isabelle Hupert.

"’Yun po, dapat isa ako sa may lead roles sa movie, pero nung isu-shoot na ni Direk Dante [Mendoza], nagsimula na rin akong mag-taping [sa Minsan Lang Kita Iibigin]," sabi ni Coco.

Hindi naman daw sa tumalikod siya sa natanguang commitment with his director-mentor. Nais ni Coco na linawin din ang dahilan para maunawaan ng mga tagasubaybay niya.

"Kasi po, kung ginawa ko yung pelikula [Bitag] at mawawala ako ng four weeks sa teleserye, marami pong mawawalan ng trabaho dahil mahihinto ang tapings," paliwanag ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kawawa din naman yung mga nagtatrabaho dito [sa Minsan Lang Kita Iibigin].

"Naintindihan naman ni Direk Dante ang sitwasyon. Sabi niya, makakapag-shoot din naman daw sila kahit hindi ako ang bida, pero yung mga taong mawawalan ng kita sa teleserye, mas kawawa sila."

Instead, Coco opted for a cameo role in Brillante Mendoza’s latest indie film.

Ang Bitag ay tungkol sa mga kaso ng kidnapping sa Mindanao na sangkot ang grupong Abu Sayyaf.

"Nanghihinayang talaga ako, hindi ako nakasama at nakatrabaho si Isabelle Huppert," sambit ni Coco.

"Pero nung sinabi ni Direk Dante may cameo role ako na makakasama ko si Anita Linda... yun, okey din naman."

MARINES SOLDIER. Tulad sa sinusubaybayang pagganap ni Coco sa Minsan Lang Kita Iibigin as military officer Alexander del Tierro (na kakambal ni Javier del Tierro, the ’’black sheep"), papel din ng isang sundalo, ng Philippine Marines, ang itinoka ni Direk Brillante sa young actor.

"Wala po akong name do’n," banggit ni Coco.

"Marines po ako na napadaan [sa liblib na pook] at hinahanap yung mga Abu Sayyaf.

"Nagtanong lang ako kung may napadaan bang mga Abu Sayyaf do’n, tapos nakikain kami [ng mga kasamang Marines soldier]."

Ang veteran actress na si Anita Linda, gaya ng nasabi rin ni Coco, ang nakaeksena niya.

"Nung kunan ’yon, talagang nagbiyahe ako from Tanay (location ng Minsan Lang Kita Iibigin) hanggang Bataan (set ng Bitag) para magawa ko pa rin."

Ayon sa direktor, may pinaplanong theatrical release sa bansa ang pelikula bago matapos ang 2011.

"Hindi ko pa po alam ang plano ni Direk Dante, pero malamang ipalabas muna ’yon sa ibang bansa," sabi naman ni Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN