Former sexy star Maita Sanchez and now Pagsanjan Mayor Girlie Ejercito open for showbiz comeback

"A, siyempre, papayag pa rin. Miss ko na rin mag-shooting at umarte sa harap ng kamera, e!" says Pagsanjan Mayor Girlie Ejercito about reviving her acting career—so long as her husband Governor ER Ejercito gives his nod.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pagsanjan Mayor na si Girlie Sanchez Ejercito—na kilala rin bilang dating aktres na si Maita Sanchez—sa shooting ng Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Pagsanjan, Laguna noong Linggo, July 3.

Ang una naming napag-usapan ay ang tungkol sa Darling of the Press award na ipinagkaloob ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mister niyang si Laguna Governor ER Ejercito sa ginanap na 27th Star Awards for Movies last June 21 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

"Ay, siyempre talagang masaya ako!" sambit niya. "Sobrang nagpapasalamat kami ng asawa ko sa award niya, at mahal naman niya ang members of the press.

"Ang ating mahal na gobernador ay talagang very friendly ’yan sa mga press people at talagang tumutulong ’yan sa ating mga press people kahit hindi pa siya governor.

"Lalo na ngayong naging governor siya, e, halos lahat naman ng mga requests at tulong na hinihingi ng mga press people ay ibinibigay naman ng ating mahal na gobernador."

REJECTED BY MMFF. Ang sumunod naman naming napag-usapan ay tungkol sa hindi pagkakapili ng ginagawang pelikula ng mister niya, ang Kingpin: The Asiong Salonga Story, bilang entry sa Metro Manila Film Festival.

Sumama ba ang loob niya?

"A, naku, hindi naman! Hindi naman sumama ang loob ko dun.

"Although gustung-gusto sana niyang makapasok para chance na rin niya sana na for the first time, e, makasama siya, o maging entry ang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival.

"Isang beses pa lang siya nakasali noon. Naaalala ko, isang beses pa lang, meron, pero supporting lang siya doon. Na-nominate pa nga siya as best supporting actor."

Hindi rin naman daw sumama ang loob ng mister niya sa hindi pagkakapili bilang entry ng bago nitong pelikulang idinidirehe ni Tikoy Aguiluz.

"Hindi naman. Siyempre nanghihinayang din siya kaya lang... Hindi naman siya talaga sumama ang loob, nasaktan siguro, nanghihinayang lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, sayang naman, ang ganda ng movie, quality movie talaga itong ginagawa niya, talagang pinapaganda niya.

"Kumuha pa siya ng mga fight instructors mula sa ibang bansa like Thailand para sa mga fight scenes."

Bakit hindi kasali si Mayor sa pelikula?

"Huwag na, hayaan mo na sila," tila nahihiyang sabi nito.

SHOWBIZ COMEBACK. Pero sinabi naman ni Mayor Girlie na given a chance and the time, gusto rin niyang magbalik-showbiz.

"Siyempre, gusto rin, okay na rin. Pero depende sa role, siyempre."

Papayag siya if ever may magandang offer?

"A, siyempre, papayag pa rin. Miss ko na rin mag-shooting at umarte sa harap ng kamera, e!" ang natatawang sinabi niya.

"Yung kay FPJ [Fernando Poe Jr.] ang huling pelikula kong ginawa. Noon sunud- sunod yung mga movies na ginawa ko, yung huli kasama si FPJ, hindi ko na maalala, matagal na rin kasi."

What about sa TV?

"A, sa TV, hindi ako masyadong lumalabas sa TV, paminsan- minsan lang. Hindi ko na rin maalala sa tagal," sabi niya.

Hindi pa rin niya isinasara ang posibilidad na balikan niya ang showbiz once in a while.

"Open pa naman ako diyan, open pa, pero depende rin sa asawa ko.

"Sa ngayon, depende sa role. Baka kapag magandang role, baka pumayag din naman siya.

"E, noong araw, e, medyo marami ring gustong kumuha kaya lang talagang pinipili niya and tinitingnan muna niya kung anong klaseng role ang ibibigay sa akin.

"Kapag hindi niya gusto, wala."

FIRST PRIORITY. Sa ngayon, ang priority raw ni Mayor Girlie ay "pagiging ina ng bayan ng Pagsanjan."

Dagdag niya, "At bilang dating mayor ng Pagsanjan ang aking asawa at ngayon ay gobernador na ng lalawigan ng Laguna, at ngayong ako ang naging mayor ng Pagsanjan, ay itinutuloy ko naman lahat ng mga proyektong sinimulan ng ating mahal na gobernador dito sa Pagsanjan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, lalo pa ngayong gobernador na ang aking asawa, medyo madali dahil naibibigay ang mga requests para sa bayan ng Pagsanjan."

May apat na anak sina Mayor Girlie at Governor ER—tatlong lalaki at nag-iisang babae na bunso. Papayag ba silang mag-asawa na mag-artista ang kanilang mga anak?

"A, papayagan ko kasi hilig din naman yata nila," sagot ng dating artista.

"Pero sa ngayon, bilang mga nag-aaral pa kasi, siguro kapag nakatapos na lang sila ng pag-aaral, puwede na.

"Mahirap kasing nag-aaral tapos may ibang pagkakaabalahan tulad ng pag-aartista.

"Baka hindi nila kayanin na pagsabayin, baka hindi makatapos kapag naging abala sa pag-aartista.

"Priority kasi naming mag-asawa na makatapos ang mga anak namin sa pag-aaral at mabigyan ng magandang kinabukasan.

"Kaya nga kung anuman ang kurso na gusto nila, sinusuportahan namin sila ng buung-buo."

Kahit si Governor ER ay papayag na mag-artista ang mga anak nila.

"Oo naman, kung gusto ng mga bata, gusto naman niya basta makatapos muna ng pag-aaral.

"Kaya sa ngayon ay hindi muna," pahayag ni Mayora Girlie.

PRIVATE LIFE. May mga bagay ba siyang hindi na niya nagagawa na noong simpleng tao lang siya ay nagagawa pa niya?

"Before na bilang plain housewife ako? Na pupunta every day sa gym at payat na payat ako!" ang natatawang sinabi ng mayor ng Pagsanjan.

"Na hatid-sundo ang mga anak ko sa school, na every day ako ang hatid-sundo sa kanila.

"Siyempre iba na ngayon, sacrifice talaga sa family. Ang mga anak ko nasa Maynila, kaming mag-asawa nasa Pagsanjan.

"Siyempre, iniisip mo pa rin mga anak mo. Pero kailangan ko ring harapin siyempre ang obligasyon ko bilang ina ng Pagsanjan at napakarami kong anak ngayon—ang mga mamamayan ng Pagsanjan—hindi natin puwedeng pabayaan.

"Kaya sacrifice din talaga, pero pag wala naman akong schedule, umuuwi naman kami agad na mag-asawa para ibigay ang oras namin sa mga anak namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman namin puwedeng pabayaan ang mga anak namin, hindi puwede."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN