Alma Moreno reveals she suffers from multiple sclerosis

"Inaalaagan ko naman. Hindi ko naman talaga yung sinasabing inaabuso. Pag medyo pagod na ako nang sunud-sunod, pahinga," says Alma Moreno about her health condition.


Kung gaano kaabala ang dating aktres na si Alma Moreno sa kanyang pagiging councilor sa Parañaque, mas lalo naman siyang busy ngayon sa kanyang bagong posisyon bilang leader ng Philippine Councilors League.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alma, dinetalye nito kung ano ang trabaho niya bilang presidente ng pinakamalaking liga ng councilors sa buong Pilipinas.

"Yung members namin sa buong Pilipinas ay 18,000 na. Pero ang good standing namin ay nasa 16,722.

"Pero ngayon, kakatapos lang no’ng assembly namin sa Davao noong June 16 to 18. Ngayon naman, yung third quarter namin, gagawin sa Bohol sa September 16 to 18," sabi niya.

Dahil sa pagiging abala niya sa kanyang tungkulin, wala talagang nakikitang tsansa si Ness (palayaw ni Alma) na makabalik sa showbiz.

"Alam mo, sabi ko nga, kung sitcom at yung isang araw lang na taping, puwede ako.

"Pero kahit na gustung-gusto kong mag-soap... Kasi ang soap, masarap din, e. Training din ’yan, sama-sama kayo, parang pamilya, lalo na pag magaling ang director mo.

"Kaya lang, nag-soap na ako noon. Yung buhay ko nandoon at that time. Hindi talaga puwede ngayon.

"Siguro kung konsehal ako sa Parañaque ngayon at hindi ako president, puwede pa.

"Kasi ayokong pabayaan yung pagtitiwala na ibinigay sa akin ng mga kapwa ko konsehal na gawin nila akong presidente.

"Kailangan ipakita ko rin yung kakayahan ko kung ano ang para sa mga councilors.

"Kaya nga gusto kong pumunta sa mga maliliit na municipalities na hindi nakakarating sa Manila. Gusto kong alamin sa kanila kung ano meron sa PCL para sa councilors, yung mga projects," saad ni Alma.

Hindi makapagbigay ng kanyang political career path si Ness sa susunod na eleksyon dahil ipinauubaya raw niya ito sa kung saan dalhin ng kanyang supporters.

"Basta ako, pinagpi-pray ko lang na dalhin Niya ako sa tama," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May comment naman si Alma sa mga nagsasabing mas nagtuluy-tuloy ang political career niya kaysa sa dating asawang si Joey Marquez, na naging mayor ng Parañaque.

"Sabi ko nga sa inyo, may kanya-kanyang suwerte ’yan.

"Si Joey, hindi pa rin matatapos ’yan. Huwag kang susuko, I’m sure makukuha pa rin niya ’yan."

ALMA AS A MOTHER. Kahit abala, nakakabawi naman daw si Ness sa kanyang mga anak.

Kuwento niya, "Ay, alam n’yo ba kung ano ang ginagawa ko no’ng nasa Davao ako? Binitbit ko silang lahat! E, bakasyon yun, e.

"Kaya ngayon... Si Yeoj, ga-graduate na naman. Si Wynwyn naman, isang ano na lang, ga-graduate na.

"Si Yeoj kasi, yung anak ko, nagpu-production siya. And the same time, yung mga personalized na ginagawa... MOE yung pangalan. Hindi ko lang alam kung anong ibig sabihin no’n.

"Si Wynwyn naman nasa GMA-7 na, di ba? Sinigurado naman sa akin no’ng anak ko na hindi pababayaan ang pag-aaral niya. Tatapusin niya kahit may mga shows siya sa GMA-7," pagmamalaki ni Ness.

May ngiti pa rin si Ness kapag natatanong siya tungkol sa dating ka-live in na si Dolphy at sa partner nitong si Zsa Zsa Padilla.

Na-annul na kasi ang kasal ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari kaya maaari na silang magpakasal ng Comedy King.

"Sabi ko nga, I’m happy na sana matuloy na dahil matagal na nilang gusto. At least, ito na ang time," sabi niya.

HEALTH CONDITION. Napag-uusapan naman ngayon ang tungkol sa karamdaman ni Alma na matagal na pala niyang iniinda.

"’Yan yung multiple scelerosis. It’s in the brain, yung nerves ko," banggit niya.

Ayon sa medicnet.com, ang multiple sclerosis ay "disease in which the nerves of the central nervous system (brain and spinal cord) degenerate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap lang kasi pag sinumpong ka, sobrang sakit ng ulo," banggit pa ng actress-politician, sabay hipo niya sa kanyang ulo kung saan umaatake ang sakit.

"Eto ngayon, medyo maga... Kinausap nga ako ng doctor ko. Kasi bawal ang sobrang pagod. Bawal ang sobrang dami ng tao... Puwede ba yun?

"E, biyahe rin ako nang biyahe. Bawal din yun. Lalo na yung nasa loob ako ng kotse nagta-travel ng six to eight hours, bawal din yun.

"Yung maintenance, wala. Ang ibibinigay lang sa aking gamot ay para lang sa pain.

"Ang iniinom ko lang, sa high blood ko lang. Pero wala naman akong high blood na," saad niya.

Matagal na raw itong sakit ni Alma bago pa sila naghiwalay ng dati niyang asawang si Joey Marquez.

"Nalaman ko yun, nagpunta ako sa States. Tatlong lugar pa ang pinuntahan ko.

"Walang kinalaman sa naging problema namin ni Joey noon. Siguro talagang...

"Sabi ko nga, kaya nga nag-Sinulog ako, e. Naniniwala pa rin ako sa dasal.

"Nakikita naman Niya na hindi pansarili ang ginagawa ko, pang-kapwa."

Isiniwalat ni Alma ang rason kung bakit walang trace na nakikita sa kanya ang mga taong nasa paligid niya kapag inaatake na siya ng kanyang sakit.

"Pero kapag nakakaramdam na ako, hindi ko inaabuso," sabi niya.

"Pag nakakaramdam na ako, nanginginig na yung paa ko, etong ulo ko, masakit na, hindi na ako nagpapahalata, pero pupunta na ako sa kuwarto, hihiga.

"Bilin ng doctor ko, ’Huwag mong hintaying bumagsak ka.’"

Sabi pa niya, "Nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil hindi ako sinusumpong ng madalas.

"Pero pag nararamdaman ko na minsan parang kinakatok Niya ako pag napapabayaan ko na, yung mga bawal na ginagawa ko..."

Hindi rin daw ito itinago ni Ness sa kanyang asawa na si Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic.

"Alam niya, hindi ko itinago sa kanya. Pero hindi niya ako mapipigil at hindi ko kayang basta bahay lang," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaalaagan ko naman. Hindi ko naman talaga yung sinasabing inaabuso.

"Pag medyo pagod na ako nang sunud-sunod, pahinga.

"Kaya nga minsan yung mga nag-iimbita sa akin, kung puwede pagdating ko, medyo pahinga lang ng konti at sa gabi na.

"Or kunwari pag dumating ako doon sa lugar, yung event sa umaga. Pero pagdating sa gabi, kung puwede wala na, pahinga na.

"Kasi naramdaman ko na nag-cramps na yung dalawang paa ko, natatakot na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN