Mayor Sherwin Gatchalian explains initiative to take down sexy billboards of Philippine Volcanoes

"Kung sa ibang tao tingin nila ito ay artistic, ito ay maganda, pero sa ibang tao ito ay offensive at ito ay hindi maayos, lalong-lalo na sa ating mga kabataan," says Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian about the attention-grabbing billboard of Philippine Volcanoes, which includes Jake Robrigado Letts and Ned Plarizan Stephenson (in photo).


Hindi na bago ang isyung pagpapatanggal ng billboard na may mga litrato ng seksing endorsers.

Ang latest nga ay ang napakalaking billboard ng Bench Body na minu-model ng ilang miyembro ng Philippine Rugby Team, na mas kilala bilang Philippine Volcanoes. (CLICK HERE to read related story.)

Kapansin-pansin ang malaking billboard na ito malapit sa Guadalupe, Makati dahil sa seksing pictorial ng mga miyembro ng Philippine Volcanoes na sina Francisco Bagis Guerra IV, Chris Alamil Everingham, Oliver Joseph Abalos Saunders, Jake Robrigado Letts, Michael De Guzman, Ned Plarizan Stephenson, Nicholas Ergina Perry, Daaran Seeto, at Arnold Aninion.

Ilang linggo pa lang itong nakapaskel at isa sa nakapansin nito ay si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Kaagad ipinost ng alkalde ang komento niya sa kanyang Twitter account, at nag-text pa siya kay Mayor Benhur Abalos dahil sakop pa ng Mandaluyong ang lugar kung saan nakakabit ang billboard ng Philippine Volcanoes.

"Napuna ko lang na yung billboard na malalaki, na sa tingin ko na hindi angkop sa mga bata," simulang kuwento ni Mayor Gatchalian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kahapon, July 8.

"Tingin ko, marami rin ang nakakapuna dahil nung tiningnan ko yung Twitter page ko at Facebook ko, madami din ang nakapuna ng billboard na ito.

"Ako lang siguro ang may access kay Mayor Benhur at sinabi ko naman sa kanya na, ’Pare pakitingin naman ito at tingin ko hindi tama ’to sa mga bata.’"

Mabilis din daw naaksyunan ito ni Mayor Abalos pagkatapos niyang makita ang malaking Bench billboard na ito.

Ani Mayor Gatchalian, "Kinabukasan, sinabi niya sa akin na tatanggalin na raw ng advertising agency.

"Ang exact word na ginamit niya, ’na-shock’ siya. Ako rin na-shock nang nakita ko, e.

"Matagal nang issue ito, e. Hindi lang first time ito, e.

"Ang nakakalungkot lang dito, parang walang tumitingin sa isyung ito," himutok pa ng alkalde, na ex-boyfriend ng aktres na si Pauleen Luna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ang sabi ko nga sa aking konseho, kung walang national agency na nagri-regulate nito, baka puwede na sa local level, sa Valenzuela, na gagawa kami ng hakbang para ma-regulate ang ganitong content.

"Nagpadala ako ng sulat kay Chairman Tolentino [ng MMDA] para kausapin ang iba pang Metro Manila mayors at tingnan din ng ibang mayors at pag-usapan ang isyu na ito."

THE REACTION. Sinubukan ng PEP na hingan ng reaksyon ang mga taga-Bench, pero tumanggi na silang magbigay ng official statement.

Wala naman dito sa bansa ang mga taga-Philippine Volcanoes na nag-pose sa Bench Body pictorial na yun dahil karamihan sa kanila ay nasa Australia at New Zealand.

Sa susunod na buwan pa raw sila babalik para mag-practice sa susunod nilang laban sa Shanghai, China.

Ang model-actor na si Andrew Wolff, na isa sa mga original members ng Phillipine rugby team, ang nahingan namin ng reaksyon tungkol dito.

Nakarating na raw ito sa mga miyembrong nag-endorse at wala naman daw silang magagawa.

Nagpapasalamat lang daw sila sa Bench at sa supporters.

Bahagi ng mensaheng ipinadala sa amin ni Andrew sa kanyang BBM:

"Philippine Volcanoes are endorsing Bench and promoting a team na lumalaban para sa ating bansa, hindi lang billboards promoting ourselves to political popularity."

POLITICS. Sagot naman ni Mayor Gatchalian sa isyung pamumulitika lang ito:

"Siguro dapat tingnan din natin ang tinatawag nating general welfare ng ating mga naninirahan dito sa Metro Manila.

"Kung sa ibang tao tingin nila ito ay artistic, ito ay maganda, pero sa ibang tao ito ay offensive at ito ay hindi maayos, lalong-lalo na sa ating mga kabataan."

Dagdag pa niya, "Nagkataon lang na yun lang ang pinakamalalaki na billboard. Iyon lang ang napuna ko.

"Siguro marami rin ang nakapuna sa ibang billboard, babae man o lalaki.

"Siguro pinakamaganda dito ay pag-usapan ng Adboard at Metro Manila mayors, para maging pantay naman at maging maayos sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingin ko naman, walang biktima o nadehado. Ito kumbaga ay reaksyon ng publiko at dapat pag-usapan para maging maayos sa mga ads sa mga susunod na panahon.

"Pag nabasa n’yo ang Twitter ko, marami ang natuwa sa reaksyon. May ilan ding hindi natuwa, pero in general, 90 percent ay natuwa.

"So ibig sabihin, meron talagang isyu," saad pa ni Mayor Gatchalian.

Ang hangad lang daw niya ay sana mapansin na raw ito ng Kongreso at iparating sa national level.

"Pinapaabot ko na rin sa Adboard na tingnan nila ang isyung ito," sabi ni Mayor Gatchalian.

"Pag-usapan nila sa kanilang pamunuan na merong mga negatibong reaksyon.

"Sana tingnan nila na siguro dapat gumawa din sila ng hakbang na maging pantay-pantay lang para sa mga naninirahan dito sa Metro Manila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN