Newbie Josh Padilla denies causing problem on the set of Bagets

"Kahit na po itanong n’yo sa mga co-stars ko, never ako naging problema. I’m always prepared kapag kailangan na nila ako. Kapag wala naman po akong eksena, nasa standby tent lang ako and studying my lines. Tahimik lang po talaga ako, so paano nila masasabing matigas ang ulo ko?" explains young actor Josh Padilla.


Magsisimula na ang second season ng youth-oriented series ng TV5 na Bagets: Just Got Lucky. Maganda kasi ang pagtanggap ng marami sa naturang show at marami ang nagre-request na ituloy lang ang kuwento nito.

Natuwa nga ang buong cast ng Bagets dahil sa magandang balita tungkol sa second season ng show. Patunay nito ay may following na ang Bagets at pati na ang mga bida nito.

Kabilang sa mga bida ng Bagets ang 18-year-old son ni Gino Padilla na si Josh Padilla. Una itong pagsabak ni Josh sa showbiz at happy siya dahil sa magandang feedback ng kanilang programa.

Ginagampanan ni Josh ang role bilang si Jules Soriano, na ka-love triangle nina Ace Delgado (AJ Muhlach) at Georgina (Nadine Lustre).

Ayon kay Josh, "It’s a very fulfilling experience being part of Bagets. It’s my first showbiz job and I guess I am doing good at it.

"Mas marami po ang natuwa noong gawing mabait ang role ko as Jules. Hindi na ako kalaban ng barkada ni Ace kasi nga part na ako ng group nila.

"But the love triangle is there. Yun daw kasi ang gusto ng mga televiewers ng Bagets. Gusto nila yung love triangle namin nina AJ at Nadine.

"Kaya sa season two po ng Bagets, expect more sa love triangle namin.

"I will be doing my best para mapunta ang attention ni Georgina sa akin. Nandoon pa rin ang rivalry.

"Abangan na lang po nila kung ano ang magyayari sa barkada namin sa season two."

MINUS ONE. Pero mababawasan na ang cast ng Bagets. Nagpaalam na kasi ang baguhang si Johan Lourens (who plays Santi) dahil mas pinili nito na mag-concentrate muna sa kanyang studies.

Nalungkot nga ang buong cast ng Bagets dahil kung kelan naman daw close na silang lahat at magkakaroon na ng second season ang kanilang show, doon pa sila nabawasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Josh, "Kinausap niya kaming lahat and Johan cried kasi nga he was really having fun with the show, but he has to choose between a career in showbiz or his studies.

"Hindi na raw po kasi siya nakaka-attend ng regular classes niya because of our tapings. Si Johan pa naman, he’s really serious with his studies. Hangga’t maaari, ayaw po niyang may ma-miss siya sa school.

"Pero with the way our schedules go, there are times na he misses a class or two. He doesn’t want his studies to suffer kaya he decided to leave the show.

"But there is a possibility na babalik din daw siya. His character kasi will be leaving the country for family matters.

"Siguro when things are okay na with school, he can return to the show. Hindi lang po namin alam kung kelan ’yon.

"But we will miss Johan kasi he’s a fun guy to be with. He’s a joker and lahat kami binibiro niya.

"Kaya it was sad for us to see him leave the show."

SCHOOL & CAREER. Naiintindihan ni Josh ang pinagdadaanan ni Johan dahil siya rin ay binabalanse ang kanyang pag-aaral at showbiz career. He’s already a junior college student at Ateneo de Manila University taking up Communication Technology Management.

Inamin ni Josh na hirap din siyang pagsabayin ang showbiz at school, pero dahil committed na siya sa kanyang trabaho, nagagawa naman niyang ayusin ang schedules ng classes niya.

"Twice a week na kasi ang tapings namin for Bagets and location kami either sa Cavite or Antipolo.

"Wednesday and Sunday ang taping namin. So I have Monday, Tuesday and Thursday for school.

"Every Saturday naman, I have Hey, It’s Saberdey. Friday ang rehearsal namin for the production numbers.

"So, it’s really tiring, lalo na if our taping on Wednesday ay abutin ng umaga, hindi na po ako makakauwi at diretso na ako sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maliligo na lang ako sa location set namin. Matutulog na lang ako sa kotse hanggang makarating sa school.

"Hindi madali but I have to do it. Anyway, it teaches me how to handle my time.

"So far, kaya ko po naman. Bata pa naman ako kaya I have that extra energy to go on," sabi niya.

ATTITUDE PROBLEM. Sa kabilang banda, may hindi magandang usap-usapan tungkol kay Josh sa set ng Bagets.

Balita kasing may attitude problem daw siya at hindi raw siya masyadong nakikinig sa mga nakakatanda sa kanya sa set. In short, matigas daw ang ulo ni Josh.

Pero pinabulaanan naman ito ni Josh at nagtataka raw siya kung bakit siya ang itinuturong may problema.

"I heard about that at nakakagulat naman po. Hindi po ako gano’n sa set ng Bagets," sabi ni Josh.

"Kahit na po itanong n’yo sa mga co-stars ko, never ako naging problema. I’m always prepared kapag kailangan na nila ako.

"Kapag wala naman po akong eksena, nasa standby tent lang ako and studying my lines. Tahimik lang po talaga ako, so paano nila masasabing matigas ang ulo ko?"

May isang incident daw kasing hindi sinusunod ni Josh ang script ng kanilang eksena. Panay raw ang tanong nito sa mga lines na bibitawan niya at hindi raw siya sumusunod sa mga blockings niya kahit na nakapag-rehearse na sila bago ang actual take.

Paliwanag ni Josh, "What I remember po is that I was just asking kung tama ba yung mga lines ko. I just want to make sure lang.

"Hindi ko naman po iniiba. Nagkamali lang po ako talaga.

"In regards sa blockings, I admit that I made mistakes on that. I was concentrated kasi sa mga lines ko that I forgot the blocking na ginawa namin earlier.

"It was really my fault kaya I was very apologetic kay Direk Mark [Reyes] and the rest of the people on the set," paliwanag ni Josh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw magagawang magpakita ng attitude problem ni Josh dahil kabilin-bilinan ng kanyang ama na si Gino Padilla na maging professional siya at makinig sa mga taong mas nakakatanda sa kanya sa industriyang ito.

"That’s that first thing my dad said to me—to be professional and not be a headache sa maraming tao.

"Kahit na napapagod ka na, you still have to honor a commitment sa anumang trabaho. Lalo na raw sa showbiz, people will always be judging you.

"Kaya I always put that in my head. Ayokong ma-disappoint sa akin ang parents ko and, of course, the people helping me with my career which is Viva Artist Agency.

"Good boy po ako at hindi po ako pasaway!" deklara ni Josh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN