Gov. ER Ejercito announces Nora Aunor’s return to play an important role in Emilio Aguinaldo biopic

Superstar Nora Aunor will finally return to the Philippines after living in the U.S. for many years. According to Laguna Gov. ER Ejercito, Nora will come home to shoot a film where she will essay the role of Maria Agoncillo, the second wife of Emilio Aguinaldo.


Pagkatapos ng Kingpin: The Asiong Salonga Story ay may isa pang pelikulang gagawin si Laguna Governor ER Ejercito. Ito ay ang El Presidente, na tatalakay sa buhay ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Gov. ER sa Lagos del Sol Resort sa Laguna kahapon, July 10, ibinalita nito na pumayag na ang Superstar na si Nora Aunor upang gumanap sa isang mahalagang papel sa pelikula.

"Pumayag na po si Nora Aunor to play the second wife of Emilio Aguinaldo," pag-aanunsiyo ng gobernador.

Nabigla ang ilang mga kaharap na reporters ni Gov. ER sa balita niyang ito sa pagbabalik-bansa ni Nora upang gawin ang pelikulang magsisilbing "comeback movie" ng aktres na ilang taon na ring nanirahan sa Amerika.

"Immediately, after we finish the film production of Kingpin, magpapagupit na po ako, magpapa-chato.

"Then, papadalhan na po namin ng plane ticket si Nora, itse-check-in namin sa isang hotel na malapit sa Aguinaldo Shrine. All of her scenes will be shot in Aguinaldo Shrine, e.

"We will be shooting with Nora ng one week. The scenes will be with me and Nora and yung secretary ni Aguinaldo, and hopefully nga with Quentin Tarantino [Hollywood director].

"One week po kaming magsu-shooting. Tatapusin po namin ang mga eksena, yung iinterbyuhin ni Tarantino si Aguinaldo, kasama si Nora. Siya ang second wife, e.

"Nora Aunor will be playing Maria Agoncillo, who’s from Batangas."

SECOND CHOICE. Inamin ni Gov. ER na ang first choice nila para sa nasabing role ni Maria Agoncillo ay si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Pero dahil sa conflict sa mga schedule ni Gov. Vi ay hindi na matutuloy sa nasabing proyekto.

Ayon kay Gov. ER, "Originally, we were trying to get Gov. Vilma Santos, but unfortunately, her schedule would not accommodate our film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hindi na po namin mahihintay na... Ang oras at panahon ay sayang.

"Kaya sana po ay maging maayos ang aming pagsu-shooting, at walang maging problema sa ating National Artist na si Ms. Nora Aunor, na best friend ni Pangulong Estrada!" tawa nito.

Ang tinutukoy ni Gov. ER ay ang alitan noon sa pagitan ng kanyang tiyuhin na si dating Pangulong Joseph Estrada at ng Superstar.

Hindi ba kaya magkaroon ng intriga dahil tinanggihan ni Vilma ang role, pero si Nora ang gaganap?

"Hindi naman niya tinanggihan. She wants to work with me, she likes the film.

"Kasi, taga-Batangas si Maria Agoncillo. Kaso, talagang hindi kaya ng schedule.

"Schedule lang ang problema, but she wants to do the film. Kasi, historical."

Kaso nga’y nagmamadali na ang kanilang film production dahil nakaplano na palang simulan ang shooting sa buwan ng Agosto.

"Well, si Nora lang naman ang ka-level ni Ate Vi," saad ni Gov ER.

Alam kaya ni Nora na si Vilma ang first choice nila for the role?

"A, wala kaming pinag-usapan na gano’n," sabi niya.

THE RETURN. Wala pang confirmed na date ang pagbabalik ni Nora upang mag-shooting ng pelikula kasama siya?

"Ini-schedule po namin ang kanyang pagdating," sagot ni Gov. ER.

"Nag-i-email na po ang aming grupo sa grupo ni Nora. This year po yun.

"We have to finish the one week shooting. We have to finish all our scenes.

"Kasi, matanda na kami sa eksena namin dito, e. Ako [as Emilio Aguinaldo] ay mga 90 years old in a wheel chair, and si Nora ay mga 70 years old, so lalagyan kami ng prosthetics.

"Kaya tatapusin namin lahat ng scenes."

Dagdag pa ni Gov. ER, "Sasagutin po naming lahat ng expenses niya. Nasa kontrata po.

"Yung kanyang titirhan, board and lodging, food, everything..."

So, confirmed na ba talaga ang balitang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," mabilis niyang tugon.

"Naghihintay na po si Nora. Lahat kami ay excited.

"Suzette Ranillo is behind it. She’s a good friend of my wife."

Ayaw kumuha ni Gov. ER na "lesser actress" than the award-winning superstar?

"Correct," sang-ayon niya.

"We have to get the best. Kung napansin niyo ang Kingpin, puro best of the best ’yan sa film industry.

"You cannot settle for amateurs. We want professionals. We want to work with professionals."

"NATIONAL ARTIST." Pagkatapos humarap sa press ni Gov. ER, nilapitan agad siya ng PEP for our follow-up questions sa pagkuha niya ng serbisyo sa Superstar na si Nora Aunor.

Ano ang pakiramdam niya na siya ang film producer na makakapagbalik-Pilipinas kay Ate Guy, upang gumawa ng pelikula after many years?

"Magaling... Mahal pa rin niya si Erap!" malakas nitong tawa.

Ilang taon na rin kasing hindi aktibo sa showbiz si Nora magmula nang manirahan ito sa Amerika ilang taon na ang nakakaraan. Siya lang pala ang makakapagpabalik kay Nora sa Pinas.

"Natutuwa ako kasi isang karangalang makatrabaho ang isang National Artist," ani Gov. ER.

Tanong namin, bakit niya natawag na "National Artist" si Nora, samantalang hindi pa naman ito officially declared ng pamahalaan?

"Hindi ba, may award siya, National Artist yata?"

"Hindi pa po," paglilinaw namin kay Gov. ER.

"A, hindi pa ba... E, di, malapit na! He-h-he! Feeling ko kasi, she’s a National Artist."

Bakit niya nasabi ’yon?

"E, icon na ’yan, e, pagdating sa film industry. She’s an icon. So, I call her National Artist."

Wala ba silang pagkakataong nagkasama sa isang project noon?

"Wala pa... Si Erap [meron]... At mahal niya si Erap kaya niya tinanggap ang Aguinaldo [project]!" tumatawang biro nito.

Seriously, sa palagay ba niya ay may kinalaman si dating Pangulong Erap sa desisyon ni Nora na tanggapin ang offer niya at magbalik-bansa sa malapit na hinaharap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maaari... Siguro ano... I don’t know, mahirap magsalita, e," makahulugan nitong sagot.

THE NEGOTIATION. Ang maybahay ba niyang si Pagsanjan, Laguna Mayor Girlie Ejercito ang kumausap kay Suzette Ranillo, na siya namang kumausap kay Guy sa Amerika, upang gawin ang Aguinaldo film?

"Yeah, pero ako, kausap ko rin si Suzette. She’s working on it."

Hindi ba mahirap ang negosasyon?

"Wala, sandali lang. Kung ano ang gusto niya, ibibigay namin."

Kailan talaga ang official na pagdating niya at pagsisimulang mag-shooting ni Nora?

"Immediately after this [Kingpin]. Baka August [2011]. Pipilitin naming August. "

Sa lalong madaling panahon daw ay ipadadala na nila kay Nora ang film script.

Nakapirma na ba ito ng kontrata para sa proyektong nabanggit?

"Wala pa. Wala pa, pero positive lahat, e. Lahat ng signs, okey e. Nag-i-email na kami...

"Sayang, kasi maganda ang pelikula. It’s a historical film. It’s a monumental film. Epic ito, e. Kaya dapat tanggapin niya."

Gaano kamahal ang talent fee ng isang Nora Aunor upang magbalik-pelikula?

"Mahal! Pero secret!" tawa ni Gov. ER.

"Pero mahal talaga... Siyempre... Walang himala!" tawa niya uli.

POSITIVE SIGNS. Bilang producer ng El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, makakapagbigay ba siya ng assurance na talagang makakauwi si Guy?

"Positive lahat ng signs, e," sabi niya.

"Wala kaming nakikitang ano, e... Hindi kagaya kay Vilma, alam na namin agad na schedules. Alam na agad namin ang problema.

"Pero kay Nora, walang negative, e."

Aware kaya si Gov. ER na may ibang past transactions na ang naganap sa pagbabalik-bansa ni Nora, pero walang nangyari?

"Hindi... Well, malakas ang feeling ko na may Erap factor... Kahit na hindi sila in good terms.

"Baka ang tingin niya sa akin ay si Erap, younger version!" tawa nito.

Anu-ano ang demands ng Superstar sa kanyang pagbabalik?

"Siyempre, maganda ang kanyang titirhan. Maganda ang script. Magandang titirhan, maayos lahat ang kanyang mga pangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Round-trip ticket po ito. Pati service car... Lahat ng gusto niya ay ibibigay namin."

Full contract ang one week shooting na ito ni Nora for the movie?

"Yes, one week, at full contract. Yun ang gusto ng producer namin, e."

PATCHING UP. Ano ang pakiramdam niyang muli na siya ang makakapagbalik kay Nora sakaling matuloy nga?

"Well, isang malaking karangalan dahil after what happened between her and President Erap... Well, maybe, I can patch up things.

"Dahil napatawad na ni Pangulong Erap si Chavit Singson, at marami pang iba.

"Maybe, I can patch up things between him and Nora. And even Perla Bautista. Si Ms Perla, di ba, is part of my movie?"

Ganoon kalaki ang plano niya for El Presidente?

"I mentioned that already, e, na 100 million pesos yung dalawang pelikula.

"So, kung 30M ang Kingpin, baka nasa 70 to 80M ang Aguinaldo," sabi ni Gov. ER.

NO ASSURANCE YET. Pagkatapos ng panayam namin kay Gov. ER, ang maybahay naman nito na si Pagsanjan Mayor Girlie Maita Ejercito ang aming nakakuwentuhan

Sa pagkakaalam ni Mayor Girlie, paano ba nagsimula ang offer ni Gov. ER ng El Presidente kay Nora?

"Kami ni Suzette, matagal nang wala kaming communication niyan dahil nasa States siya, e. Pero nag-usap sila ni Gov. Nag-uusap sila.

"Binanggit ni Gov kay Suzette, ’Baka puwede mong makuha si Ate Guy para sa pelikulang Emilio Aguinaldo?’

"Sabi naman ni Suzette, ’oo, sige’. Gagawin niya ang lahat... Nakausap na raw niya si Ate Guy. Pero hindi ko pa ma-confirm kung totoo na or what. "

Ayon sa Mayora, matagal daw ang pinagsamahan nila ng kaibigan niyang si Suzette.

"Kaibigan ko si Suzette, matagal na... 1994 pa, e. Barkada kami niyan. Best friends."

Kung sakali, ano ang feeling niya ang pelikulang ito ang makakapagpabalik sa Superstar sa paggawa ng movies?

"Kapag natuloy, e, di masaya. Kasi, malaking tulong rin ’yan kay Gov na nandiyan si Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana nga, talagang matuloy na matuloy siya na maging isa sa leading ladies of Emilio Aguinaldo."

Pero paglilinaw niya, "Wala pang assurance. Hindi ko pa ma-confirm, kasi gusto ko, bago ako magsalita, yung totoong-totoo na talaga."

Pero ang sabi ni Gov ER ay halos confirmed na dahil "positive" daw lahat ang kanilang communication.

"Siguro nga," sambit ni Mayor Girlie.

"Sana nga, oo... Kasi ako naman, hindi ako yung tipong mausisa, e.

"Hindi rin ako masyadong nakikialam, hangga’t wala siyang sinasabi.

"Pero nandoon pa rin ako na talagang sumusuporta.

"Sabi ko lang kay Suzette, ’Day, gawin mo lahat ang kaya mo para makuha siya [Nora].’ Dahil gusto talaga namin si Ate Guy na maging leading lady ni Gov.

"Ginagawa naman ni Suzette ang lahat. Ako ang taga-followup."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN