Mark Gil to the father of Andi Eigenmann’s baby: "If you don’t want it, then you won’t have it!"

"We’re not asking anything from you, boy. I just hope your parents raised you well... Tapos ngayon, palalabasin n’yo pa, ’We are happy and we are willing to have a DNA test’? Come on, that’s enough of an insult! All we ask is like harapin mo. Tanggapin mo anak mo, aminin mo. But we don’t need you," says Mark Gil about the father of Andi Eigenmann’s child.


Muling isiniwalat ni Mark Gil ang kanyang damdamin tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak na si Andi Eigenmann sa exclusive taped interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, July 10.

Ayon kay Mark, ipinaalam niya kay Andi at sa ina nitong si Jaclyn Jose ang gagawin niyang pagpapa-interview.

"Yes, kinausap ko rin siya bago tayo... ngayon," sabi ni Mark kay Boy.

"Si Andi, tinawagan ko siya. Tinawagan ko si Jane—si Jaclyn Jose yun. Ang mommy niya.

"Tinawagan ko rin si Gabby [Eigenmann], my eldest son. And my wife, of course, hiningi ko talaga ang side nila."

Si Gabby ay anak ni Mark sa dating actress-model na si Irene Celebre. Ang "wife" naman na tinutukoy niya ay si Maricar Jacinto.

ANDI’S PREGNANCY. Ikinuwento muna ni Mark ang unang pagkakataon na nalaman niyang buntis nga si Andi.

"Tumawag sa akin si Jane... Jaclyn and I are very civil. We’re friends. I always welcome when she calls me up.

"Dumating sa point na kinausap niya ako. ’Hey, anong problema?’

"And she was trying to tell me na may mga nangyayari sa buhay ni Andi.

"Ako naman, wala akong alam. So, ako, wala akong alam.

"’Ano, tuloy pa rin ba? Sila pa ba? Nanggugulpi pa ba?’

"’Hindi, there’s something more to it.’ Then I said, ’Ano?’

"Nararamdaman ko yun. Alright, no problem.

"At first, I react. Galit. I tell Jane, ’Huwag kang magalit. I’ll talk to you later,’ because I was doing my usual day from taping and working.

"She called me up the next day. ’Okay, Jane, I don’t mind. Let’s put aside our own reaction.

"’What’s important is we have to listen first. Ano ang gusto ni Andi? Hindi masusunod kung ano ang gusto ko or gusto mo—natin. Ano ang kay Andi?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And this is what she said, ’Andi decided to keep the baby.’ And I take my hats off to Andi.

"I told Jane, ’Doon tayo. Kung saan si Andi, doon tayo.’"

Pagkatapos daw nito ay tinawagan at kinausap ni Mark si Andi.

"Alam mo, Boy, hindi ako nanghihimasok sa buhay ng mga anak ko. Kasi, kilala ko sila at kilala rin nila ako. I don’t go into details.

"Ang sa akin lang, titingnan lang kita. How do you feel about it? Are you okay?

"If you say no, I will find in any way what I can do to help you.

"But if you say things are okay, I will watch you. But I will always be there."

Sa partikular na sitwasyon na nag-usap sila ni Andi, ano ang sinabi nito, is she okay?

"I asked her, ’Are you alright? Just look at you, you’re beautiful.’

"’Yes, Dad, I’m fine,’" kuwento ni Mark.

"Healthy and strong" daw si Andi and she has her mom taking care of her.

Dagdag pa ni Mark, "We text each other very much. I always tell her that we’re just here."

Dumating din ba sa punto na may galit si Andi sa kanya bilang ama?

"I think she’s going through that and I can’t speak much because hindi naman siya lumaki sa akin.

"But like I’ve said, I’m always been around. Only when I’m needed, I’m there like Superman," sabi ni Mark.

THIS BOY. Napag-usapan din ang diumano’y "panggugulpi" ng sinasabing ama ng dinadala ni Andi.

Boy asked Mark kung paano niya nalaman ang tungkol dito.

"Actually, yung eldest son ko, si Gabby, he always keeps in touch with me. Siya yung nagsabi na, ’Dad, nagulpi si Andi.’"

Pinangalanan ba ni Gabby ang nanggulpi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo. At saka alam ko," sagot ni Mark.

"Tapos, maraming isyu na sinabihan din ako na basahin din ako sa Internet.

"So, my wife, Maricar, she made me read a lot of things from this person.

"This boy has a problem. He’s got a big problem. He’s so young.

"Ayoko nang basahin. Kasi kilala ko siya.

"Yung nakita ko sa kanya, siguro ako noong araw.

"This boy has a lot of anger. Marami siyang galit sa ulo."

Did he try to get in touch with him?

"Yes, I did. Pero hindi kami nakapag-usap.

"Ganito ’yan, Boy, ang hinanakit ko... First thing, I had lunch with Andi, Maricar my wife...

"I asked Andi, ’You have his number, you don’t mind if I’ll text him?’

"Kausapin ko lang about sa panggugulpi. ’Come face me. Come talk to me, face me.’

"E, he wouldn’t text me back. He would text Andi. Pero magkasama kami ni Andi.

"So, ’Okay, I will call and you’ll answer. Talk to me. Harapin mo ako.’

"Kasi tinanggap namin yung tao. Tinanggap namin siya sa bahay ko. Okay siya, mabait.

"We even had get-together at my sister’s house, kay Cherie [Gil], nandoon siya... family. Everybody was happy and then, you learn this.

"Iho, ano problema?"

Did he talk to you?

"No," sagot ni Mark.

"So, hindi lang yung sitwasyon ni Andi yung isyu na yun sa pamilya namin.

"Itong taong ito, ang pangit ng ugali niya!

"I feel deceived. Kasi, noong gulpihan isyu, na sinampal-sampal daw niya... at may nangyari pa raw Greenbelt, in public.

"She’s my daughter, ’wag naman. Not just my daughter, she’s Andi Eigenmann, she’s ’Agua Bendita,’ she’s a star. My daughter."

Dugtong pa niya, "Bastos! Sobra. My daughter doesn’t deserve this."

FATHER OF ANDI’S CHILD. Ang sinasabing nanggulpi kay Andi ay siya ring tinutukoy na diumano’y ama ng ipinagbubuntis ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy urged Mark kung nanonood ang "Boy" na tinutukoy niya, ano raw ang gustong sabihin ni Mark dito.

"Stand up. Stand up," sabi ni Mark.

"You know what, I fathered [a child] when I was sixteen. When I was sixteen years old, I had Gabby...

"Sixteen years old, I have no idea what this life would be for me.

"Salamat siguro sa talent, sa pagiging artista ko...

"I’ve never turned my back on my children, even at that time, I was sixteen years old.

"Kahit hindi ko alam ang magiging responsibilities ko, pinanindigan ko yun, hinarap ko.

"I grew up with that little boy... that’s Gabby. And then, so on and so forth, di ba?"

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Mark ang maging emosyunal at mapaluha.

Mensahe pa niya sa ama ng dinadala ni Andi: "Panindigan mo yun. Konsensiya.

"We’re not asking anything from you, boy. I just hope your parents raised you well.

"This is my question, do you have parents? What kind of parents do you have?

"Nanggugulpi ka ng bata, ng babae. Hindi ka man lang pinangaralan!

"Tapos ngayon, palalabasin n’yo pa, ’We are happy and we are willing to have a DNA test’?

"Come on, that’s enough of an insult! If you think you’re tough, we are not.

"All we ask is like harapin mo. Tanggapin mo anak mo, aminin mo.

"But we don’t need you," mariing sabi ni Mark.

"Hindi na namin kailangan ng ama sa anak ni Andi. Ang dami niyang kikilalaning tatay.

"Ako, the whole Eigenmann clan and also sa other side, sa mommy side niya.

"Maraming ama ang anak niya, hindi namin kailangan ng isa."

In one interview, nasabi ni Mark na "nagulpi, nabuntis, at tinalikuran ang aking anak." That maybe painful sa isang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," tugon naman ni Mark.

And it must also be painful to hear na tinalikuran ang kanyang anak?

"Kalimutan na natin ang gulpi, kalimutan na natin ang lahat.

"Hindi pa ’to, meron pa ’kong alam—pinainom pa ng abortive pills.

"There’s too much details of it, but I don’t wanna touch.

"Kalimutan na natin yung first issue na gulpi-gulpi, sampal-sampal."

Yung buntis?

"Yung buntis at pagkatapos hindi mo haharapin, papalabasin mo pa na... yung playgirl.

"This formspring thing, come on, stop it. Don’t do this to my daughter. Don’t do this to us.

"Pinapalabas mo... Andi said already, ’I only had one boyfriend.’"

Idinepensa naman ni Mark ang isa pang idinadawit sa isyung ito—si Jake Ejercito.

"Look, Jake Ejercito, he came from a respectable family. He’s there. Alam niyang hindi kanya ’yan [Andi’s baby], but he’s there.

"So, I respect him for that."

"IF YOU DON’T WANT IT, THEN YOU WON’T HAVE IT!" Ayon pa kay Mark, "Kasi ang pressure dito, everybody wants to know who the father is.

"Kung maaari lang sana, we don’t want to mention anymore. It doesn’t really matter.

"Kagaya ng sabi ko kanina, maraming tatay ang batang ’yan.

"If you don’t want it, then you won’t have it!"

Would he want this "Boy" to shut up?

"Yes, very much," sabi ni Mark.

"Marami akong sana...marami akong sana.

"Na sana kainin mo ang computer mo!

"Na sana turuan mo ang nanay mo!

"At yung tatay mo, turuan ka ng mabuting leksyon!

"Dahil ito rin ang itinanong sa akin ng tatay ko noong magkausap kami, ’Wala bang magulang itong batang ’to?’

"Yun din ang sinabi ko, e, ’Wala bang magulang itong batang ’to?’

"What is it, all about show business? What is it? You’re building him up to be a breadwinner? What?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You’re barking at the wrong tree. We’re harmless people.

"Just leave my daughter alone. Please, leave my daughter alone and shut up. Shut up!

"You’ve caused so much hurt already and we’re not even considering it as harm.

"We’re considering it in a more beautiful light, on a better light.

"Just stop it. Stop it.

"We’re not even worried about career and all that because the talent and I believe the doors are still open and she [Andi] can be a better actor after all these, after everything."

Kapag bumalik ang taong ito sa kanyang anak, ano ang magiging reaction niya?

"I was hoping he would be such a person," sambit ni Mark.

"Isang sorry lang, yung sa panggulpi, all I want is just say sorry, that’s all, and everything would be okay.

"Kapag bumalik, sure, basta kailangan sincere ka.

"And I told myself, ayokong maging emotional. Pero isa akong ama.

"Kakaiba ang sitwasyon ko kasi nga my life has always been an open book.

"But when it comes to my children, thanks to you, at mayroon akong pagkakataon na makapagsalita.

"We’re all celebrity and we owe this to the public. Even if we have to sacrifice dignity and privacy.

"And I also need a little space for myself, to Andi na, ’Andi, I’m your dad. I’m hurt but I’ll be strong for you.’"

Tinanong din ni Boy si Mark kung ano ang gagawin niya kung sakali at ma-meet niya ang ’’Boy’’ na tinutukoy niya.

"Nothing. Nothing honestly," sagot niya.

Kaya niyang patawarin ang batang yun?

"Of course, of course," mabilis na sagot ni Mark.

"Yun lang, basta sincere. We’re not hateful people naman.

"I want to make it clear, you know, Andi’s pregnancy is not at all that bad. It’s actually a beautiful thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can’t wait for December... I’m gonna have my fourth grandchild and it’s my first granddaughter.

"I’m really excited and I believe this baby’s gonna be beautiful."

Ayon kay Mark, noong Father’s day sinabi ni Andi sa kanya na babae ang magiging apo niya.

"That was June 19!" tumatawang sabi ni Mark.

Kay Andi, ano naman ang gusto niyang sabihin?

"Simple. You’ll always be my princess, baby. Always be. We all are," madamdaming pahayag ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN