Shalala believes Kuya Germs has forgiven him

"Nung namatay yung sister niya pumunta ako sa first night. Yumakap naman ako sa kanya tapos tinapik niya lang ako," recounts Shalala about his encounter with Master Showman German Moreno.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shalala last week, sa graduation ng celebrities na nagtapos ng Culinary Arts Fundamentals Program sa Cuisinier Brasserie Studio sa Timog Ave., Quezon City.

"Kapatid" ni Shalala sa manager na si Noel Ferrer ang graduates na sina Marco Alcaraz, Luis Alandy, Edgar Allan Guzman, Lucky Mercado, at Rainier Castillo. Nag-graduate din ang girlfriend ni Marco na si Precious Lara Quigaman.

Nag-enroll sa naturang course si Shalala, pero hindi siya naka-graduate.

"Hindi. Kulang ko yung dessert course, ’tsaka yung mid-term. Yung pipili kami, nagbunutan kami ng isang entrée. Yung parang mga main dish.

"Nung dumating ako sa klase, nakalimutan ko yung ano, parang wala ako sa sarili dahil sa antok.

"Kasi, di ba, nagraradyo ako ng 12 midnight to 4 a.m. Nakakauwi ako ng 4:30 sa bahay.

"Nakakatulog ako ng 5 a.m. Gigising ako ng 8 a.m., tatakbo ako ng Juicy.

"Pagdating sa Juicy, bago kami makalabas dun, kuwentuhan. Lunch. Inaabot ako ng 12 p.m. Ala-una yung schooling namin.

"Kaya minsan, dumarating talaga yung time para akong duling, para akong hilo.

"Noong una medyo nakakaya ko, hanggang sa nung tumagal, parang 50 years old na ako, kapatid, singkuwenta na ako!

"Kaya siguro parang ano [mahirap]. Pero sabi naman ni Chef [Mafe Seva, ang teacher or administrator nila], puwede kong ituloy," kuwento ni Shalala.

Si Chef MaFe nga raw ang nakapansin na hirap si Shalala.

"Sabi niya, ’Kaya mo pa ba?’ Sabi ko, ’Chef, nahihiya lang ako.’

"Gusto ko kasi certificate, e, di ba? Sabi niya, ’Kung hindi mo kaya, sige sa susunod na lang.’

"Ganun siya kabait. Mabait siya, pero sa kitchen, day, nakakatakot! Kailangang pagbutihan mo talaga."

Kapag itinuloy niya, uulitin ba niya ulit lahat ng courses?

"Hindi. Hindi, yung mid-term ko na lang ’tsaka yung dessert [course]."

NEW INSPIRATION. So, hindi totoo ang tsismis na na-in love siya kaya nawalan siya ng panahon sa pag-aaral?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasabay ’yon, pero hindi naman nakakasira," sabi ni Shalala.

May bago kasing inspirasyon si Shalala ngayon. Pero hindi raw ang naturang lalaki ang dahilan kaya tinamad siyang magpatuloy ng kanyang culinary lessons.

"Hindi. Hindi siya."

Bago pa raw magsimula ang culinary class nila ay kilala na niya ang naturang guy na inspirasyon ngayon ng comedian/TV host.

"Nakilala ko siya sa may SUKI Market. Nakikita niya ako roon. Hindi niya ako nilalapitan.

"Bumibili-bili ako. Masarap kasi yung puto na gawa ng mommy niya.

"Tapos, one time, nagbukas ako ng Facebook, sabi niya ’I-add mo naman ako. Anak ako nung ino-order-an mo ng puto.’

"So, in-add ko siya. Nakita ko yung picture, ’Ay guwapo, in fairness!’

"Tapos from there, text-text kami. Message-message.

"Dun nag-start. Tapos sinabi niya na lilipat sila [ng puwesto ng tindahan] sa Muñoz. Sabi niya, ’Sana pag nag-open pumunta ka.’"

Two months na raw silang magkakilala ng naturang inspirasyon ni Shalala.

"Tapos nung opening, nag-ribbon cutting ako sa Muñoz!" ang tumatawang kuwento pa niya.

Tumutulong daw ang 22-year-old guy sa kakanin business ng ina nito, kaya lalong humanga si Shala rito.

"Ito nga, nakakaloka. Siya pa nagbabantay. Minsan halimbawa ang mama niya, kasama siya.

"And take note, kasama siya ng mama niyang mamalengke sa Divisoria, sa Blumentritt, sa Balintawak. Ganun siya kasipag."

MY KUYA GERMS. Nagkita na ba sina Shalala at Mr. German Moreno, o Kuya Germs, since magtampo ang Master Showman sa paglipat niya sa TV5 from GMA-7?

"Oo naman," sabi ni Shalala.

"Nung namatay yung sister niya pumunta ako sa first night. Yumakap naman ako sa kanya tapos tinapik niya lang ako.

"Hindi kami nakapag-usap kasi ang dami niyang bisita, e. Pero, okay naman kami, e."

Hindi naman daw iyon ang una nilang pagkikita mula noong lumipat siya ng network.

"Hindi. Nagkita na rin kami. Dinalaw ko pa siya. Pero nung marami nang isyu-isyu, iyon ang first.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero okay naman kasi nakangiti siya sa akin. Wala namang problema."

Naisakay na ba niya si Kuya Germs sa bago niyang kotse?

"Hindi pa nga, e. Plano ko, iyon ang gusto niya, di ba?"

Sa kanyang career, bukod sa Juicy ay napapanood din si Shalala sa Talentadong Pinoy ng TV5 hosted by Ryan Agoncillo. Magkakaroon din daw siya ng pelikula.

"Sa My HouseHusband, kausap ko si Direk Joey Reyes nung huli kaming nagkita sa Talentadong Pinoy. Isasama raw niya ako sa movie bilang tsismosong kapitbahay daw.

"Sa August yata ang shooting!" ang natatawa pang kuwento ni Shalala, na kasama rin sa indie movie na Ligo Na U Lapit Na Me.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN