Kapuso girls included in FHM 100 Sexiest Women list bare secrets to staying sexy

Being sexy for these girls is given, staying fit and fab is another thing. Top, L-R: Kylie Padilla, Rufa Mae Quinto, Bela Padilla, Rich Asuncion; Bottom, L-R: Alyssa Alano, Janna Dominguez, Jennylyn Mercado, and Sam Pinto.


Rumampa sa stage ng Showbiz Central last Sunday, July 10, ang ilang Kapuso actresses na nakapasok sa annual list ng FHM 100 Sexiest Women.

Kabilang dito sina Kylie Padilla (No. 90), Rufa Mae Quinto (No. 86), Bela Padilla (No. 77), Alyssa Alano (No. 76), Stef Prescott (No. 62), Janna Dominguez (No. 47), Rich Asuncion (No. 39), Jennylyn Mercado (No. 7), at si Sam Pinto na itinanghal na No. 1 sexiest sa list this year.

Matapos rumampa, tinanong sila ng Showbiz Central hosts na sina John "Sweet" Lapus, at Raymond Gutierrez kung ano ang feeling na napasama sila sa listahang ito.


"I feel pressured right now!" ang natatawang sagot ni Janna. "Nakakatuwa, at least na-appreciate nila yung ginagawa mo, ayun."

Ayon naman kay Alyssa, "Siyempre happy. Haping-happy! Kasi ang dami pa ding bumoboto kahit ganun."

Inamin din ni Alyssa na kahit sa Facebook account niya ay nag-imbita siya ng mga kaibigan para iboto siya.

First time naman na mapasama sa naturang listahan si Stef, na first time ding nag-cover this year for the said men’s magazine.

"Sobrang saya na yung pag-pose ko sa FHM, nasundan agad na pumasok na ako sa 100 Sexiest. So, thank you FHM," sabi niya.

Sa pagkakasama nila sa list, matindi ba ang pressure, like habambuhay na ba silang magda-diet at mag-e-exercise para pangalagaan ang kanilang kaseksihan?

Sabi ni Bela, "Hindi naman, feeling ko they voted us kasi we’re sexy na talaga, maintain mo lang."

Sinabi naman ni Rich, na three years nang napapasali sa listahan, "Siyempre ang pagdyi-gym at pagda-diet at paggawa ng mga bagay para sumeksi, ano ’yan, mine-maintain yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN