Sam Pinto clarifies past encounters with Aljur Abrenica and Fabio Ide

"Lately lang kami naging friends, when we were together sa Spooky Nights Presents [The] Ringtone," Sam Pinto reasons out on talks about her and Aljur Abrenica.


Ang voted No. 1 sa FHM 100 Sexiest Women na si Sam Pinto ang guest na sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, July 10, Sunday.

Unang itinanong ng segment host na si John "Sweet" Lapus kay Sam ay kung may ipina-enhance ba siya sa kanyang mukha, o katawan.

"Wala po," sagot ni Sam.

"Truth" naman ang naging resulta nito sa lie detector.

Tinanong kung sino ang mas kamukha niya sa kanyang mga magulang.

"Madami po nagsasabi, mommy ko."

Nag-model din daw noong araw ang mommy niya, although 5’2" lang daw ang height nito.

Ang height daw niya ay sa kanyang daddy namana. Incidentally, uncle ni Sam ang dating sikat na male model na si Vince Pinto.

JUST FRIENDS. Next question kay Sam ay kung totoong nag-date sila ni Fabio Ide recently sa isang comedy bar sa General Santos City.

"Hindi po," ang sagot ni Sam.

"Lie" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Nagpaliwanag ni Sam tungkol dito.

"Nag-show po kami doon sa Gensan. Yung GMA show siya, [na] regional."

Pagkatapos daw ng show ay gumimik sila sa isang bar, pero hindi lang daw silang dalawa ni Fabio.

"Kasama ko po RM [road manager] ko at yung RM niya. Tapos yung TC [talent coordinator] na taga-GMA. Marami po kami noon. Isang grupo," sabi ni Sam.

Sila lang ni Fabio ang artista kaya akala ng mga nakakita ay magka-date sila?

"Siguro po," sagot niya.

Magkaibigan daw sila ni Fabio noon pang nagsisimula pa lang si Sam sa showbiz. Single daw ang dalaga ngayon.

"Yes, I’m very single right now."

May suitors ba siya?

"Madami! Joke lang," ang tumatawang sagot niya sa tanong ni Sweet.

Pero aniya, "Masaya ako being single."

PAST WITH ALJUR. Ang pangatlong tanong kay Sam ay kung totoong noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz two years ago ay niligawan siya ni Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No po" ang sagot ni Sam.

"Lie" muli ang resulta nito sa truth verifier machine.

Explain naman si Sam, "Actually po, nung nag-i-start ako, hindi pa kami friends ni Aljur.

"Lately lang kami naging friends, when we were together sa Spooky Nights Presents [The] Ringtone."

Kaya imposible raw na niligawan siya ni Aljur noon. Ni hindi raw nila alam ang cell phone number ng isa’t isa.

Nagkikita lamang daw sila sa mga GMA show tulad ng Party Pilipinas, at never silang nag-date ng hunky actor.

Wala raw siya idea kung saan nanggaling ang isyung niligawan siya ni Aljur.

Dahil number one si Sam sa FHM 100 Sexiest Women this year, may bonus na tanong sa kanya. Sa palagay ba nya ay deserving siya na maging FHM’s No. 1 Sexiest Woman?

"Yes!" ang tumatawang sagot ni Sam.

"Confident! Kaya nga ako sexy, e, kasi confident! Hindi lang naman physical ’yan, e."

"Truth" naman ang naging resulta ng sagot ni Sam sa truth verifier machine.

Tinanong din ni Sweet si Sam kung sa palagay niya ay ano ang meron siya kaya ibinoto siya ng marami sa naturang poll ng nabanggit na men’s magazine.

"Actually, ang pagiging sexy para sa akin ay hindi naman lahat physical.

"Puwedeng because of confidence. Di ba, sexy yun? And of course just being happy about your body, di ba?

"Masaya ka sa katawan mo, sexy din yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN