Coleen Garcia admits she became wiser after relationship with Good Vibes co-star Enrique Gil

"I was in relationship with someone who’s in showbiz and at that time, he kept rising and rising. So, parang nakita ko na ang hirap talaga na magka-boyfriend sa showbiz," says Coleen Garcia about the reason she broke up with Enrique Gil.


Maganda ang simula ng showbiz career ng newcomer na si Coleen Garcia. Ang 18-year-old newbie actress na member ng Star Magic ay napapanood ngayon sa Good Vibes ng ABS-CBN.

Isa rin siya sa mga hurado ngayon sa variety show ng Dos na Showtime.

Dahil sa exposure niya sa dalawang programa, mas lalong nagiging familiar face si Coleen sa maraming televiewers. Kaya naman labis-labis siyang nagpapasalamat sa break na ito na malaking bagay sa mga tulad niyang baguhan pa lamang.

Nagsimula ang career ni Coleen noong two years old pa lang siya.

"Kasi ever since bata pa lang ako, sa commercials talaga ako nag-start. Two years old ako noong nagkaroon ako ng first commercial.

"Tapos I stopped. Noong naging teenager ako, noong naging 16 years old ako, bumalik ako sa isang commercial with John Lloyd Cruz.

"Tapos nga po ay napunta na ako sa Star Magic at nagkaroon na ng ilang shows," kuwento ni Coleen nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa dressing rooms ng Kapamilya network pagkatapos ng Showtime noong Saturday, July 9.

Nagpasalamat din si Coleen sa magandang exposure niya sa Showtime na maituturing na isang aksidente lamang.

"Pumasok lang ako [bilang hurado] as a replacement for Kiray. So, at first, wala talaga akong masyadong alam sa gagawin ko.

"Kasi I’m very inexperienced pa sa showbiz. Bago pa lang ako, nahihiya pa ako. Wala pa kong confidence.

"Pero, when they called me back to be as judge na talaga, at first, sobrang nervous talaga ako. I couldn’t be myself and nahihiya pa ako.

"But people in Showtime are so nice kahit off-cam. Sobrang parang family talaga sila. And that’s what I really admire about the people there.


"Close talaga silang lahat. They take the job so easy. So, it was easy for me to fit in. To become more comfortable as time went by."


Naikuwento rin ni Coleen na muntik na siyang napaiyak last week dahil akala raw niya’y mabu-vote out, o matatanggal na siya bilang hurado.


"Next week will be my seventh week and I really hope na magtagal pa ako," nakangiting saad niya.


"Actually, akala ko ay magiging burado na ako. I was prepared for it and I was so overwhelmed noong nalaman ko na hindi ako yung naburado.


"As in malapit na akong maiyak. Kasi ang akala ko talaga, ako na yung magiging burado," aniya pa.


VICE GANDA’S BABY.
Inaalagaan siya ni Vice Ganda sa Showtime.


"Opo, sobra. As in mas mabait pa siya sa akin off-screen, e," pagmamalaki pa niya.


Parang tatay, o nanay niya ba si Vice?


Tumawa muna siya bago sumagot. "Both, para siyang... kasi I get a lot of advice from him.


"And then he takes us out also to eat. He’s very, very nice talaga, e."


Pero bakit parang may mga nagsasabing mataray ang dating ni Vice Ganda sa TV?


"Ay, hindi talaga siya mataray. Sa TV siguro kapag nagpapatawa lang siya.


"Pero in person, sobrang bait ni Vice. He’s very toned down. He’s not as loud and everything.


"Siyempre for the TV ’yon. Pero in person, he’s very toned down. Very mabait. Very sweet."


Kanino siya pinaka-close sa Showtime?


"Kina Vice at Ryan [Ban] talaga. Siyempre, dahil mas matagal ko na silang nakakasama, e," sagot niya.


BEING WITH RYAN. Pero, hindi ba dahil doon, pinagma-match sila ni Ryan?


"Oo, tinutukso nga nila ako kay Ryan. Pero hindi, okay lang naman yung mga ganoong biruan, e.


"Hindi naman ako naiilang. Kasi, I actually find him very funny. Very entertaining.


"So, kapag kasama ko si Ryan ay talagang masaya ako. Pero wala namang malisya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, off-camera ay ganoon talaga si Ryan, e. Sobrang nakakatawa din. Nakakatuwa talaga siya."


SAM AND ENRIQUE. Ka-love team ni Coleen sa Good Vibes si Sam Concepcion, at co-star nila rito ang ex-boyfriend niyang si Enrique Gil.


"Si Sam kasi, at first nahihiya pa ako, kasi si Sam he’s a very experienced actor. He’s a very talented singer and dancer.


"Tapos ako naman, parang feeling ko in this show, noong una... Kasi, they got me right away when I signed with Star Magic.


"Saktong may show na agad ako. So, parang ako, I felt like I don’t have as much to offer as they do.


"I felt like l was inferior, because l was new. And prior to showbiz, l never sang, danced, or acted in front of anyone talaga.


"So, ina-appreciate ko talaga ang pag-alalay sa akin ni Sam. Kasi he’s very easy to work with.


"He helps you talaga. Kapag hindi mo na kaya, tutulungan ka niya talaga.


"I’m very comfortable around him. Kasi all of us in Good Vibes are all very close friends.


"Pero outside of the set, may mga friends din ako sa Good Vibes who I still hang out with na barkada ko na. And Sam’s one of them.


"So, close na kami and it really helps talaga," mahabang esplika ng dalaga.


LAST FEW EPSISODES. So ano dapat ang i-expect ng televiewers sa Good Vibes?


"Well, since konti na lang iyong natitirang episodes, talagang we’re gonna go all-out.


"Ibibigay na namin yung mga hinihingi ng mga tao. Yung mga love teams ay magpu-form na sila.


"Yung story mas mag-a-unfold na talaga siya. And this is the core na talaga ng story.


"This is where all the exciting... yung pinaka-exciting scenes noong plot and everything, it’s all gonna happen now.


"So itotodo na talaga iyong mga sayawan. Pampakilig, itotodo na talaga namin, kasi papatapos na, e."


Kanino ba siya mas close talaga between Ryan and Sam?


"Mas matagal ko na kasing kilala si Sam, pero si Ryan ever since Showtime, ay naging close na rin kami.


"So, wala namang mas close or ano. Lahat kami talaga ay close naman."


Pero puwede kayo maging barkadang tatlo?


"Actually, yeah. Lumalabas kaming lahat, magkasama. Sumama si Ryan sa mga outings naming magkakabarkada."


Pero, yung love angle sa kanila nina Sam at Ryan, ayaw niya ’yon?


"Ayaw ko talaga. Kasi I just started nga my career and without love na nga pinoproblema ko na, e.


"Parang I feel like I have so much to improve on. And I feel that if I get into a relationship at this early stage, makaka-distract lang sa akin.


"So, right now, natsa-challenge na ako na huwag ma-in love at mas mag-focus talaga sa career.


"Natsa-challenge ako sa work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang if someone else enters in the picture, I need to take care of myself kasi muna before I’ll be with someone else," sabi ni Coleen.


O, baka naman natatakot siya to fall in love dahil sa hindi magandang nangyari sa pakikipagrelasyon niya noon kay Enrique Gil?


"Hindi naman. Kasi, I wasn’t in showbiz yet when I was with Enrique.


"And then when I got introduced to the world of showbiz, parang medyo gumulo.


"Kasi, it’s ah... pero, we were broken up na. Like, medyo gumulo yung mundo ko na parang there’s so much I have to prove.


"It opened my eyes na parang, ’This is me.’ Parang dati, I kept limiting myself.


"’I can’t do this. I can’t do that.’ I discovered so much about myself. And I’m a work in progress and I’m so continuing to grow.


"I don’t wanna hinder that growth because of making mistakes with other people.


"Like getting into relationships that I’m not ready to be in.


"And with Enrique naman, I really became wiser. ’Tsaka ano, kasi yun nga.


"I was in relationship with someone who’s in showbiz and at that time, he kept rising and rising.


"So, parang nakita ko na ang hirap talaga na magka-boyfriend sa showbiz.


"Hindi lang mahirap para sa akin na parang kailangan niya akong itago and everything, di ba?


"Mahirap din para sa kanya, kasi he had to answer so many questions. He had to balance everything.


"So, nakikita ko na nahihirapan siya and mahihirapan din ako kung ako yung nasa posisyon niya.


"And na-realize ko na kapag loveless, mas makaka-focus sa work and less sakit ng ulo," nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN