Sarah Geronimo denies rumor that her parents have separated

"Sa bawat tahanan, may mga hindi pagkakaintindihan, pero hindi naman po kami dumating sa punto na magkakahiwa-hiwalay. Awa ng Diyos, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na hindi kami dumarating sa puntong yun and, God forbid naman, huwag naman, huwag naman po," says Sarah Geronimo.


Halos isang buwan nanatili sa Los Angeles si Sarah Geronimo para mag-aral ng dance and voice lessons.

Pero sa kanyang pagbabalik, isang intriga na naman ang sumalubong sa Pop Princess. Ito ay may kaugnayan sa kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo na diumano’y hiwalay na raw.

Ayon pa sa reports, although magkasama pa rin daw sa iisang bubong ang mga magulang ni Sarah, hindi na raw nag-uusap ang mga ito.

Sa panayam ng The Buzz kay Sarah na ipinalabas noong Linggo, July 10, ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa isyu.

"Alam natin ang totoo at alam ng Diyos ang totoo, bakit tayo magpapaapekto?" sabi niya.

"Matagal na rin tayong binabatikos—ako, ang mommy ko, yung buong pamilya ko naman ngayon, di ba?

"Basta ako, masaya lang ako na buhay ang bawat miyembro ng pamilya ko.

"Ligtas kaming lahat sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

"Hindi ko na pinapansin yung mga negative na komento."

Sabi pa ni Sarah, although nagkakaroon ng problema ang kanilang pamilya, nananatili naman daw silang matatag.

"Hindi tayo perpektong pamilya," sambit niya.

"Sa bawat tahanan, may mga hindi pagkakaintindihan, pero hindi naman po kami dumating sa punto na magkakahiwa-hiwalay.

"Awa ng Diyos, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na hindi kami dumarating sa puntong yun and, God forbid naman, huwag naman, huwag naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN