John Estrada excited over his first baby with wife Priscilla Meirelles

"Alam ni Priscilla na gusto ko talaga na maging unang anak namin ay boy, kasi nga kulang ako sa lalaki. So, kung babae daw, kasalanan ko, dahil hindi daw ako marunong gumawa ng lalaki!" says John Estrada.


Mismong si John Estrada ang nagbalita sa pagbubuntis ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles sa kanilang unang baby.

Ginawa ni John ang announcement sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! noong Lunes, July 11.

Pagkatapos ng show ay kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang tanungin pa siya sa magandang balitang ito.

"Actually, ako rin nagulat, kasi my wife Priscilla went to Miami with her mom.

"Siyempre, galing sila ng Brazil at doon nagdala siya ng pregnancy test kit.

"So, ang ginawa ni Priscilla, bumili rin ng pregnancy test kit sa States, plus yung dinala nilang pregnancy test from here.

"So, bale three pregnancy test kits ang dala nila. At lahat ng result sa pregnancy test kit na yun ay positive!

"But of course, dahil kadarating lang ni Priscilla nung isang araw, bukas [July 12] pa lang naka-schedule na ipa-check-up ko siya Ob-Gyne niya."

Si John ba mismo ay naramdaman niya, bago pa yung pregnancy test kit, na may dinadala na si Priscilla?

"Oo naman!" sambit niya.

"Nag-iba talaga yung hitsura niya, e. Siyempre as a husband, makikita mo yung signs.

"Yung nose niya, makikita mong medyo lumaki, the other parts nung body niya, medyo nag-iba. Nakita ko naman sa asawa ko yun.

"Ako, I believe she is pregnant. Siya rin, nararamdaman niya na pregnant na siya."

Bago ba nagpunta si Priscilla sa Miami ay may kutob na siyang buntis ang misis niya?

"Actually, nasabi ko yun nung huling nag-guest siya rito sa Happy Yipee Yehey, nung birthday celebration ko—that was last June 14.

"Tapos, nag-test siya isang beses sa pregnancy test kit, nag-negative. Tapos sabi ko sa kanya na, ’False alarm ’yan, Babe.’

"After that week papunta siya ng Miami. Dumating daw siya doon, nagka-cramps daw siya.

"So, sabi ng mom niya, e, di bumili na tayo ng pregnancy test kit para malaman nga daw kung buntis na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun nga, nag-positive!"

NOT THE FIRST TIME... Hindi na bago kay John ang pakiramdam ng pagiging ama dahil apat ang anak niya sa kanyang dating asawa na si Janice de Belen—Inah, Moira, Kyla, at Yuan.

This time with Priscilla, anong pakiramdam niya na magkakaanak na sila at magiging tatay na siya uli?

"Oo nga, medyo matagal ko nang hindi naramdaman na maging bagong tatay uli. Yung bunso ko, 14 years old na.

"Masaya, excited, kasi first baby namin yun. First time din magkakaanak ni Priscilla.

"So, excited din si Priscilla... Lalo na yung mother-in-law ko, excited din, excited na maging lola."

Ano ang gusto niyang maging anak—babae o lalake?

"Alam ni Priscilla na gusto ko talaga na maging unang anak namin ay boy, kasi nga kulang ako sa lalaki.

"So, kung babae daw, kasalanan ko, dahil hindi daw ako marunong gumawa ng lalaki!" natatawang sabi niya.

"Pero, of course, anything—lalake or babae—okay lang sa amin kung ano ang ipagkakaloob ng Diyos.

"Wish naman ng lahat ng parents yun, kahit ano, basta healthy yung baby."

SPOILED. Bukod sa physical changes kay Priscilla, may napapansin ba siyang changes sa mood ng kanyang misis?

"Oo, natutuwa yung asawa ko kasi, kahit sabihin niya na, ’Babe, will you please get this and that...’ kailangan mong tumayo.

"Kaya habang nagdi-dinner kami, ’Please get that...’ Ako naman, ’Sure!’ kuha naman ako.

"So, spoiled na spoiled sa akin yung asawa ko ngayon."

Meron na ba pinaglilihian si Priscilla?

"You know what, I’m lucky na hindi maarte si Priscilla pagdating sa ganyan.

"Yun lang, yung kaunting lambing, kahit na nakahiga na kami, ’Babe, will you please get this, Babe. I forgot something downstairs.’

"So, I have to go downstairs to get yung mga pinakukuha niya kahit antok na antok na ako.

"Pero naaawa din ako dahil marami siyang nararamdaman na cramps, and I heard from my daughter pa nga, hindi dapat madalas ang cramps kaya kailangan na talaga ipa-check-up sa Ob-Gyne."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang-halata ngayon sa aura ni John na napakasaya niya.

"Oo naman," sambit niya.

"I can’t complain kasi I was so blessed with many projects, with my good wife, with my upcoming baby.

"So, sinong hindi magiging masaya sa mga ganung bagay, di ba?"

JOHN’S CHILDREN. Ano naman ang reaksiyon ng mga anak niya kay Janice, lalo na si Yuan, sa pagbubuntis ni Priscilla?

"My youngest Yuan is very excited to be a kuya to another boy," sabi niya.

"Actually, kaya ako, gusto kong magkaanak ng lalaki, kasi nga gusto ng son ko rin na magkaroon na kapatid din na lalaki.

"May kuya naman siya, si Luigi, pero gusto niya na maging kuya din siya."

Si Luigi ang anak ni Janice sa dati niyang boyfriend na si Aga Muhlach.

Ano naman ang pakiramdam ng mga anak niyang babae na magiging ate ulit sila?

"Excited na rin sila, my three girls, they love kids.

"Kahit sa pamangkin nila, kahit yung anak ng Kuya Luigi nila, tuwang-tuwa sila.

"Kung puwede lang i-adopt nila yung mga anak ni Luigi, gagawin nila, kasi gusto nga nila ng baby."’

MADE IN... Kung sakaling lalaki nga ang maging anak nila, meron na ba siyang naiisip na pangalan if ever?

"Wala pa, wala pa! Pero definitely, hindi John.

"Sabi ng asawa ko at mga anak ko, ’Your name, dad, is very common!" natatawang kuwento niya.

"So, mag-isip tayo ng something different."

May kutob ba siya kung saan "made" yung baby nila ni Priscilla?

"Alam mo, pinag-uusapan nga namin ’yan ni Priscilla, iniisip namin saan made yung baby.

"Tingin ko, doon lang sa kuwarto namin made yung baby, e... So, nothing special!" tawa ulit ni John.

Ano naman ang gusto niyang makuha ng baby niya sa kanya at kay Priscilla na physical traits?

"Alam mo, pinag-usapan namin ng asawa ko ’yan. Sabi ni Priscilla, sana lang daw talent na lang ang makuha sa akin at wala nang iba!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakainsulto, pero okay lang dahil maganda naman ang nanay, e..

"Kung walang makuha sa akin, okay lang sa kin yun," dagdag pa niya, sabay tingin sa taas.

"Anak, kunin mo na sa nanay mo lahat, dahil maganda naman yung nanay mo, e."

ANDI’S PREGNANCY. Dahil napapag-usapan ang pagbubuntis, hiningan din ng PEP ng komento si John sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Si Andi ay naging anak-anakan ni John sa launching TV series ng young actress na Agua Bendita, at kasama rin niya ngayon sa Minsan Lang Kita Iibigin.

"You know, when I first heard the news, I was so shocked dahil hindi talaga halata.

"Hindi namin alam na may dinadala pala siya, na may itinatago pala siya.

"Wala, walang changes kay Andi kahit buntis siya.

"You know what, honestly, we all respect Andi’s privacy.

"I know for a fact na she decided to keep quiet. And I think, that is a very good decision on her part.

"Narinig na naman natin yung panig ng mga magulang niya.

"For me, you know, naging tatay din ako ni Andi sa Agua Bendita. Isa lang ang masasabi ko, Andi is a very, very nice girl.

"Actually, she reminds me of my first daughter. We all love her, we all support her, wish her the best.

"And hat’s off ako sa family niya na they keep and take care of the baby and Andi.

"To Andi, we love you. Kaya mo ’yan! And that baby is a blessing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN