Edgar Allan de Guzman denies two-timing girlfriend Johlan Veluz, but admits getting attached to Milagring

"Naging issue talaga siya sa amin ni Johlan. Nagkaroon talaga kami ng di pagkakunwaan dahil kay Milagring. Pero naayos na yun," says Edgar Allan Guzman about relationship problems.


Isa si Edgar Allan de Guzman sa young actors na hindi natatakot na makuwestiyon ang gender dahil sa pagganap ng gay roles. Ilang beses na rin siyang nag-portray ng bading na effective niyang nagagampanan.

Ngayon nga ay kasama siya sa sisimulang teleserye ng TV5 na The Sisters, where he will play Nadine Samonte’s best friend.

Sa presscon ng The Sisters last July 12 sa C3 Events Place in Greenhills, nagbigay ng pahayag si Edgar Allan kung bakit hindi issue sa kanya ang gay roles.

"Ang akin, pag totoong lalake ka, di ka matatakot, o magwu-worry sa pagtanggap ng mga gay roles.

"Ako, totoong lalake ako. Wala akong kinatatakutan na baka malaman ng tao na bading ako, or I’m a gay.

"Kaya hindi issue sa akin na tumanggap ng ganitong roles.

"Pag totoong lalake ka, wala kang takot na i-portray ang role na ’yun.

"Babae lang ang tinitibok ng lahat ng parte ng katawan ko," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

GAY BROTHER. Ayon kay Edgar Allan, ang kapatid niyang gay ang peg niya sa ganitong klase ng role. Pahayag din ng aktor, mataas ang respeto niya sa mga homosexuals.

"Dream role ko siya at may kapatid ako na straight gay din. So lahat ng gawin niya, pag may role ako na ganyan, siya ang peg ko.

"I have high respect for them [gays]. Ganun ang kapatid ko at naiintindihan ko siya.

"Bakit ako matatakot, or magkakaroon ng negative feelings sa kanila, e, mayroon akong ganung kapatid at alam ko ang pakiramdam nila?"

Aminado si Edgar Allan na nakatangap na siya ng indecent proposals before from gays, pero ang lahat ng ito ay tinanggihan niya at binalewala.

"Ngayon, wala na. Pero dati, before sa Eat Bulaga!, mayroon. Dedma lang ako, hinahayaan ko na lang sila. Sila naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanila yun. Pera nila yun. Ang importante, di ka pumapatol."

KAPATID TALENT. Dating siya sa Kapuso network, pero ngayon ay regular na siyang napapanood sa shows ng TV5.

Hindi exclusive contract star si Edgar Allan sa Kapatid network, pero ang TV5 na ang itinuturing niyang mother studio.

"Sobrang masaya ako sa TV5. Ito ang network na nagtiwala sa akin at tinagggap ako nang buong-buo.

"Di sila nag-alinlangan na bigyan ako ng mga projects. Naging mother network ko na sila at masaya ako dahil di ako nawawalan ng trabaho sa kanila.

"Non-exclusive contract ako sa kanila, but para sa akin, Kapatid talaga ako.

"I have It’s Saberdey every Saturday, 11:30 a.m., Lokomoko U and The Sisters na mag-i-start na this coming July 18 after Wil Time, Bigtime."

Naging matagumpay ang Babaeng Hampaslupa na siyang papalitan ng The Sisters sa dati nitong timeslot. May takot o kaba ba ang cast ng The Sisters?

"Siyempre, may ganung feeling. Pero, sure naman ako na tatangkilikin ito ng mga tao.

"Unang-una, magagaling ang mga writers namin. Magagaling ang mga kasama naming mga artista dito, mga beterano.

"Like sila Mr. Eddie Garcia, Ms. Rio Locsin, Susan Africa, Ms. Alicia Alonzo, Zoren Legaspi, Lotlot de Leon, etc.

"Si Nadine Samonte, mapapatunayan niya na mayroon siyang ibubuga sa pag-arte. It’s a dual role na alam kong kayang-kaya niya.

"Ang galing din ng mga direktors namin, sila Direk Joyce Bernal," sabi ni Edgar Allan.

TOGETHER AGAIN. Naging issue before ang breakup daw nila ng girlfriend niyang si Johlan Veluz ng SexBomb. Naiturong third party raw ang dancer na si Milagring sa hiwalayan.

Pero paglilinaw ni Edgar Allan, "Hindi kami nag-break, nag-cool off lang kami. Nag-isip for two days. Space, distance, pero naayos namin.

"Okay na kami ngayon. Kami pa rin. Pinipilit kong ayusin ang mga bagay-bagay na alam kong nagawa kong mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa two days na cool-off namin, na-realize ko ang mga pagkakamali ko. Na mahal ko pala talaga siya.

"Nakita ko ang mga mali ko. Yung kawalan ko ng oras sa kanya. Yung naisasantabi ko siya.

"Tapos ’yung mga naging issues sa amin ni Milagring. Nagsisisi naman ako. Pinagsisihan ko ang lahat," saad ng binata.

Inamin ni Edgar na naging malaking issue sa kanila ng girlfriend ang naging closeness niya with Milagring.

Pero siniguro niya na pagkakaibigan lang talaga ang namagitan sa kanilang dalawa ng nabanggit na dancer.

"Naging issue talaga siya sa amin ni Johlan. Nagkaroon talaga kami ng hindi pagkakunwaan dahil kay Milagring. Pero naayos na yun.

"Tapos na. Kinalimutan na namin. Nag-start na kami ng bago.

"Kaibigan ko lang si Milagring. Pag nagkikita kami, okay kami. Pero pag wala, wala talaga.

"Di ko masasabing nagkaroon ako ng special feelings. Siguro nung time na may problema ako, siya yung nalalapitan ko, pero hanggang dun lang yun.

"Hindi sumobra. Hindi nauwi sa relasyon. Di ako nag-two time, na-attach lang nang kaunti," saad ni Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN