Newbie Victor Silayan missed two opportunities on GMA-7 before signing up with TV5

"Well, it’s a challenge to your morals and values. For me, it’s who I am. I don’t really care about what other people would say because you know yourself,’ says Victor Silayan about intrigues in showbiz.


Matapos pumirma ng three-year exclusive contract sa TV5 noong nakaraang buwan, meron nang launching project si Victor Silayan sa Kapatid network, ang The Sisters.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Victor sa grand launch ng kanilang show sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, kagabi, July 12.

Dahil ito ang kanyang first project bilang isang artista, aminado siyang hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"First ever, first ever project. Kaya nga nang sinabi, ’please promote,’ ako yung unang-una, ’Ano sasabihin ko’?" natatawang kuwento ni Victor.

ENTERING SHOWBIZ. Si Victor ay apo ng sikat na yumaong aktor na si Vic Silayan at pamangkin ng yumaong TV host-actress na si Chat Silayan.

Nagsimula si Victor bilang isang model. Lumabas siya sa TV commercial para sa isang gamot at noodle product. Bukod pa dun ay modelo rin siya ng isang underwear brand.

Pero pag-amin niya, "out of curiosity" lang ang pagpasok niya sa showbiz.

"It started out as a curiosity," wika niya.

"Then my manager, Neil de Guia, he brought me to the meeting.

"We’re supposed to meet up with the heads, directors of TV5, pero na-late ako. I ended up having to audition, which is so embarrassing.

"Ayun, nagkataon nakuha ako, that’s what happened."

TURN OF EVENTS. Naikuwento rin ni Victor na dapat ay mag-o-audition siya para sa epicserye ng GMA-7 na ang Amaya, at iyon ay para sa karakter na nakuha ni Mikael Daez.

Pero dahil sa school commitments niya, kinailangan niyang tanggihan ito.

"Kasi yung una, yung Amaya, dapat ka-partner ko si Marian Rivera," banggit ni Victor.

"Pero wala, exams week ng schedule namin, I had to refuse.

"Then the other one, Blusang Itim, I think GMA din ata yun, e.

"Tapos ayun, yung TV5, nagkataon na yun nga, 12 units na lang ako, natapos ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last term yung offers na yun. E, this term, sobrang wala.

"Aside from majors nga lang, pero at least yung time, I can manage to do taping, and TV5 is there."

Ibig bang sabihin, kung walang conflict sa school ay nasa Kapuso network siya at wala sa Kapatid network?

"It would have happened; Neil and I would have pushed through with it," pag-amin niya.

"I think, ha, depending on many circumstances, e.

"Kasi this one, we also looked through my family, we asked them kasi my family is old-fashioned, and conservative sila.

"So, I have to look at many things."

Ganunpaman, wala naman daw panghihinayang sa baguhang aktor.

Sa ngayon, gusto niyang mapagbuti ang kanyang acting skills, at maging isang versatile actor.

"Actually, I want to be the person who is very versatile in everything.

"Kasi, di ba, something new is very exciting, challenging, and you want new thrills in life, and everyone wants thrills in life.

"So, ako, whether it be the leading man, whether it be the kontrabida, the frontman, okay lang."

Pero ngayong pinasok na niya ang mundo ng showbiz, handa na ba siya sa mga intriga?

"Well, kasama naman talaga ’yan, di ba?" sagot niya.

"Well, it’s a challenge to your morals and values.

"For me, it’s who I am.

"I don’t really care about what other people would say because you know yourself."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN