Soul Siren Nina warns other singers of her former PA’s modus operandi

Nina on how her former PA would collect money from her fans: "Di ko alam na itong PA ko, siya pala ang kumukuha ng bayad sa entrance. Sasabihin niya, ’Di pala kayo nakasulat sa guests list, so magbabayad kayo.’"


Isa nang recording artist ng Universal Records si Nina.

From Warner Music, nagdesisyon ang Soul Siren na subukan naman kung paano ang pagma-manage ng Universal when it comes to her singing career.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nina a few days ago sa Universal Records office regarding her transfer.

Naging maayos ba ang paghihiwalay nila ng inalisan niyang recording company?

"Nagpaalam ako nang maayos sa Warner. Ayoko namang magkaroon ng masamang tinapay sa ibang tao kasi inaalagaan din naman ako dun.

"Actually, kahit naman maraming singers na sikat sa Universal, hindi naman nila pinapakita na mas sikat si Ganito. Mas inaalagaan namin ito, or mas priority namin si Ganitong artist.

"Mayroon silang sariling panahon para pagtuunan ka ng atensiyon. So, hindi ka puwedeng ma-insecure or maiinggit kung kaninong artist.

"Pag gagawa ka ng isang album, ’Ito ang time na allotted namin sa iyo.’

"Kumbaga, pag may album ka, makikita mo na di ka talaga pababayaan sa promos para ma-promote mo talaga ang album mo.

"By end of July, lalabas na yung album ko. Right now, nagtatapos na lang kami ng tatlong kanta."

Masaya din si Nina sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Universal Records.

"Actually, kahit bago ako sa kanila, I didn’t feel like a newcomer. Na-welcome nila ako dito nang todo.

"Inaalagaan nila ako sa recording at pati sa ibang shows pa na through Universal. I can say na hindi sila nagpabaya."

DEMANDING. Marami ang nakaka-miss kay Nina sa ASAP Rocks bilang parte ng grupong Sessionistas.

Pero sa kabila ng pansamanatalang pagkawala ng Soul Siren sa nasabing grupo ay may mga isyung lumabas. Kesyo may attitude problem daw siya. Nagpapalipat daw ng dressing room ang Soul Siren dahil ayaw niyang may kasama.

Ayon kay Nina, "Anong ibig sabihin na nagpapalipat ng dressing room? Never naman akong nagkaroon ng solong dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ABS, di sila magbibigay ng solong dressing room sa iyo. Laging mayroon kang kasama. One or two.

"Kung magsosolo ka man, dapat Kris Aquino ka na talaga kasi most prized possession ka ng ABS [CBN].

"Di ko talaga alam kung bakit may issue na ganyan. Ano yun, dapat before the show, sasabihin ko, ’Dapat mag-isa lang ako sa dresing room, ha.’

"Paghihiwa-hiwalayin kami pag may foreign artist na guest kasi gagamitin niya nang solo yung malaking dresing room.

"Ang madalas na kasama ko sa dressing room ay sina Richard Poon, Duncan [Ramos], or di kaya sina Iya [Villania], Pokwang, Maja [Salvador]."

May communication pa ba sila ng mga kasama niya sa Sessionistas?

"May communication pa kami ni Richard. Siya ang pinaka-close ko sa grupo. Hindi naman kasi kami parang magbabarkada.

"Ang Sessionistas are more on professional level kami. Hindi naman kami close.

"Kahit hindi naman close, nasa gitna lang, pero wala kaming away.

"Hindi naman kami magkakatrabaho nang matagal kung may blood bad, di ba?

"We didn’t actually go out. Hindi kami lumalabas. Minsan kasi sa sched namin, hindi nagkakatugma ang mga schedules namin.

"Madalas after ng prod namin sa ASAP, kami ni Richard nagkakaayaan na mag-lunch kami, kasi yung iba may gagawin.

"Wala ako sa ASAP kasi nga tinatapos ko yung album ko," patuloy niya.

"Nagkataon pa din na yung mga shows ko, natatapat sa oras ng ASAP, e, naka-commit na kami dun."

Sa katunayan, may out-of-the country shows nga raw silang Sessionistas.

"May tour kami on August till September in States, L.A., New York, Las Vegas. Makiki-show pa rin ako sa kanila.

"Kung magkakagalit kami, e, di sana di na ako sasama dun."

MALTREATMENT ISSUE. Isang isyung pinukol kay Nina ay ang pang-aabuso niya raw sa kanyang personal assistant o PA. Mariing pinabulaanan ito ng magaling na singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang katunayan daw ay nadiskubre kasi ni Nina na humihingi raw ito ng bayad sa mga bar shows niya.

"Nagsabi sa akin yung mga fans ko, hindi nila sinabi nung time na yun kasi baka tine-threaten, o tinatakot sila.

"May mga fans kasi ako na gusto akong panoorin sa mga shows ko, e, ang mahal ng entrance.

"Dahil mga fans ko naman at gusto nila talaga akong mapanood, pinapasok ko sila for free.

"Di ko alam na itong PA ko, siya pala ang kumukuha ng bayad sa entrance. Sasabihin niya, ’Di pala kayo nakasulat sa guests list, so magbabayad kayo.’

"Ako, hindi ko ito sinasabi para gantihan siya. Sinasabi ko ito kasi baka gawin niya sa iba.

"Kawawa naman yung artist, kasi siya yung nasisira at di niya alam na nangayari pala ito. Sa akin, ingat lang."

How about yung estafa case niya laban sa mga Volante (family ni Nyoy Volante)?

"Tuloy pa rin yun. Hindi ako hihinto hanggang di ko nakukuha yung justice at di lumalabas ang totoo," sabi ni Nina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN