Kris Bernal favors Kylie Padilla as constant date of her former loveteam Aljur Abrenica

"Tapos mabait siya, maganda. So, kaya siguro talagang na-fall [in love] talaga si Aljur sa kanya," says Kris Bernal about Kylie Padilla.


Vocal na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na may MU [mutual understanding] na sila.

Ano ang masasabi rito ng dating ka-loveteam ni Aljur na si Kris Bernal?

"A, sinabi na ba nila? A, talaga? Sino nagsabi? Sila mismo? Sa kanila mismo galing? Ngayon ko lang nalaman," reaksiyon ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre masaya ako para sa kanila. ’Tsaka si Aljur kasi, basta anything or anyone na magpapasaya sa kanya, masaya rin ako. Suportado ko siya.

"Hindi lang ako masyadong makapag-react kasi hindi ko alam yung status nila, e."

Yun na nga, mag-MU raw ang dalawa at exclusively dating na.

"Wala namang problema kay Kylie, na-meet ko na siya. Oo naman, sa Party Pilipinas.

"Nakita ko kay Kylie yung... alam mo yun? Yung babaeng talagang tahimik, mahinhin. Yung hindi lang basta-basta. Yung ganun.

"Tapos mabait siya, maganda. So, kaya siguro talagang na-fall [in love] talaga si Aljur sa kanya."

May point ba na sinabi sa kanya ni Aljur na liligawan nito si Kylie?

"Sinabi ba niya sa akin? Wala naman siyang sinasabi sa akin. Pero, nagkukuwento siya dati ng sa kanila ni Kylie.

"Na gusto niya si Kylie. Ganun, pero minsan kasi hinahayaan ko na lang siyang magkuwento.

"Ayoko kasing magtanong, di ba? Siyempre, personal niya yun. Sa private na buhay niya rin yun."

E, yung tungkol sa pagkaka-link ni Aljur kay Ai-Ai delas Alas?

"Reaksyon? Siyempre, kung ako si Aljur, di ba? OMG! Ms. Ai-Ai, box-office queen!

"E, si Aljur naman talaga, pantasya ’yan, e, di ba," ang tumatawang sabi ni Kris.

"Kahit ngayon nga, hinahanap nila sa akin si Aljur, e. Ng mga babae, ng mga bading. Talagang inaano nila sa akin, ’Si Aljur?’

"Lalo na yung hotdog ni Aljur. Sabi ko, ’Ano bang mero’n sa hotdog ni Aljur?’"

Natikman na raw ni Kris ang tuna hotdog na ini-endorse ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natikman ko na, kasi binigyan niya ako, e. Nagbigay siya sa akin, isang kahon. Binigyan niya ako.

"Okay naman, masarap naman," sabi ng young actress.

May ilang nagsasabi na medyo maalat ang naturang hotdog?

"Hindi naman," depensa ni Kris.

"Mabait naman si AJ [Aljur], e. Sini-share niya ang blessings niya sa akin."

Ibabalik pa ba ang loveteam nila?

"Tingin mo? Babalik? Siguro next year, ’no?"

Si Mark Herras ang kapareha ngayon ni Kris sa danceserye nilang Time Of My Life ng GMA-7.

Nasa pelikulang Ang Panday 2 rin si Kris.

"Magkasama kami [Aljur] dun. Loveteam kami doon. Pero kasi sister ako ni Ms. Marian [Rivera] dun, e.

"Mamamatay ako sa huli kasi ipinaglaban ko yung sister ko—si Ms. Marian.

"Nabasa ko yung script, pero hindi pa kami nagsu-shoot. Hopefully matuloy."

CONCERN FOR IWA. Tulad ni Kris, produkto rin ng StarStruck si Iwa Moto na kailan lamang ay may pinagdaang krisis sa personal nitong buhay.

"Si Iwa, love ko yun, e! Mabait kaya yung si Iwa. Basta pag kailangan niya ng friend, nandito lang kami.

"Atsaka si Iwa, marami pang darating sa career niya kaya huwag siyang mag-alala.

"Nagpapahinga yata siya ngayon, pagbalik niya bongga ulit ’yan," sabi ni Kris.

MORE OPEN. Kumusta naman sila ng nali-link sa kanya na singer na si Jay Perillo?

"Okay naman. Mas open na kami, pero kumbaga, yun lang. Hanggang dun lang," matipid na sagot ni Kris.

Ano pa ba ang nakakapigil para maging opisyal ang kanilang relasyon?

"E, kasi career, e. Ayoko kasing malihis ang atensiyon ko, e.

"Ngayon nga lang parang... kasi siya yung lagi kong kasama ngayon, di ba?

"Parang, pag wala akong taping, minsan niyayaya niya ako. So iyon yung free day ko, and okay lang yung ganun.

"Basta yung pag sa trabaho, ayoko yung parang nagiging bad na or nagiging nega na, or sagabal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba si Kris ngayon?

"Oo naman! Masaya ako sa lahat ng nangyayari sa life ko ngayon. Wala namang problema," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN