Bianca Manalo now open for possible relationship with John Prats

"Kasi ngayon, nag-e-enjoy kami sa company ng bawat isa. Masaya naman kami. So, tingnan na lang po natin. Hindi ko po kasi talaga alam, e," declares Bianca Manalo on present relationship with John Prats.


First time ni Bianca Manalo na makasama sa FHM 100 Sexiest Women in the World. Pero kahit new entry pa lamang siya, pasok na agad siya sa No. 18.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa backstage ng World Trade Center ang beauty queen turned TV host-actress pagkatapos nilang rumampa kagabi, July 14.

"Masaya. Na-miss ko rin ang pagrampa," nakangiti niyang sabi.

Hindi rin itinanggi ni Bianca na if ever, next year, wish din niya to land on the top position.

"Siguro naman, it’s every girl’s dream to be FHM’s sexiest. Pero ako naman, bahala na ang tao."

So, wish niya talaga mag-number one next year?

"Sana! Hindi natin alam."

Sa mga kasama niyang rumampa, sino sa mga ito ang feeling niyang nag-stand out talaga sa kaseksihan?

"Lahat, lahat! Lahat kami magaganda. Lahat kami sexy, kaya nga nakasama kami sa 100 Sexiest," sagot niya.

Nakasuot ng tiara si Bianca nang rumampa siya. Talagang sinadya niya ba yun?

"Wala lang. Siyempre, beauty queen kaya nagsuot pa rin ako ng crown. Para kahit paano, beauty queen pa rin!" natatawa niyang sabi.

Hanggang sa isinuot lang daw niyang noong gabi ng FHM 100 Sexiest ang pinaka-kaya niyang isuot.

"Kung nakaya kong mag-swimsuit for Miss Universe, yun naman po. Yun lang, enjoy lang."

FROM JOHN PRATS. Simula naman nang madawit ang pangalan niya sa breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go, naging kontrobersiyal na ang lovelife niya. (CLICK HERE to read related story.)

Nasundan pa ito nang makitang binigyan siya ng friendship bracelet ni John sa afternoon show nilang Happy Yipee Yehey!.

"Actually, sinabi ko na, kung napanood ninyo ang episode sa Happy Yipee Yehey!, noong inabot yun, lahat yun nag-start sa ’Ikaw Ang Bida’ [segment ng show].

"Yung contestant, ang task niya, kailangan niyang magbigay ng sampung bracelet sa sampung single na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang sabi ko, single din ako. Lagyan din ako.

"Biglang sinabi ni Pratty [John], ’A, gusto mo? Sige, sige!’ Nagulat ako, pumunta siya ng studio at sinuot niya sa akin. Pero yun lang yun."

Napipikon ba siya ulit na nabuhay na naman ang panunukso sa kanilang dalawa dahil sa bracelet?

"Actually kasi, ako, masaya kami. Actually, ang akin lang naman kasi, hindi ko gusto yung maintriga akong third party, which is hindi naman po talaga totoo.

"Pero itong asaran, dati pa po naman itong asaran namin. So, hindi po ako napipikon, masaya lang po talaga ako ngayon."

Tila nagbago na rin ang sagot ni Bianca sa tanong kung sakaling ligawan nga siya ni John ngayon lalo pa nga’t out nang break na ito at si Rachelle.

Ayon kay Bianca, "Hindi natin alam."

Obviously, tila mas open na siya ngayon?

"Kasi ngayon, nag-e-enjoy kami sa company ng bawat isa. Masaya naman kami. So, tingnan na lang po natin. Hindi ko po kasi talaga alam, e."

May lumabas din na nakita raw silang dalawa ni Rachelle sa Rockwell kaya it’s a small world daw?

"Hindi ko po ’yan alam. Nagulat po ako riyan. Siya talaga ang nakakita?

"Lumalabas naman po talaga kami. Minsan as a group, kasama ko mga friends ko. Kasama mga friends niya, ganoon."

Pero may incident talaga na nandoon silang dalawa?

"Hindi ko po talaga alam, e. Palagi kaming group, e."

Pero aminado naman si Bianca na isa ang Rockwell sa napupuntahan nila.

Nagbigay rin ng pahayag si Bianca tungkol naman sa isyu ng pagbabaklas ng sexy billboards.

"Siguro tama lang po talaga. Hindi ko po alam, e. Pero siguro para lang din sa safety ng mga nagmamaneho.

"Dahil minsan, kapag nakakakita ng magagandang katawan, napapalingon kang talaga at nakakalimutan mong mag-brake. So, yun po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN