Eula Valdes opens victory party of FHM 100 Sexiest Women in the World; boyfriend Rocky Salumbides waits outside the venue

Eula Valdes received loud applause at the victory party of FHM 100 Sexiest Women in the World held at the World Trade Center last July 14.


Aside from being the cover girl for the July issue of FHM magazine, isa rin si Eula Valdes sa rumampa sa ginanap na victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World sa World Trade Center last July 14.

Isa si Eula sa nakatanggap ng malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience. Ano ang pakiramdam niya rito?

"Masaya, masaya ako. Mas ganadong maglakad, mas ganadong rumampa," nakangiting sabi ni Eula nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Mas lalong na-prove ni Eula sa sariling tama lang ang desisyon niya to pose for FHM for the second time.

Aniya, "Parang ano nga yun, kasi magpu-43 na ako, and yet, na-invite pa nila ako na mag-cover ulit.

"Kumbaga, ito yung not for anybody else yung desisyon ko. Kumbaga, trophy ko para sa sarili ko, reward ko na, at least, na-maintain ko, naalagaan ko ang sarili ko."

Sa presscon noon para sa FHM 100 Sexiest, sinabi na ni Eula ang pagiging konserbatibo ng kanyang boyfriend na si Rocky Salumbides.

Naikuwento na nito noong isang taon na unang beses siyang rumampa ay hindi siya nito pinanood. Pero, iko-convince raw niya ang boyfriend this time.

Pero hindi pa rin siya nagawang panoorin ni Rocky na rumampa noong Huwebes ng gabi.

"Nasa labas, naghihintay lang. Sabi ko sa ’yo, e, hindi talaga!" natatawang sabi ni Eula.

Hindi ba niya talaga na-convince?

"Hindi ko talaga siya na-convince kasi ayaw niya talaga. Kapag ayaw niya, ayaw niya.

"Pero proud naman daw siya. Pero, hindi ko siya pipilitin kasi baka mag-cause lang ng away, di ba?"

Tinanong din namin si Eula kung posible pa rin ba siyang rumampa next year sa ikatlong pagkakataon?

"Bahala na. Kung hindi pa ako madyubis [mataba]!" natatawang sabi na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN