Ina Feleo says her dad Johnny Delgado wanted her to write and direct a movie: "Noon pa, kinukulit na ako ni Daddy."

Nagsilbing baptism of fire kay Ina Feleo, isang graduate ng Creative Writing from Ateneo de Manila University, ang indie film na Maskara, a tribute to her late dad, Johnny Delgado. Ayon kay Ina, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagsulat siya ng full-length film. Ang pelikula, directed by mom Laurice Guillen and produced by sister Ana Feleo, ay hango sa tunay na buhay nila.


Ang indie film na Maskara, a tribute to the late Johnny Delagado, ang nagsilbing opening film sa 2011 Cinemalaya Film Festival kagabi, July 15, at the Cultural Center of the Philippines.

Laurice Guillen directed the film, while daughters, Ana and Ina Feleo produced and wrote the movie, respectively.

Nagsilbing baptism of fire kay Ina, isang graduate ng Creative Writing from Ateneo de Manila University, ang pelikula. Kung pagbabasehan ang reaksiyon ng mga manonood, naipakita niya na may talent siya sa harap at likod ng camera.

Ayon kay Ina, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagsulat siya ng full-length film. Ang pelikulang Maskara ay hango sa tunay na buhay nila. Hindi naman daw naging mahirap para sa kanya to write it.

"Si mommy kasi, kapag gumagawa ng pelikula, usually, hango din sa tunay na buhay. Kung hindi man istorya niya, istorya ng malalapit sa kanya. Si mommy yung pumili ng tinatawag naming bracket sa buhay niya and then she asked me to write it."

Ngayong taon lang ito naisip nila na gumawa ng pelikula that would serve as a tribute to her dad, the late Johnny Delgado.

"Gusto ni mommy gumawa ng sarili niyang indie. Nag-workshop kami kay Bing Lao on writing. Kasi gusto nga niya matutong magsulat, at the same time, maintindihan kung ano ba ang indie, at ano ang mainstream.

"Nag-workshop kami pareho para maisulat ito."

Mabilis lang daw ginawa ni Ina ang script.

"Kasi, gusto na ni mommy mag-shoot. Siguro mga one month lang in the making. Sumulat ako ng first draft at talagang minurder ni Sir Bing. Tapos, sulat ulit."

Aminado si Ina na inspired siyang isulat ang movie dahil kuwento ito ng kanyang ama.

"Matagal na namin siyang gustong bigyan ng tribute. Excited talaga kaming gawin ang movie na ito para sa kanya."

First time rin daw na ang mismong ina ang director niya sa movie na naging mas madali lang din para kay Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nagkakaintindihan kami. Nag-workshop din kasi ako sa kanya. So, yung mga terminology, alam ko na. At saka, pulso-pulso lang talaga. Masasabi ko na sobrang inspired ako by Dad sa pelikulang ito. Hindi ko kailangang mag-prepare masyado kasi feeling ko, nandoon yung presence niya palagi."

Dugtong pa niya, "Naalala namin palagi si daddy kasi may plano before na bigyan siya ng tribute. Parang na-excite siya sa konsepto na may tribute for him ng friends niya."

Sa pelikulang Maskara, ipinakita rito na may anak pa outside the marriage si Bobby, played by Tirso Cruz III na hindi maikakailang based on sa buhay ni Johnny. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ina kung sa totoong buhay rin ba, may kapatid sila ni Ana sa ama just like in the movie. Hindi naman niya ito itinanggi.

"Yes, hindi Anna ang pangalan niya but yes, meron anak talaga si Daddy, before us and the difference is alam namin. Since birth, alam namin about her. Kumbaga, based on her real letters to Dad, tapos ini-ano, ni-rewrite ko yung letters."

Sa Maskara kasi, 40 days after namatay si Bobby tsaka na-discover ng ina na may anak pala ito sa iba. Sa totoong buhay, kailan nila nalaman?

"Since birth talaga. Actually she’s here, ini-invite rin namin siya rito. Actually, yung scene na may hinihintay, it really happened in real life. Mommy said tawagan din namin ang kapatid ko para pumunta siya sa bahay."

Sa movie ay hindi lamang ang ibang side ng buhay ng kanilang pamilya ang binuksan nila sa publiko kung hindi maging ang kanilang bahay kunsaan, karamihan ng eksena ay doon kinunan.

"Oo grabe, open na open ang bahay. Kasi, hindi nagpapa-shooting sila mommy. Pero ngayon, parang it’s part of the indie film-making process. Gusto ni mommy, o sige, kahit saang location, ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang anggulo ng buhay ng daddy niya ang napili nilang i-highlight sa movie?

"It’s not just my dad as artista, it’s yung maskara niya bilang artista. Yung private life niya, at yung private life na bukod pa sa pamilya niya."

Kuwento rin ni Ina, noong buhay pa ang ama, madalas na siyang kulitin nito na mag-direk at magsulat.

"Noon pa, kinukulit na ako ni Daddy na mag-direk, magsulat. Tapos parang ako yung, gusto ko munang umarte. Na-e-excite siya. Kaya ito, alam namin na kikiligin talaga yun. Kasi, dream niya na makagawa ang family namin ng indie."

Wala bang regrets na sana nga, noong buhay pa ang daddy niya naipakita rito ang pagsusulat niya?

"Oo, may ganun. Siyempre, kinukulit niya ko tapos, kung kailan naman wala na, saka namin ginawa."

Ilan sa mga kaibigan ni Johnny na may special participation sa movie ay sina Mark Gil, Ricky Davao, Lyn Ynchausti, Bodie and Djanin Cruz, Ali Sotto, Liza Lorena, Rez Cortez, Miles Ocampo and Angelica Panganiban.

Ayon kay Ina, so far, wala pang plano sa movie after ipalabas ito as opening fim sa Cinemalaya.

Aniya, "So far, hindi ko pa alam sa kanila. Siguro gusto rin naming ipalabas publicly. But since kami rin ang nag-produce, hindi pa namin alam how to go about it. Siyempre, the more na maraming makakakita, the better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN