AJ Muhlach to reprise Gabby Concepcion role in TV remake of P.S. I Love You

Gagampanan ni AJ Muhlach (above) ang role na Mark, originally portrayed in P.S. I Love You by Gabby Concepcion. His co-star Nadine Lustre ang gaganap sa role na Kristine first played by Sharon Cuneta.


Masayang-masaya si AJ Muhlach dahil sa kanya ibinigay ng TV5 at Viva Television ang starring role sa TV remake ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na P.S. I Love You.

Ang magiging ka-partner rito ni AJ sa naturang series ay ang ka-loveteam niya sa series na Bagets: Just Got Lucky na si Nadine Lustre.

Natuwa ang young actor nang sabihan na magkakaroon na siya ng sarili niyang drama series. Kaya malaking paghamon na naman ito para sa nakababatang kapatid ni Aga Muhlach.

"Hindi ko po inaasahan na magkakaroon ulit ako ng isa pang drama show. May season two na kasi ang Bagets, kaya ang alam ko doon muna ako mag-concentrate.

"Pero nang sabihin kami ni Nadine na kami ang magbibida sa P.S. I Love You, pareho kaming natuwa dahil pinagkatiwala nila sa amin ang project na iyon," ani AJ.

Ang nasabing pelikula ang second team-up ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa big screen after gawin nila ang big hit na Dear Heart under Singing Silangan Films noong 1981.

Ang P.S. I Love You ang first movie produced by Viva when it went into film production in 1981.

Gagampanan ni AJ ang role na Mark, originally portrayed in the movie by Gabby Concepcion. Si Nadine naman ang gaganap sa role na Kristine first played by Sharon Cuneta.

Dahil hindi pa pinapanganak si AJ noong pinalabas ang P.S. I Love You sa mga sinehan, nagtanong ito tungkol sa naturang pelikula at marami ang nagsabi na isa ito sa pinakapaboritong Sharon-Gabby movies.

"Tinanong ko si daddy (Cheng Muhlach) kung maganda ba yung P.S. I Love You. Oo raw at kumita raw iyon noong pinalabas sa mga sinehan. Sikat na sikat daw yung loveteam nila Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon.

"Ipapanood sa amin ni Nadine yung movie kapag mag-start na ng taping. Gusto kasi ng Viva at TV5 na maging familiar kami sa kuwento at characters ng original movie. Marami raw kasi ang may alam sa movie na iyon kaya mataas ang expectations sa amin ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya mas nakakakaba dahil sa amin pinagkatiwala yung project. Pangako naman namin ni Nadine na we will do our best para masabi nila na deserving kami sa project na ’yon," ang sabi ni AJ.

Since matagal pa naman daw bago magsimula ang taping sa bagong series, uunahin muna ni AJ ang taping para sa second season ng Bagets at every Saturday naman ay performer siya sa Hey, It’s Saberdey.

Maganda na raw ang ratings ng Bagets tuwing Sunday at maganda ang feedback mula sa mga fans nila. May mga fans raw sila na parating pumupunta sa set na galing pang Antipolo at Cavite.

"Dahil po sa mga sumusuporta sa amin kaya nabigyan na kami ng season two. Natutuwa kami sa mga fans na dumadalaw sa set. Kami naman, pinakikiharapan namin sila hanggang sa makakaya namin.

"Alam po namin na nagpagod silang bumiyahe para lang makita kami. Kaya kapag nandiyan sila, ginagawa namin ang part namin na harapin sila at magpasalamat sa suporta nila sa aming lahat. Kung hindi naman dahil sa kanila, hindi magiging bukang-bibig ang Bagets.

"Yung ibang fans naman ay fans din ng XLR8. Tinatanong kami ni Aki (Torio) kung kelan kami babalik sa grupo sa Party Pilipinas. Sinabi naman namin na kapag mall shows lang kami puwede makasama ni Aki sa XLR8. Pero kahit wala kami roon, suportahan pa rin nila ang XLR8."

STAGE FATHER. May nagbalita naman na isang stage father raw ang ama ni AJ na si Cheng Muhlach. Madalas daw itong makialam sa trabaho ng kanyang anak.

Mabilis na sinagot naman ng aktor na walang katotohanan iyon dahil never naman daw nakapunta ang kanyang ama sa anumang taping or mga guesting niya sa TV.

"Paano siya magiging stage father, e hindi ko naman siya nakakasama sa mga trabaho ko? Hindi ba kapag sinabing stage father, parating nandiyan at nakikialam? Hindi po gano’n si daddy," depensa ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, may sakit po si daddy kaya hindi siya makaalis ng bahay. Marami siyang iniinom na mga gamot at hindi siya puwedeng mapagod.

"Nagtatawagan na lang kami kapag may gusto akong itanong sa kanya or kung may gusto siyang pasalubong na gusto niyang bilhin ko para sa kanya.

"Lahat naman po ng desisyon sa career ko pinapaubaya ni daddy kay Boss Vic (del Rosario) at kay Tita VR (Veronique del Rosario-Corpuz) ng VAA (Viva Artist Agency). Malaki ang tiwala ni daddy sa kanila kaya hindi na siya nakikialam. Nakikibalita lang siya sa mga ginagawa ko."

Dagdag pa ni AJ na kung sakaling makialam ang kanyang ama, okey lang ito sa kanya dahil alam niyang gusto lang siyang protektahan at maging maayos ang career nito.

"Bilang daddy ko naman po siya, okey lang din kung makialam siya. Baguhan ako sa trabahong ito kaya mas kailangan ko ng guidance from him.

"Marami nang alam si daddy sa trabahong ito dahil si Kuya Aga (Muhlach) ay dumaan din sa pagiging baguhan sa showbiz. Kaya dad knows what’s good and what’s not good for me.

"Kaya bilin parati ni daddy, makinig ako sa mga sasabihin sa akin ni Boss Vic parati, kasi alam nila ang makakabuti sa career ko. Huwag daw matigas ang ulo ko, huwag maging makulit at parating magpasalamat sa mga taong tumutulong sa akin," pagtatapos pa ni AJ Muhlach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN