Aki Torio misses cast and crew of Party Pilipinas: "Gusto ko ring pumunta doon minsan. Sana hindi ako harangin sa gate!"

Aalis pala ng one week si Aki Torio this August dahil uuwi siya sa Japan para ayusin ang kanyang work visa. Puwede naman daw niyang ipaayos dito para hindi na siya umalis, pero miss na raw niya ang kanyang family sa Japan.


Isa sa may pinakamaraming fans sa youth-oriented series ng TV5 at Viva Television ay ang Japanese-Filipino young actor na si Aki Torio.

Sa Internet raw ay si Aki ang may pinakamaraming fan sites. Natalo raw niya sa paramihan ng fans ang kasama niya sa show at sa grupong XLR8 na si AJ Muhlach.

Pero humble lang si Aki at sinabing pare-pareho raw silang maraming fans. Wala raw nakakalamang sa kanila dahil united as one sila sa show na Bagets.

"Hindi po totoo na I have more fans than AJ or the rest of the boys in Bagets. Equal lang ang mga fans namin. We all work hard to have a good show.

"May second season na kami and we are happy that it’s doing good despite of the competition. Many people are happy with our show," ang sabi niya.

Tinanggal si Aki, at pati na si AJ, sa grupong XLR8 na nagpe-perform every Sunday sa Party Pilipinas dahil sa pagkakasama nila sa Bagets.

Inamin ni Aki na nami-miss niya ang mga tao sa Party Pilipinas at gusto niya sana na makapasyal doon one Sunday.

"Miss ko na sila roon. We have many friends there kasi. Gusto ko ring pumunta doon minsan. Sana hindi ako harangin sa gate!" sabay tawa niya.

"Sa Party Pilipinas lang naman kami hindi puwede ni AJ. Kapag may mall show naman ang XLR8, kasama kami ni AJ. Tsaka nasa GMA-7 pa rin naman ako because of Walang Tulugan With The Master Showman ni Tatay (German Moreno).

"Hindi kasi papayag si Tatay na mawala ako sa show. Wala raw kasi siyang mapaglaruan sa show. Kaya yung segment namin na ’Eh Kasi, Ewan’, kinukulit ko lang si Tatay ng kung anu-ano."

Aalis pala ng one week si Aki this August dahil uuwi siya sa Japan para ayusin ang kanyang work visa. Puwede naman daw niyang ipaayos dito para hindi na siya umalis, pero miss na raw niya ang kanyang family sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My mom and dad and mga kapatid ko nandoon lahat sa Japan. Sa Mieken kami nakatira. I miss the authentic Japanese food at ang malamig na climate. Mainit kasi dito, pero sa Mieken ay parating malamig.

"One week lang ako doon kasi I have work here. Mag-taping na kami for the second season of Bagets at may mga mall shows din ang XLR8.

"Kaya if I am there na, I will make the best of my one week stay. I will bond with my family kasi matagal ko silang hindi nakasama. I only get to see them on video chat."

Kay Aki na nanggaling na hindi raw siya sikat sa Mieken. Wala pa raw kasing Pinoy shows na napapanood sa lugar nila. Kaya isang ordinary teenager lang siya roon.

"Yung Mieken kasi, para siyang probinsya. Maraming mountains at fields. Bihira ang Pinoy doon. Kaya puro local shows lang ang napapanood doon.

"I just don’t know now if they have TFC or GMA Pinoy TV. The last time I was there, walang mga Filipino local shows na pinapalabas doon. Kung sa mga big cities like Tokyo, Osaka or Nagoya, doon baka may Pinoy TV shows.

"Okey lang, para normal teenager ako sa bakasyon. I just want to be the normal Hideaki kapag umuwi ako. Hindi yung artista, hindi yung singer. Normal boy lang na makulit," pagtatapos pa ni Aki Torio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN