Allen Dizon on making indie movies: "Nakakataba ng puso na nalinya ako sa sexy, at ngayon ay sa makabuluhang pelikula. Naging dramatic actor na ako."

Allen Dizon finds fulfillment in indie films: "Oo, masaya ako kapag gumagawa ako ng pelikula. Marami akong natutunan. Marami akong nababago sa sarili ko. Yung mga hindi ko nakikita dati, ngayon nakikita ko. Kailangan kong pag-aralan, kailangan kong mamulat. Ngayon, sa mga pelikula, unti-unti, natututo ako."


Madalas sabihin ng mga artista na sa indie films sila nakakaranas ng fulfillment in their craft. Allen Dizon is one actor who feels this way.

In fact, sa taong ito, bukod sa Deadlines, may entry rin si Allen sa Cinemalaya Film Festival na kasalukuyang ipinapalabas sa CCP at Greenbelt 3.

May mahalagang role na ginagampanan si Allen sa pelikulang Patikul na dinirek ni Joel Lamangan. Kuwento ito ng hindi matapos-tapos na kidnapan, encounter sa Jolo, partikular sa lugar ng Patikul sa Mindanao kunsaan, naapektuhan ang edukasyonng mga bata duon. Pero may mga magulang at mga guro na patuloy na pinangangalagaan at pilit itinataguyod ang kahalagahan nito sa kabila ng crisis sa naturang lugar sa bansa.

Masuwerte si Allen dahil ang mga nagagawa niyang indie films ay halos puro socially relevant at kakapulutan ng aral.

Aniya, "Actually, after Dukot, naging aktibista ko ro’n, Sigwa naman, naging deep-penetrating agent naman ako. Sa Deadlines, journalist ako, tapos ’etong Patikul. Puro makabuluhan.

"Para sa akin, okay siya kasi, namumulat ako. Para akong nag-aaral dahil sa ginagawa kong pelikula. Itong Patikul, hindi lang puro aktingan dito. Ayaw nga ni Direk Joel na umaarte kami. Napapagalitan kami kapag umiiyak kami. Parang lahat subdued, controlled, natural.

"Pero sa ganda ng role, sobra, natutuwa ko."

Fulfilled ba siya kapag gumagawa ng indie?

"Oo, masaya ako kapag gumagawa ako ng pelikula. Marami akong natutunan. Marami akong nababago sa sarili ko. Yung mga hindi ko nakikita dati, ngayon nakikita ko. Kailangan kong pag-aralan, kailangan kong mamulat. Ngayon, sa mga pelikula, unti-unti, natututo ako."

Pagkatapos raw ng mga sexy films na ginawa niya noon, iba raw ang feeling na halos makakabuluhang istorya naman sa movie ang naibibigay sa kanya ngayon.

Aniya, "Nakakataba ng puso na nalinya ako sa sexy, at ngayon ay sa makabuluhang pelikula. Naging dramatic actor na ako. Natutuwa naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namimili ba siya ng mga tinatanggap niyang role?

"Hindi naman, I don’t limit myself naman pagdating sa mga ginagawa ko. Pero dahil siguro hindi na ako bata, siguro hindi na ako gagawa ng mga ganoon. Para sa akin, okay na ako. Graduate na ako. Okay na yung ganito, mas masaya na ko. Mga baguhan na lang, marami namang baguhan, e."

Although mostly socially relevant films na ang halos magkakasunod niyang nagawa, magkakaiba pa rin daw ang tema ng mga movies. Tulad na lang sa Deadlines at sa Patikul.

Ayon kay Allen, "Dito sa Patikul, ang ipinakita ko rito ay yung kahalagahan ng edukasyon. Na hindi naman lahat nabibigyan ng chance na mag-aral. Hindi lang sa atin, kumbaga, global, buong mundo.

"Sila, naglalakad nang malayo para lang makapag-aral. Tapos kami, ang concern naming mga parents, since no read, no write kami, hindi namin hahayaan ang mga anak namin.

"Tatay na rin ako, so nakaka-relate ako kung gaano kahirap ang hindi makapag-aral ang isang bata. Para sa akin, hindi ko hahayaan yun. Ito ang isa sa pinakamalaking puwede mong ipamana sa anak mo, edukasyon. Titulo niya yun at sa kanya lang talaga yun."

Given the chance, isang dream role para kay Allen ang makagawa ng movie tungkol sa drugs. Hindi pa raw siya nakakapag-portray ng ganoong klase ng character.

"Bad guy ako, tapos mahuhuli ako, makukulong ako, magbabagong-buhay ako. Para sa akin, challenge yun kasi, hindi ko pa na-try yun. Parang gusto kong gawin sa pelikula."

Namimiss din ba niya ang mainstream?

"Oo naman. Masarap din mag-mainstream. Unang-una, mas malaki ang bayad," natawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, "Itong mga ginagawa natin, hindi siya feel-good movies. Parang hindi mo ine-expect na makakabuhay ng pamilya.

"Kapag pinalabas sa regular-run cinemas, hindi magbabayad ang mga tao para lang umiyak. Magbabayad sila para ma-entertain, to feel good. So yun lang... doon lang medyo sabit ang mga ginagawa natin pero, makabuluhan ang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ginagawa ring soap opera si Allen sa ABS-CBN, ang Nasaan Ka Elisa? Yun nga lang, aminado ito na natatagalan nga talaga ito umere.

Nasaan na nga ba si Elisa?

"Ang sabi, sa August daw... ang dami na naming nate-taping, nakaka-week 13 na kami, pero hindi pa rin kami tapos mag-tape. Pero sabi nila, sa August daw. Sabi rin nila, tumitiyempo raw sila ng magandang time slot. Hindi kasi siya pambata, pang-adult siya dahil may mga sexy scenes and medyo daring ng konti yung soap."

Medyo na-disappoint ba siya na natatagalan ang pag-ere ng series?

"Medyo lang. Ang tagal na naming nagti-taping... Parang six months na yata kaming nagti-taping. So, sana, sana tuloy-tuloy na yung August."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN