Ciara Sotto says she didn’t cry when Direk Joel Lamangan shouted at her during the filming of Patikul: "I know naman na out of love yun."

Ciara Sotto explains why Direk Joel Lamangan shouted at her during the filming of Patikul.

"Kasi sa role ko, mahirap lang. Tapos may isang eksena na kailangan magkamay kami. Pangit daw yung pagkamay ko. Sabi niya, ’Hindi ka marunong magkamay?!’ Marunong po. ’Turuan niyo yan!’"

It was Allen Dizon who showed her how to do it. "Sabi ko, Allen, paano ba? ’Ganyanin mo l


First time pa lang daw napanood ni Ciara Sotto ang indie film na Patikul, official entry sa Cinemalaya Film Festival, kunsaan gumanap siya bilang isang mahirap na Tausug at ina ng child star na si Angeli Nicole Sanoy.

Pinaghirapan daw nila ang movie at marami raw siyang naging experiences while filming. Isa raw sa hindi niya makakalimutang experience ay nang sigawan siya ng kanilang director na si Direk Joel Lamangan.

Natatawang kuwento ni Ciara sa gala premiere ng Patikul sa CCP (Cultural Center of the Philippines) noong Sabado ng gabi, July 16, "Uy, it’s not because na-late ako. Never akong na-late, ha. Hindi talaga ako nali-late; mana ako sa tatay ko (Senator Tito Sotto).

"Hindi talaga... kasi sa role ko, mahirap lang. Tapos may isang eksena na kailangan magkamay kami. Pangit daw yung pagkamay ko. Sabi niya, ’Hindi ka marunong magkamay?!’ Marunong po. ’Turuan niyo yan!’"

Biro namin sa kanya, umiral ang pagka-sosyal niya?

"Hindi!" natatawa niyang sabi. "Kinabahan talaga ko. Marunong akong magkamay. Sa pagkakaalam ko, marunong talaga ko. Ang hindi ko lang alam, yung gusto ni Direk, as in, low, low, low talaga. Yung walang bahay nga, ’di ba? Talagang mahirap na mahirap lang kami. Pero hindi mo mahahalata. Hindi kailangang umiyak pero naiiyak na ko."

Si Allen Dizon daw ang nagturo sa kanya...

"Sabi ko, Allen, paano ba? ’Ganyanin mo lang. Parang karpintero lang.’ Nakuha ko siya in fairness. Hindi naman matagal ang pagsigaw sa akin, isang beses lang. Pero doon talaga, sabi niya, ’Working woman ka rito. Kailangan ganyan.’ Bawal kaming mag-make-up, mag-ayos. Kailangang mag-blend kami sa Tausug kasi puro mga orig na Tausug ang kasama namin. So, ang mga damit, hindi puwedeng maganda."

So, naiyak siya nang sigawan siya ni Direk Joel?

"Hindi naman ako naiyak nang sinigawan ako ni Direk. I know naman na out of love yun. Unang-una, alam ko naman talaga na marunong akong magkamay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Hindi naman ako nagbibigay ng problem sa set. Kahit naman noong bata pa ko, hindi ninyo ako nariringgan. I mean, very masunurin ako. Kung may kailangang ituro sa akin, okay ako riyan."

Masaya naman daw si Ciara na nakakagawa siya ng indie film.

"Fulfilling siya, yung feeling. For the director sa indie film, hindi naman kailangan ng superstar. Basta merong mai-o-offer. May talent. May maipapakita sa pelikula. She’s able to send a message. Yun ang kinukuha nila usually.

"Kaya nga naging malaking isyu yung [comment ni] Rafa Santos about theater actors.

(Sa isang interview sa ANC, sinabi ni Rafa, isang indie filmmaker: ’Personally, I find the theater actors better to work with because they don’t complain, you can feed them Sky Flakes three meals a day, and pay them in catfood, basically.’ Umani ito ng violent reactions, hindi lamang sa theater community, pati na rin sa showbiz industry.)

"Theater actors are known to be passionate about their job. They don’t have to be the star kaya medyo insulting ang dating although, he just wanted to be funny. Mali lang siguro yung manner [of saying] niya," ani Ciara.

"Medyo na-hurt din ako for my friends in theater. Para sa kanila, insulto raw yun. Sa indie, walang star-star. Hindi puwedeng late si ganito, hintayin. Ang indie, they start on time, para siyang teatro."

Ciara is still into pole dancing. Ang naumpisahan niyang hobby, heto’t pole dancing instructor na siya.

"Ako kasi, gusto ko siyang i-share as a form of fitness. Gusto kong mabura sa isip ng tao na bastos yung sayaw, na sensual. Kasi, ako naman kapag nagpo-pole dance ako, I make sure na hindi ako mukhang malaswa. Hindi puwede yun.

"Dapat makikita nila na art yun, na sports yun. Parang may halo siyang gymnastics. Kaya nga natutuwa ako na may mga bagong students na, ’Uy, nakita ko yung video mo, gusto kong matuto.’ Lalo na yung mga mahiyain tapos natutulungan mo silang ilabas ang self-confidence nila. Yun, medyo napu-fulfill ako ro’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga niya na-imagine na makikilala pala siya sa pole dancing.

"Siguro mabait lang talaga sa akin si Lord. Kasi, lahat na lang ng pasukin ko, merong palaging balik sa akin. Mabait si Lord."

Masaya ring ibinalita ni Ciara na happy daw ang marriage niya sa asawang si Jojo Oconer. Magkakaroon na raw sila ng honeymoon ngayong taong ito. Since they got married, hindi pa sila nakapagbakasyong mag-asawa.

"Sa London, baka end of September or October. After ng play namin, na Sweet Charity. Sa August, rest muna ko sa teatro. Kahit siya, busy rin kasi ang husband ko, so, rest muna siya.

"Choice rin naming dalawa na huwag munang mag-honeymoon after the wedding. Hindi rin naman kasi maganda na siya gusto niya, ako ayoko, parang pangit yun. So, we always agree on things."

Posible ba na ang first baby nila ay made in London?

"Ay, hindi naman, hindi naman. Siguro bahala na si Lord. Kasi ayaw naman naming i-rush. Hindi sa ayaw pero ang gusto lang namin yung reding-redi kami. I guess, you can never be ready naman for anything, di ba? Pero we both want na parang kami, magsawaan muna kami.

"Kasi, kapag nagka-baby na kami, wala na kong time sa kanya. Lahat ng tao sinasabi sa akin yun."

Dugtong pa niya, "Ako naman kasi, lumaki ako na yung mommy at daddy ko, grabe, di ba? Parang minsan, ano ba, mamaya na kayo mag-kiss. Kasi di ba all these years, makikita mo naman.

"Kahit magka-problema sila, kahit na ano, makikita mo kung paano nila ayusin. Mga 35 years of marriage na sila, kasi alam ko, nagpa-plano sila ng something pagdating ng 40."

Her parents’ marriage has endured; does she want the same for her own marriage?

"Nothing identical naman pagdating diyan, di ba? Kasi, hindi ko rin naman kaugali ang nanay ko. Tingnan ninyo ako, hindi naman ako prim and proper, jologs ako," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi rin ako kasing galing niya. Masyado akong straightforward, si mommy (Helen Gamboa), mahinhin, mahinang tumawa. E, pakinggan ninyo ako tumawa. Palagi yung ’Naku, nandiyan na ang anak ko, rinig na rinig ko ang boses niya.’ Kapag nasa mall kami, sasabihin niya, ’Huwag kang masyadong maingay.’ Malakas na ba ’yun?

"Ganoon talaga siya, opposite kami pero pareho kami ng mga gusto. Ugali namin, hindi. Kaya nga swak kami ni Mama. Pero siyempre, sana di ba, we’ll also last, tulad nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN