Joshua Dionisio admits giving Barbie Forteza diamond earrings

"Kasi mahirap mag-isip ng regalo para sa kanya. Kasi, parang kaya naman niyang bilhin kahit ano. Kaya nag-isip po ako ng kakaiba na hindi ko pa naibibigay sa kanya," says Joshua Dionisio on why he gave Barbie Forteza diamond earrings.


Sabay na nag-guest ang tween tambalan na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa Startalk TX, Sabado, July 16.

Ang unang itinanong sa magka-loveteam—na mapapanood sa Tween Academy: Class of 2012 movie ng GMA Films na showing on August 24—ay kung totoong niregaluhan ni Joshua si Barbie ng diamond earrings na lagi umanong suot ng young female actress.

Inamin naman ito ni Joshua at suot nga ni Barbie ang hikaw sa guesting nila sa Startalk.

Gustung-gusto ni Barbie ang hikaw dahil, "Bigay niya, e! ’Tsaka maganda. Maliit pero maganda."

Ano ang sinisimbolo ng alahas na regalo niya kay Barbie?

"Wala naman po," sagot ni Joshua.

"Kasi parang mas valuable lang po kapag diamond, di ba?

"Kasi parang pangit naman kapag, parang typical na masyado yung gold and silver. So, mas maganda pag diamond, para kakaiba."

Hindi naman daw nawindang si Joshua sa halaga ng pagkakabili niya ng diamond earrings.

"Kasi matagal na po kasi akong nag-iisip ng regalo para sa kanya, para sa birthday niya.

Birthday ni Barbie sa July 31.

"Kasi mahirap mag-isip ng regalo para sa kanya. Kasi, parang kaya naman niyang bilhin kahit ano.

"Kaya nag-isip po ako ng kakaiba na hindi ko pa naibibigay sa kanya," dagdag pang sinabi ni Joshua bilang paliwanag kung bakit niya binigyan ng alahas si Barbie kahit wala silang relasyon other than being friends and co-stars.

Hindi naman kaya nag-isip si Barbie ng ibang kahulugan sa regalo sa kanya ni Joshua?

Aniya, "Opo nga po, e! Nagulat nga po ako na eto yung binigay niya sa akin.

"Tsaka isa pa, hindi naman po namin napag-uusapan na may regalo, na may ano. Pero wala naman [ibang kahulugan], okay naman."

INSIDE THE TENT. Ang sumunod na tanong sa dalawa ay kung totoong kapag break ng taping ng Spooky Nights Presents: Manananggala nila ay nasa loob lamang sila palagi ng tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa dalawa, isang dahilan daw kung bakit nagbababad sila sa loob ng tent ay dahil sa mainit na panahon sa labas.

Dahil din daw maraming tao sa labas kaya hindi pinapayagang lumabas ng tent ang sikat na teen tandem para huwag magkagulo at huwag magambala ang taping.

Sa tanong kung ano ang madalas nilang pagkaabalahan during breaks, nanonood daw sila ng movies sa iPad.

Kasama sa bagong episode ng Spooky Nights Presents sina Barbie at Joshua, with Claudine Barretto and Katrina Halili.

JULIE ANNE AND JAKE. Ang huling tanong kina Barbie at Joshua ay kung hindi ba sila naaapektuhan kapag nali-link ang bawat isa sa iba. Tulad ni Joshua na inuugnay kay Julie Anne San Jose at si Barbie naman kay Jake Vargas. Wala bang selosan?

Ayon kay Barbie, "Wala naman pong selosan, e. Wala naman po kaming inaagapan na ganun. Parang wala lang. Tuksuhan lang, ganun."

Ano ang naging reaksyon ni Joshua nang ma-link si Barbie kay Jake?

"Tinanong ko po siya kung totoo yun, sabi naman niya hindi po totoo," tugon ni Joshua.

Kung totoo?

"E, wala po," sabi ng teen star. "Wala po naman akong, kumbaga hindi naman po ako confident. Baka sinasabi ninyo na confident ako na gusto niya ako. Hindi po ganun."

Ano naman ang naramdaman naman ni Barbie ng na-link sina Joshua at Julie Anne?

"Okay lang, kasi nakakasama ko naman po sa Party Pilipinas si Julie Anne. Mabait po siya, maganda, atsaka magaling kumanta.

"Okay lang naman kung totoo," saad ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN