Ali Sotto wishes late son Miko’s ex-girlfriend Angel Locsin finds her right man

Ali Sotto on Angel Locsin and the man she deserves: "I pray to God na isa yun sa mga biyaya na matatanggap niya. Na yung lalaki talaga na mamamahalin siya nang lubos na habang buhay and beyond."


Mahigit walong taon nang patay ang young actor na si Miko Sotto, pero hanggang ngayon ay malapit pa rin ang kanyang inang si Ali Sotto sa ex-girlfriend nitong si Angel Locsin.

Kuwento ni Ali sa Startalk TX, "Doon ako rin isang nagpapasalamat, because the first time I saw her, pumunta siya sa bahay dahil siya yung nag-alaga dun sa aso. Yung pug na regalo nila ni Miko.

"And then the second time I saw her, a few weeks ago was for my birthday. Dumating siya sa bahay para batiin ako at saka maghatid nung kanyang regalo.

"Yung regalo, very extravagant, pero na-touch ako dun sa card na yung sinulat niya.

"Natutuwa ako na... natutuwa ako sa batang yun."

ANGEL’S LOVELIFE. Maging sa kanyang lovelife ay kumukonsulta pa rin daw si Angel sa TV host.

"Dahil nga dun sa nakaraan namin at nakaraan nila nung anak ko na ano yun, e, parang iginuhit ng tadhana yun, di ba?

"Na hindi mo maaalis sa akin yung patnubayan ko pa."

Pasado naman kaya kay Ali ang nali-link ngayon kay Angel na si Phil Younghusband?

"Sinabi ko sa kanya na dadaan itong batang ito [Phil] sa butas ng karayom! Sabi niya, ’Hindi’.

"Wala pa naman dun daw sa point na yun. ’Getting to know you’ pa lang.

"Pero pag dumating dun sa point na tulad nung ibang naging boyfriends niya na tamang panahon na ipakilala na sa akin, ipapakilala niya.

"I mean, I pray to God na isa yun sa mga biyaya na matatanggap niya.

"Na yung lalaki talaga na mamamahalin siya nang lubos na habang buhay and beyond," pahayag pa ni Ali.

Samantala, malapit na muling mapanood si Ali sa telebsiyon. She will soon host a daily talk show titled Personalan na mapanood sa GMA NewsTV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN