Janna Dominguez admits "exclusively dating" Iwa Moto’s ex-boyfriend, Mickey Ablan

"Seriously, marami pa akong gustong malaman kay Mickey. I want to know him more. Gano’n din naman ang gusto kong gawin niya. Na mas makilala pa niya ako," says Janna Domiguez about her relationship with Mickey Ablan.


Masaya na naki-celebrate ang sexy TV comedienne na si Janna Dominguez with her fans called "Jannatics" sa isang simpleng fan’s day na ginanap last July 17, Sunday, sa Teacher’s Village in Quezon City.

Ayon kay Janna, three years na raw siyang sinusuportahan ng Jannatics. Nagpapasalamat siya na parati raw silang nanonood ng TV shows na kasama siya. Laging present din daw ang Jannatics sa anumang shows at events kunsaan siya nagpi-perform.

"Ito ang mga tao na sumuporta sa akin since Pinoy Fear Factor pa. And nitong nakaraan sa FHM 100 Sexiest Women in the World, tumulong din sila sa pagboto sa akin.

"Kahit na hindi sila karamihan, masaya ako.

"Kasi yung pakiramdam na alam mong may mga taong nagmamahal sa iyo, enough reason na ’yon para ipagpatuloy mo ang trabaho mo.

"Kasi alam mong may mga natutuwang napapanood ka sa TV.

"Kaya three years na namin ginagawa itong get-together namin. Kahit na minsan may sumasabay na schedules, I make sure na nandito ako para sa yearly get-together with them.

"Minsan lang naman sa isang taon ito, hindi ko pa ba sila sisiputin?

"Nakikilaro ako sa kanila talaga. May mga games kami at namimigay ako ng mga prizes.

"Kasiyahan lang talaga. Minsan naman may Q&A kami. Magtatanong sila at sinasagot ko naman lahat.

"Okey lang na konti lang sila kasi memorized ko ang names nilang lahat.

"At mas okey ang bonding namin kasi natatawag ko sila by their names.

"Tinuturing ko sila hindi bilang fan, kundi kaibigan at parang mga kapatid ko na sila," ngiti pa ni Janna sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

LET’S TALK. Bigla ngang naging kontrobersyal ang name ni Janna dahil nali-link siya ngayon sa controversial ex-boyfriend ni Iwa Moto na si Mickey Ablan.

Nitong nakaraang FHM 100 Sexiest Women in the World victory party ay muntik nang magkaroon ng tension sa backstage ng World Trade Center dahil parehong rumampa sina Janna at Iwa. Pero sinadyang pinaghiwalay nga raw sila ng dressing room para walang maganap na gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun kasi ang instruction sa akin. Kaya sumunod na lang kami. Pero kung ako lang, okey lang naman na makasama ko si Iwa sa isang dressing room.

"Puwede naman kaming maging civil sa isa’t isa. Walang rason para magkaroon ng gulo.

"Hindi ako mapaghanap ng gulo sa anumang trabaho na puntahan ko. Chikadora nga ako, e.

"Pero may tao nga na ayaw naman akong kausapin kahit na willing kang makipag-usap sa kanya. Okey lang.

"Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko. Basta ako wala akong issue with her [Iwa]. I still consider her na kaibigan ko," diin ni Janna.

Ilang beses na kasing nakasama ni Janna si Iwa sa ilang events. Close si Iwa sa manager ni Janna. Tuwing may mga shows si Janna ay pinagsamama niya ang dalawa dahil okey naman daw ang working relationship nila.

Pero nitong huli, noong ma-link na si Janna sa ex-boyfriend ni Iwa, bigla nga raw nawala yung dating batian nila. Ngayon ay may mga umaakusa kay Janna na inagaw nito ang boyfriend ni Iwa.

"Gusto kong linawin ’yan. Noong maging close kami ni Mickey, matagal na silang wala ni Iwa.

"Ilang beses kong tinanong kay Mickey ’yan. Hindi ko ugali na pumasok ako sa isang bagay na alam kong mapapahamak ako at may magagalit sa akin.

"Hindi ako yung reason kung bakit nag-away sila before sa GMA-7. Wala akong kinalaman doon. Personal na problema nila ’yon.

"Nalaman lang naman na nagdi-date kami ni Mickey noong may magsulat na nito sa diyaryo.

"Nataon lang din na may nangyaring gulo sa kanila GMA-7. We were going out matagal na. Hindi bigla na lang nangyari.

"Kaya unfair naman sabihing nang-agaw ako. Wala akong inaagaw at hindi ko ni minsan ginawa iyun," depensa pa ni Janna.

Nag-explain din si Janna tungkol sa biglang pagdating ni Mickey sa backstage ng World Trade Center. May mga nagsabing sinadya raw nila iyon para asarin si Iwa Moto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Promise, hindi ko alam na darating si Mickey. Nagsabi na siya sa akin na hindi na siya makakarating para walang maging problema.

"Alam naman niyang nandoon din si Iwa sa venue. Pero after ng show, sinorpresa niya ako.

"Kasama pa niya ang mga kaibigan niya. Siyempre, ako ang na-tense kasi wala naman sa usapan namin na susunduin niya ako.

"Talagang tensiyonada ako kasi umiiwas nga kami sa gulo. May nagsabi na lang sa akin na umalis na raw si Iwa after ng huling pagrampa namin.

"Sa totoo lang, gusto ko naman siyang batiin. Pero walang chance kasi awkward naman na sa entablado ko pa siya batiin.

"Doon lang kami nagkita, pero sa backstage, hindi talaga.

"Kaya noong dumating bigla si Mickey, na-tense ako. Pero nagpapasalamat naman ako sa kanya.

"Kasi kahit na tapos na ang show, nag-effort siya na dumating pa rin para suportahan ako," ani Janna.

HE MAKES ME HAPPY. Ano na ba ang real score sa kanila ni Mickey Ablan?

"Showbiz na sagot ito, we are exclusively dating!" sabay tawa ni Janna.

"Seriously, marami pa akong gustong malaman kay Mickey. I want to know him more.

"Gano’n din naman ang gusto kong gawin niya. Na mas makilala pa niya ako.

"Happy ako kapag nandiyan siya at sinasamahan niya ako. Tulad nitong fans day nga.

"Hindi ko naman siya sinabihan na sumama siya. Kusa siyang sumama para makilala rin niya ang mga taong nagmamahal sa akin.

"Okey lang na ganito ang set-up namin. Wala pa namang serious na relasyon.

"More on keeping each other company. Kapag magkasama kasi kami, masaya ang lahat. He makes me smile parati.

"Yun lang naman ang gusto ko sa buhay ko. Yung makahanap ako ng taong makapagpapasaya sa akin.

"Lumaki ako sa simpleng buhay lang kaya yung maging masaya ako, malaking bagay na yun for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN