Newscaster Bernadette Sembrano remains positive despite being diagnosed with Bell’s Palsy

"I guess, itong sa sakit na ito, and I guess with all other illnesses, marami kang realization na ang laki-laki ng mundo. Alam mo yun, na ang dami-daming problema ng mga tao. Na ito lang ang pinagdadaanan ko. Buti nga, ito lang. And it could have been much worse, di ba?" says Bernadette Sembrano about her illness.


Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay kinumpirma ng ABS-CBN newscaster na si Bernadette Sembrano na may Bell’s Palsy siya.

Ang Bell’s Palsy ay isang uri ng facial paralysis "that results in the inability to control facial muscles on the affected side."

Ayon kay Bernadette, nalaman niyang mayroon siyang karamdaman noong July 3.

Kuwento niya sa The Buzz, "Linggo ng umaga sa Salamat Doc, meron tayong headset.

"Sabi ko, malakas yata ang earpiece ko kasi sumasakit ang tenga ko. Binalewala ko lang.

"And then, during TV Patrol at night, sabi ko, parang may mali sa mata ko.

"Akala ko yung kaliwa kong mata, twitch nang twitch. Sabi ko, ’A, baka pagod.’

"Pinikit ko lang during commercial, nakapikit lang ako.

"The following day, ganoon pa rin, parang pagod pa rin ang mata.

"Tapos, meron tayong meeting sa Salamat Doc, at ang nakakagulat, ang pinag-uusapan nating topic, Bell’s Palsy. Of all topics, Bell’s palsy pa!

"So, nagbiro pa ako, sabi ko, baka ako ang case study sa Bell’s Palsy kasi nga ayaw ngang pumikit ng isa kong mata. Mahapdi, iyak nang iyak, tapos yung isa, pikit nang pikit."

Maagap naman daw na nagpa-check-up si Bernadette.

"Pag-check ng ophthalmologist, sabi ko, ’Doc, baka Bell’s Palsy.’

"Tsinek yung mata ko, sabi niya, ’Wala kang mali. I think you should go to your neurologist.’

"But prior to my appointment with my neurologist, I also talked with my chiropractor, sabi ko, ’Doc, feeling ko I have Bell’s Palsy.’

"Pag-iyak ko, isang mukha ko lang ang kumulubot. E, iiyak ka na, napatigil ka pang bigla kasi na-conscious ako, kumulubot yung isang... one side of my face.

"That same day, pumunta ako sa neurologist. Body test, taas ang kilay. Taas ang kilay na ganoon, isa lang ang tumataas. Pinapikit ako, isa lang ang pumikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’You’re right, you have Bell’s Palsy.’"

Sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ang dahilan ng Bell’s Palsy, pero karaniwan daw itong nakukuha sa isang virus.

At risk din daw ang mga taong may diabetes, trangkaso, at mga buntis na nasa ikatlong trimester na.

Sa kaso raw ni Bernadette, ang biglaang pagbabago ng klima ang naging rason ng pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy.

Ayon kay Bernadette, "Ang unang tinanong sa akin ng doctor noong malamang may Bell’s Palsy ako, meron ba akong pinuntahang mainit tapos meron bang biglang napunta ng malamig.

"Ang naaalala ko lang noon, galing ako ng Davao. Pumunta ako ng Friday, mainit na mainit, tapos aircon sa kotse.

"Hinala ko, do’n nagsimula."

Aminado naman ang newscaster na takot din ang una niyang naramdaman nang ma-confirm niya ang kanyang karamdaman.

"Una, nagulat, tapos natatawa na parang, ’Totoo ba ’to?’

"Tapos, nahihirapan akong magsalita dahil yung facial muscle ko, mahina.

"So, parang napu-frustrate. Tapos, parang helpless.

"When you think about it, siyempre, apektado ang mukha. Pagtingin mo sa salamin, ’Uy, bakit hindi gumagalaw?’

"Medyo nakakatakot siya. Nakakatakot na nakakawala ng kumpiyansa sa sarili."

Pero matapang daw na hinaharap ni Bernadette ang sakit sa tulong na rin ng kanyang kapamilya.

Hindi raw nito hinayaang tuluyang maapektuhan ng naturang karamdaman.

"Ang Bell’s Palsy naman nalaman ko, gumagaling naman," sabi niya.

"Ang paggaling naman, depende. Merong linggo lang, buwan, taon. Everything will be okay.

"I guess, itong sa sakit na ito, and I guess with all other illnesses, marami kang realization na ang laki-laki ng mundo.

"Alam mo yun, na ang dami-daming problema ng mga tao. Na ito lang ang pinagdadaanan ko.

"Buti nga, ito lang. And it could have been much worse, di ba?

"Naisip ko, kung hindi man bumalik ang ngiti ko, sulit na sulit naman na ang ngiti ko sa dami kong nginingitian na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang shortage of joy na naibahagi sa ibang tao. So, yun, sabi ko, bahala na si God," pahayag ni Bernadette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN