Claudine Barretto reconciles with sister Gretchen

"Siyempre iyakan... iyakan yun, tears of joy. Yung bugso ng emotions, hindi mawawala yun. Yung sorries. Yung maraming months na nawala sa amin, hindi na mababalik yun. So, when it all happened, sinabi ko talaga sa sarili ko hindi na mauulit yun," says Claudine Barretto about her reconciliation with eldest sister Gretchen.


Nagdiriwang ng kanyang ika-32 kaarawan si Claudine Barretto ngayong araw, July 20.

Magkasabay sila ng birthday ng kanyang asawa na si Raymart Santiago.

Sa interview ng In The Limelight na ipinalabas sa GMA News TV Channel 11 ngayong gabi, July 20, ibinahagi ni Claudine ang kanyang kasiyahan sa kanyang kaarawan.

Nangyari ang interview sa pictorial ng bagong telefantasyang pinagbibidahan ni Claudine sa GMA-7, ang Iglot.

Dito nga ay maagang ipinagdiwang ng buong staff, crew, at management ang kanyang kaarawan. Pati ang mga GMA-7 boss ay sinorpresa rin ang aktres.

"I’m really thankful kasi kita mo naman kahit yung mga boss, talagang bumaba pa para lang batiin ka.

"Sabay kami ni Raymart. Tapos si Santino [anak nina Claudine at Raymart] naman July 19. Kami ni Raymart July 20.

"So, talagang mahaba-haba talaga yung celebration ng July sa amin," masayang sabi ni Claudine.

EMOTIONAL PAGBABATI. Pero mayroon pang higit na nagpapasaya ngayon kay Claudine. Itinuturing niyang pinakamalaking regalo sa birthday niya ang nangyaring pagbabati nila kamakailan ng matagal din niyang nakaalitang ate na si Gretchen Barretto.

"Binigay na sa akin ng Diyos ang ate ko. Okay na kami ni Gretchen. Wala na akong mahihiling pa," pagkukumpirma ng aktres sa kanilang pagbabati.

Kuwento pa ni Claudine, naging emosyunal daw ang naging pagbabati nila ni Gretchen.

"Siyempre iyakan... iyakan yun, tears of joy. Yung bugso ng emotions, hindi mawawala yun.

"Yung sorries. Yung maraming months na nawala sa amin, hindi na mababalik yun.

"So, when it all happened, sinabi ko talaga sa sarili ko hindi na mauulit yun.

"Hinding-hindi na mawawala ang kapatid ko sa buhay ko. Hindi na ako papayag," sabi ni Claudine.

Matatandaang isa raw sa naging dahilan ng hidwaan ng magkapatid ay nang magsimulang pagsabungin ang dalawa sa kanilang naging karera sa showbiz.

Sa ngayon, "all is well" na raw sa pagitan nina Claudine at Gretchen at patunay raw nito ang madalas nilang pagba-bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every week nagkikita kami talaga ng mga kapatid ko. At hindi lang kaming tatlo [with Gretchen and Marjorie] kundi lahat kaming pito... actually, anim, kasi yung isang ate ko nasa Boston.

"So, lahat kami magkakasama lagi."

Sa nangyaring hidwaan at pagbabati nila ni Gretchen, na-realize ni Claudine na iba pa rin ang mayroong kapatid.

"Ang sarap-sarap pala ng may kapatid," sambit niya.

"Bakit? May ganun ako na bakit kailangang dumaan sa ganun.

"But then again, tapos na. Na-realize namin na we cannot live without each other pala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN