Boy Abunda draws strength from love in coping with his mother’s dementia

"Humbling ’yong karanasan na do’n ka babalik at babalik sa relasyon. Sa pagmamahal mo sa iyong ina. Sa pagmamahal mo sa iyong pamilya. Lahat tayo, whatever battle you fight, you go back to the basics. And that’s taking care of your family," says Boy Abunda about his mom’s health condition.


Basta rin lang si Nora Aunor ang pag-uusapan, nangingibabaw kaagad ang pagiging Noranian ng King of Talk na si Boy Abunda. At hindi naman niya itinatanggi na die-hard fan nga siya ng aktres.

Tungkol sa Superstar ang unang naging paksa ng kuwentuhan kagabi, July 21, nang mapasyal ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SNN (Showbiz News Ngayon), ang showbiz talk show na hinu-host ni Boy Abunda sa ABS-CBN with Bianca Gonzales.

Maingay na naman kasi ang usap-usapan tungkol sa pang-ilang beses nang planong pag-uwi ng Superstar. Ayon sa bali-balita, this week ito darating sa bansa. Tapos biglang sa August na raw.

Pero ayon kay Boy, "Hindi pa talaga siya uuwi.

"Hindi kami direktang nagkakausap lately, pero lagi akong binabalitaan ng mga taong malalapit sa kanya na naroon din sa States.

"Basta sa pagkakaalam ko rin nga, may plano siyang umuwi, pero hindi pa final kung kailan talaga."

Hindi ba niya winu-work out na ma-interview si Ate Guy?

"I’m sure I’ll be able to interview Ate Guy. I mean, sigurado ako roon. Hindi ko lang alam kung kailan.

"Ibig kong sabihin... I’m sure naman when she comes back, siguro naman pagbibigyan ako no’n."

Bakit hindi na lang niya puntahan sa U.S. si Nora?

"Dahil nag-aalaga ako ngayon sa Nanay," sagot ni Boy, na ang tintukoy ay ang kanyang Nanay Lesing.

"I will not be able to leave. If there’s anything I wanna do, it’s not a show. I can leave all my shows. They can all stop today."

HIS MOTHER’S HEALTH CONDITION. Ang sigla at ngiti ni Boy, napalitan ng pagkawala ng kinikimkim niyang lungkot at pangamba hinggil sa kalagayan ngayon ng kanyang ina.

On cam ay puno siya ng buhay at energy habang naghahatid ng mga showbiz news, pero deep inside pala ay sobrang bigat ng kanyang dala-dala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will take care of Nanay who is now... not very well," pagtatapat niya tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.

"Oo, alam mo dumarating ’yong gano’ng stage sa buhay mo. She has a mild case of dementia. ’Yong parang early stage of Alzheimer.

"At wala nang gamot iyon. It can be delayed, but everybody goes through it. It’s degeneration.

"And Nanay is not in a very nice phase right now. Ako, I’m talking about it to be able to cope with it. Alam mo ’yon?" medyo natawang sabi ng TV host-talent manager.

"Kahapon nga [July 20], may bisita ako sa dressing room na sabi sa akin, ’Yeah, I know that case, my mom went through it.’ Nakakagaan ng loob.

"So, parang dumating ang stage na sa buhay ko na sabihin mo sa akin... Pinaghirapan ko ang lahat ng bagay, you know, but all these all can stop.

"I have something to do which is very important. And that’s taking care of my mother. She’s turning 83.

"Ano ’yon, figurative ang pagkakasabi. Did you get my point? Di ba, may point na... I’ve worked so long. Oo. Lahat ito, contraption sa buhay. They can all... huwag naman, knock on wood!

"Kasi, it’s not just about me but other people rin. But priority-wise, iyon talaga."

Pag-aalaga sa kanyang ina ang ibig tukuyin ni Boy.

COPING WITH DEMENTIA. Patuloy niya, "It’s hard. Because when somebody has dementia in your family, it’s not just about her or him. It’s about how you behave towards [her].

"Hindi ’yong, ’Paano ba ang tama nito? Kokontrahin ko ba?’ Na, ’Nanay, ngayon ito, hindi ’yong noon.’ Hindi gano’n.

"Kasi no’ng umpisa, nakakataranta. Kaya kailangan, sasakyan mo lang, ’Opo, Nanay, halika ka na, kain Nanay.’

"That’s why nga I have to be there. Somebody closest to the family, as the doctor would say, because I have to be able to tell the caregivers na hindi siya [his mom] nababaliw. Bahagi ’yan ng kanyang pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So when she talks about a certain name, kinu-contextualize mo na si ano ’yan... kapitbahay namin ’yan."

Dagdag pa niya, "Twenty-four hours na ang caregivers niya. Dalawa sila.

"Binago ko ang buong bahay namin to adjust to the mobility of my mother.

"Kami, we’re ready. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari. Wala itong gamot, e.

"Kanina nga lang, in-interview ako sa dressing room, ’What if you lose all your shows today, ano ang hihingin mong kapalit?’

"Buhay ng nanay ko!" sagot naman daw niya.

How does he draw his strength?

"Wala. Sa love. I just embrace her," sabi niya.

"I mean, the fact na kulang pa ang mga ginawa ko sa nanay ko. Alam mo ’yon?

"That’s how you draw strength... ’Nanay, I am with you till the very end.’

"’Yon. You draw from love. Nothing else.

"And you also draw from the fact na... wala, e. Humbling.

"Humbling ’yong karanasan na do’n ka babalik at babalik sa relasyon. Sa pagmamahal mo sa iyong ina. Sa pagmamahal mo sa iyong pamilya.

"Lahat tayo, whatever battle you fight, you go back to the basics. And that’s taking care of your family."

THE GAY CHILD. Kung meron ngang isa pang magandang katangiang maipagkakapuri kay Boy ay kung paano siya magmahal nang lubos sa kanyang ina at pamilya.

Kaya nga maging ang talent manager at TV host ding gaya niya na si Lolit Solis, sinasabi na frustration nito ang pagkakaroon sana ng anak na bading dahil ang gays ay iba raw magmahal ng mga ina o magulang.

Sabi naman ni Boy, "Tingnan mo si Manay Lolit din magmahal ng magulang niya.

"To this very day, she stops by the cemetery to talk to Nanay [Lolit’s mom].

"Alam mo, isusugal natin ang lahat para sa ating mga magulang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba ’yong araw na nadiskubre niyang may gano’ng karamdaman ang kanyang ina?

"I was in my resthouse. Nanay was coming down the stairs. Nakita ko, ’Bakit parang ibang lumakad si Nanay?’

"And then the next day, I brought her to the hospital. I didn’t know what was wrong. But I knew something was.

"Hanggang ngayon, coping with it is hard. Kasi hindi mo alam. Walang reaksiyon na normal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN