JM de Guzman on being a Cinemalaya regular: "Ipinangako ko sa sarili ko na every Cinemalaya, at least may one entry ako kahit hindi ako bida."

"Actually, pang-fourth ko na ito. Pang-fourth consecutive year ko nang gumagawa ng movie sa Cinemalaya. Kasi sobrang grateful ako na may Cinemalaya, kasi dito nae-express at naipakikita ng mga underground directors at writers lahat ng gusto nilang ipakita," says JM de Guzman.


Umani ng papuri ang Cinemalaya entry na Ang Babae sa Septic Tank sa gala premiere nito noong Martes, July 19, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Present sa gala premiere ang apat na main stars ng pelikula na sina Eugene Domingo, Kean Cipriano, Cai Cortez, at ang Kapamilya young actor na si JM de Guzman.

Pagkatapos ng showing ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM sa lobby ng CCP.

Hindi ba nagka-conflict sa taping niya ng teleseryeng Mula sa Puso ang shooting niya ng pelikulang ito?

"Medyo nahirapan ako, kasi nga meron akong Mula sa Puso, at the same time, sinu-shoot namin itong movie na ito. Medyo alternate ang schedule."

Pero hindi naman daw siya nahirapan sa paggawa ng pelikulang idinirek ni Marlon Rivera at isinulat ni Chris Martinez.

"Sobrang linaw ng pagkaka-explain sa amin ng story," sabi ni JM.

"Yung mga katrabaho ko rito, madaling katrabaho, so nag-enjoy naman kami.

"At the same time, maganda yung kinalabasan ng pelikula."

Sa pelikula ay ginagampanan ni JM ang role ni Bingbong, isang indie film producer. Ano ang pagkakapareho niya sa karakter na ginagampanan niya sa Ang Babae sa Septic Tank?

"Siguro yung pagiging pursigido niya, pag nag-set siya ng isang goal. Kung ano yung gusto niyang gawin, gagawin niya hanggang sa makuha niya yun," sagot niya.

Is he expecting to win an acting award for this movie?

"Maling mentality yung nag-e-expect ka ng award sa paggawa ng pelikula mo. Dapat gawin mo nang maayos yung trabaho mo.

"Siguro kung may awards man, siguro bonus na lang yun," sabi niya.

Bagamat pinuri ang lahat ng performances ng lahat ng nagsiganap sa pelikula, walang dudang ang pagganap ni Eugene Domingo as herself ang tumatak nang husto sa mga manonood.

Ano ang masasabi ni JM sa acting na ipinakita ni Uge sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang klase!" bulalas niya.

"Ilang beses ko siyang hinalikan sa pisngi habang pinapanood namin yung movie kanina.

"Lahat ng gusto mong hilingin sa isang aktres, ibinuhos niya sa movie na ito."

Ayon pa sa young actor, masaya at kumportable na siyang katrabaho si Eugene dahil pangatlong beses na nilang pagsasama ang Ang Babae sa Septic Tank.

Gusto niya bang makatrabaho uli si Eugene? Papayag ba siyang makipag-kissing scene sa kanya?

"Kahit kailan, kahit ano. Kahit ilang beses pa," mabilis niyang sagot.

"Yung kissing scene with Ms. Eugene, nangyari na. First kissing scene ko sa screen kay Ms. Eugene. Yung sa isang short film."

Ano ang mensahe niya kay Eugene?

"Mahal kita, baby! Parati kitang mamahalin buong puso ko!" bulalas ni JM.

Kumusta namang katrabaho sina Cai at Kean?

"Si Cai, same kami ng course sa UP, since college kaibigan ko na siya.

"Si Kean first time ko siyang nakatrabaho. Pero masaya siya katrabaho. Ngayon nga, parang best friends na kami, e."

Ano naman ang masasabi niya sa reaksiyon ng mga tao habang pinapanood ang pelikula nila?

"Minsan, pag nakakatawa yung eksena, hindi ako makatawa, minsan nauuna yung saya.

"Ibig sabihin, nakakapagpasaya kami ng tao. Ibig sabihin, effective yung trabaho namin," saad niya.

Pagkatapos ba ng Ang Babae sa Sepctic Tank ay tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng indie films?

"Actually, before ako nag-TV, dito talaga ako nagsimula," banggit ni JM.

"Ipinangako ko sa sarili ko na every Cinemalaya, at least may one entry ako kahit hindi ako bida.

"Actually, pang-fourth ko na ito. Pang-fourth consecutive year ko nang gumagawa ng movie sa Cinemalaya.

"Kasi sobrang grateful ako na may Cinemalaya, kasi dito nae-express at naipakikita ng mga underground directors at writers lahat ng gusto nilang ipakita."

Ang Babae sa Septic Tank ay mapapanood sa Cultural Center of the Philippines ngayong Sabado, July 23. (CLICK HERE for screening schedules)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN