Gary Estrada admits losing time for wife Bernadette Allyson due to politics

"Alam ko napakalaki ng pagkukulang ko sa aking asawa’t sa aking pamilya dahil naging prayoridad ko ang aking pulitika; I just want to prove na kaya [ko]," says Gary Estrada, who now sits as provincial board member of the second district of Quezon province.


Masayang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson nang makita namin sila noong July 20, Miyerkules, sa launching ng Valli watches sa Manila Peninsula Hotel.

Ito raw ang unang beses na muli silang "nag-date" sa loob ng ilang buwan mula nang mapasok si Gary sa pulitika bilang provincial board member ng second district ng Quezon province.

Pabirong sinabi ni Bernadette na matagal na niyang inirereklamo sa asawa ang kawalan nito ng oras para sa kanya.

Aniya, "Ako, yun ang complain ko. Ipa-public knowledge ko na siya para maintindihan niya na totoo na ’yon."

Agad namang sinagot ni Gary ang "akusasyon" sa kanya ng kanyang misis.

"Kasi ang problema talaga, ako kasi talaga, I have to admit na right now [I’m very busy]. I’m doing public office, nag-aartista pa ’ko.

"Sometimes nagiging magulang pa ’ko. So, sometimes hindi ko na alam kung saan ko isisingit yung sarili ko," ani Gary.

Dagdag niya, "Alam ko napakalaki ng pagkukulang ko sa aking asawa’t sa aking pamilya dahil naging prayoridad ko ang aking pulitika dahil I just want to prove na kaya [ko].

"At gusto nating maibalik yung tiwalang ibinigay po nila sa akin. There. That’s why I’m very passionate when it comes to my public service at naintindihan naman po talaga ng asawa ko yun."

Sinagot naman ni Bernadette ang paliwanag ng kanyang mister.

"Oo, you have to understand your partner. Kasi nung una, hindi ko din naman talaga naintindihan kasi everything’s new, di ba?

"Before, ang work lang niya showbiz, so meron at meron siyang time for us.

"Pero I always keep telling him na dapat meron tayong once a week na date. May mga gano’n-gano’n, di ba?

"Minsan hindi kaya so I cannot impose especially now that there’s so much pressure sa kanya. So, hindi na ko pwedeng makadagdag pa sa pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung mga gano’n, I have to adjust kahit na mahirap. Kasi nga sabi ko sa kanya, ’Dapat meron tayong once-a-week date or kahit hindi once a week puwedeng bang once a month na lang?’ Yung mga gano’n."

Aminado naman si Bernadette na masaya siya noong gabing iyon dahil napagbigyan siyang masamahan ng kanyang mister sa nasabing event.

"I know after a while, dapat maka-adjust din naman kami. Kasi, I’m sure we cannot naman live this way forever.

"Ayoko lang siyang pressure-in ngayon. First year pa lang in public service and there’s so much to prove to the people," paliwanag pa niya.

PEP FAN. Ibinuko naman ni Gary ang pagiging fan ng PEP ang kanyang misis.

Aniya, "Fan siya ng PEP. Araw-araw niyang binubuksan... She’s updated. She’s very updated."

"Oo. Dun ko nakukuha lahat ng showbiz tsismis ko, ’no!" sagot naman ni Bernadette.

"Kaya pati ako nagiging updated na rin," pahabol ni Gary.

Nahihilig din daw ngayon ang aktres sa paggamit ng social networking site na Facebook.

Dito raw niya nabalitaan na papasukin na rin ni Kiko Estrada, anak ni Gary sa dating karelasyong aktres na si Cheska Diaz, ang mundo ng showbiz.

Nagwo-workshop na diumano ang 18 anyos na si Kiko sa Star Magic, ang talent management group ng ABS-CBN. Wala pa naman daw silang balita kung may mga nakalinya nang proyekto para rito.

Samantala, pareho ring abala ngayon ang mag-asawa sa kani-kanilang showbiz projects.

Si Bernadette ay gumaganap bilang ina ni AJ Muhlach sa teen-oriented series ng TV5 na Bagets.

Once a week lang daw ang schedule ng taping niya kaya siya ang nakatutok sa pag-aalaga sa kanilang tatlong anak na babae.

Si Gary naman ay bahagi ng cast ng Blusang Itim na mapapanood sa GMA-7.

Inaabangan din niya sa ngayon ang pagsisimula ng shooting para sa pelikulang El Presidente kung saan isa siya sa mga miyembro ng cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang historical film project ni Laguna Governor ER Ejercito na nababalita ring tatampukan ng Superstar na si Nora Aunor.

Ayon kay Gary, hindi pa raw niya tiyak kung kailan magsisimula ang shooting ng pelikula dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa bansa si Ate Guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN