Boy Abunda supports anti-discrimination bill: "Ang hinihingi ng LGBT community, through the party list Ladlad, hindi special rights o special treatment — kundi equal rights."

Boy Abunda on gay marriage: "Hindi ako naniniwala kasi sa pagsasama na dahil lang sa papel. I am in a 28-year relationship. Hindi ako masyadong ano... sa kasal. Pero sa karapatan ng tao, to get married, ilalaban ko ’yon."



Right now, aktibo rin si Boy Abunda sa pakikibahagi sa mga adhikain at ipinaglalaban ng grupong Ladlad na ang layunin nga ay isulong ang mga karapatan ng mga gays at lesbian.

May impresyon ang iba na kaya raw hindi ito masyadong nagmu-move forward ay dahil masyadong palaban umano ang lider nito na si Danton Remoto. Tuloy ay mas marami raw ang nati-turn-off kesa sa mga gustong sumuporta.

"May mga naririnig nga ako na ganyan. Pero ako naman, hindi ko masisisi si Danton. Kasi kapag may organisasyon na marginalized katulad ng sa gays and transgenders, you really have to be competitive.

"Danton has learned... Kailangan ka talagang lumaban nang matapang. Kasi ang daming ipinaglalaban talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa set ng SNN (Showbiz News Ngayon) noong Huwebes ng gabi, July 21.

Ano nga ba talaga ang specific na partisipasyon niya sa Ladlad?

"I’m the senior political adviser. I’m part of the core group."

Hindi ba siya kakandidato para i-represent ang nasabing grupo bilang party list na hindi nga napagtagumpayan ni Danton?

"Hindi. Mas epektibo ako sa likod. Mas maipapanalo ko sila.

"Wala ako. I’m not running as a nominee."

Sinasabi rin ng iba, mas maganda raw if Ladlad will get a speaker na medyo soft at maternal ang dating na gaya umano halimbawa ni Ricky Reyes.

"I think si Mother [Ricky] supports Ladlad in his own way. I don’t know the details.

"Pero... kahit anong klaseng spokesperson, Ladlad is marginalized. Iba-iba. Dito sa siyudad, medyo meron tayong pag-uusap. Na tanggap na raw ang mga bakla. Maraming salamat.

"Maraming pag-uusap ’yon. Kapag sobrang malambot naman ang spokesperson mo, sigurado naman ako na ang sasabihin ng tao... bakit naman gano’n kalambot?

"So what I’m trying to say is... you really have to keep a balance. At depende sa publiko na kinakausap mo. Kapag LGBT (Gays, Lesbians, Bisexuals, and Transgenders) ang kaharap mo, okey sila na maging gano’n. So hinahanap pa ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s very difficult right now to organize the LGBT community kasi... sa ating kultura. Inaasahan ko nga na sa darating na 2013, halimbawa ay... whether you’re out or in... nakaka-touch nga ’yong speech ni Obama (U.S. President Barack Obama), when he declared the anti-bullying act in America, ang first line niya was about the LGBT community.

"Sabi niya, ’When you talk about the LGBT community, you’re talking about mothers, you’re talking about fathers, you’re talking about children, you’re talking about straights, you’re talking about women, you’re talking about gays, you’re talking about transgenders. All of these people want a better world. This is the LGBT community.’

"Ang hinihingi naman ng LGBT community, through the party list Ladlad, hindi naman special rights o special treatment kundi equal rights.

"And when you talk about equal rights, you talk about human rights. I’m supporting Teddy Casiño’s anti-discrimination bill that will criminalize discrimination. Na halimabawa naglalakad ka sa kalye na 8 years old ka... [sasabihan ka ng] ’Bakla, bakla!’

"Nakasanayan na yan. May mga magulang nga ang tawag sa kanilang anak... bakla! Napaka-imbedded na ng diskriminasyon.

"May sumulat nga sa Inquirer... Boy Abunda, stop talking on behalf of the LGBT community. You should talk to the LGBT community and tell them what you did in your life na narating mo.

"Hindi, 25 years ago, kung magsasalita naman ako, sino naman ang makikinig sa akin? I’m using my voice today because I have become who I am. Maliit na pagkatao pero may boses na ako ngayon.

"Tapos sinasabi ng iba... hindi naman kayo marginalized, ang ingay n’yo nga, e.

"Pero alam ba natin ang situwasyon ng mga bakla at tomboy sa probinsiya? Di ba?"

GAY MARRIAGE. Isa sa mga isinusulong din yata ng Ladlad ay gay marriage. Ano ang pananaw naman niya hinggil dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will fight for the right of a person to get married legally. Kasi karapatan mo iyon, e. Sa gay marriage, naniniwala ako na may panahon para riyan.

"Personal ito, I’m not speaking on behalf of Ladlad... gusto ko munang unahin... pag-usapan muna natin ang anti-discrimination bill. ’Yong gay marriage, isang karapatan ’yan na darating sa tamang oras.

"Personally rin, ang conflict ko sa sarili ko, siguro kahit naging lalake, babae, tomboy ako, hindi ako naniniwala kasi sa pagsasama na dahil lang sa papel. I am in a 28-year relationship. Hindi ako masyadong ano... sa kasal.

"Pero sa karapatan ng tao, to get married, ilalaban ko ’yon."

MARIEL RODRIGUEZ. Mula sa LGBT community, napunta naman ang usapan tungkol sa alaga niyang si Mariel Rodriguez na lately ay naba-blind item at naiintriga pa rin.

"Mariel is okay," Boy says.

Talaga bang ayaw na ni Mariel magtrabaho kagaya ng napapabalita nga?

"Hindi naman sa ayaw. Ang masasabi ko lang, Mariel is very happy.

"She’s very happy. She’s doing one show, Happy Yipee Yehey! Meron kaming mga commercials na gagawin."

Pero bakit may mga lumalabas na intrigang ayaw na raw magtrabaho ni Mariel? Na mas gusto nitong nasa tabi na lang lagi ng asawa si Robin Padilla?

"Hindi naman. Tama lang ang timpla," ani Boy.

Alam ba niya ang isyung madalas daw sa oras ng trabaho ay wala ito sa mood at madaling uminit ang ulo? May mga pagkakataon pa nga raw na nagsisisigaw ito at sinasabi pa na—sana raw ay masunog na ang building ng network kung saan siya kunektado para hindi na siya magtrabaho.

"Hindi naman siguro totoo. As a matter of fact, she wants to do more.

"I’m hearing it for the first time," patungkol niya sa mga gano’ng intriga kay Mariel.

"Pero ang paliwanag ko naman niyan, halimbawa sa mga outburst na ganyan, lahat kami, lahat tayo, may pagod portion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, there are moments na nagtatanong na ako... ang tagal-tagal na... alam mo ’yon? Dumarating sa point na it can be exhausting."

So hindi siya naniniwala na parang nagiging mala-fatal attraction na raw ang sobrang pagka-in love ni Mariel kay Robin?

"Ang comment ko naman diyan... that’s very judgmental. Okey ako, asawa naman niya ’yon, e. You should be fatally attracted to your husband or wife. That’s okay.

"And you know, people always have something to say about anybody. At saka hindi natin maiiwasan iyan. Public ka, e. So iyon ang perception. Either you take it. Or you roll with the punches. Or you quit."

Pero hindi naman affected si Mariel kapag may mga gano’ng hindi magandang issue about her?

"I’m sure apektado ’yon. Hindi kami nag-uusap tungkol do’n. Pero sino ba naman ang hindi maaapektuhan kapag sinabihan ka ng mga ganyan?

"Lahat tayo naaapektuhan. But the thing is how you were able to [go] beyond [that].

"Mariel is one of the most consistent, she sends me text messages every day. Isa sa pinakamahalagang mensahe na ipinadala ko sa kanya a couple of days ago, out of nowhere sinabi ko... ’Mariel ganyan ang buhay, you’re very, very happy as Mariel the wife of Robin, then you have a job to do, and you can’t have the world. You can’t have everything because you have so much. Gano’n lang ’yon. Hindi naman puwedeng iyo ang lahat.’"

CRISTY FERMIN. Birthday kahapon, July 22, ng dating co-host ni Boy sa The Buzz na si Cristy Fermin. Matagal-tagal na rin silang may tampuhan na hindi pa rin nari-resolba. May message ba siya na gustong iparating sa beteranang kolumnista at talk show host?

"Happy birthday kay Cristinelli!"

Matagal na panahon pa ba ang hihintayin para magkabati sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam. Pero wala akong galit sa puso ko. Sobra ang pinagsamahan namin. Ibabalato ko iyan sa sarili ko, wala akong galit.

"Ayokong makipag-away kay Cristinelli. At alam niya ’yon. Kaya hindi ako sumagot."

Siguro, tamang pagkakataon na lang ang hinihintay na magtagpo sila at magkaharap nang personal to patch up things at maging okey ulit.

"Umaasa ako na isang araw, kami ay magkakasalubong. I wish her well from the bottom of my heart.

"At isang araw mari-realize din niya na... malalaman din namin ang totoo. I cannot wish her... mas marami ang nagawang mabuti ni Cristy sa akin kesa duon sa mga narinig ko. Mas marami siyang mga mabuting sinabi kesa roon sa huling yugto.

"I mean, you know... I’m very mature about it. I’m humbled by it. And I can only wish her well on her birthday.

"Hindi ako magpapakaplastik na hindi ako nasaktan. Hindi.

"Pero there will be a time for that. Sobrang malalim ang aming relasyon. Sobrang malalim ang aming pagkakaibigan. Nagkasanga-sanga na ’yon.

"Totoo. That’s why I never opened my mouth. And I continue to say that we will be okay one day. We will be okay one day.

"May ibig sabihin lahat ang mga nangyayari. Ako, may diperensiya rin ako sa sarili kong kapatid. Pero lahat pala nito may expiration day.

"Ngayon na ang Nanay namin pinagdadanan ito (pagkakaroon ng dementia), wala kaming ibang dapat na gawin kundi magkasundo. Bakit? Magkapatid tayo, e. May inaalagaan tayong nanay. Kalimutan natin ang mga diperensiya natin.

"Kaya kapag tinatanong ako, ano ang status ninyo ni Cristinelli... she will always be a friend. Siguro nagkaroon lang kami ng break, you know... hindi pagkakaunawaan.

"Am I hoping in my heart? I am. Na one day magkakasalubong kami. Siguro we may not be able to talk about it. Siguro magkakangitian, kung handa na. Kung hindi pa, tahimik siguro... I don’t know. But I don’t have [rancor] in my heart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN