Edgar Allan Guzman surprised over Ligo na U, Lapit na Me success: "Nakakataba ng puso kasi ito ang first Cinemalaya entry na ganoon karami ang nanood at sumuporta."

Nalaman din ni Edgar Allan Guzman (above) na silang tatlo ni Jerry Gracio at Erick Salud would become contract stars ng Regal Entertainment (na pag-aari ni Mother Lily Monteverde) ang magre-release ng Ligo Na U, Lapit na Me sa commercial run nito.

"Ang sarap ng feeling na ang may-ari ng isang higanteng film outfit ay papipirmahin ako ng kontrata. Pangarap ko iyon pero never ko inimadyin na one day, I’d be given this chance to be


One day after the successful celebrity premiere of his movie Ligo na U, Lapit na Me, euphoric pa rin ang feeling ng bagong indie prince na si Edgar Allan Guzman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang exclusive interview sa Red Crab Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sobrang saya ni Edgar nang malaman nung Huwebes from his manager, Noel Ferrer, na sold out ang tickets ng pelikula niyang dinirek ni Erick Salud mula sa script ni Jerry Gracio.

"Sobrang dami ng tao at nang umakyat ako sa stage, nakita ko na puno ang theater kaya ang saya-saya ko. Nakakataba ng puso kasi ito ang first Cinemalaya entry na ganoon karami ang nanood at sumuporta.

"Tapos lead pa ang napunta sa akin kaya very happy ako at labis akong nagpapasalamat kasi mainit ang pagtanggap sa movie at saka maraming tao ang gustong mapanood at malaman ang kuwento ng Ligo na U, Lapit na Me," pahayag ni Edgar.



Awards night ng Cinemalaya bukas, pero sabi ni Edgar, hindi naman daw siya naghahangad na manalo ng award. Sapat na raw sa kanya na nagustuhan ng mga tao ang kanyang pagganap sa pelikula.

"Hindi ako nag-i-expect kasi baka ma-disappoint ka lang pag di nangyari ang wish mo, di ba? So ako, pupunta ako sa awards night to perform a dance number together with Rocco (Nacino) to show my support sa Cinemalaya. [But] I am not expecting anything."

Ano ang reaction niya sa magagandang reviews at sa mga papuring ibinibigay, hindi lang sa movie, kundi maging sa acting nila ni Mercedes Cabral?

"Masaya. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, [pero] totoo naman ang sinasabi nila na maganda ang movie namin.

"Noong hindi ko pa napapanood ang movie nang buo, marami na ang nagsasabi sa akin na maganda siya, pero ayoko naman agad maniwala until mapanood ko ang movie myself," paliwanag ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I told myself na kailangan mapanood ko muna ito bago ko i-confirm sa mga tao na tama ang sinasabi nila na maganda ang movie.

So after ko ito mapanood nung Monday, nasabi ko sa sarili ko na maganda nga pala ang work namin sa movie. Prior to that, hindi ko pa napapanood ang movie nang buo. I only saw portions of it when I dubbed it, pero it was only last Monday when I saw the whole film.

"Actually, kinakabahan ako kasi alam ninyo naman ang mga pinagdaanan ko habang ginagawa ko ang movie na iyan. Nagkasugat ako sa kamay sa taping ng Lucky Numbers ng TV5.

"Nagso-shoot ako kahit na may sugat ako at hirap akong igalaw ang aking kamay. Pangalawa, ang daming nagsasabi sa akin na parang may kulang daw sa acting ko sa movie. Iba raw ang delivery ko ng lines.

"Siyempre parang nakakagulo iyon sa akin while I was shooting so ang ginawa ko, pinakinggan ko ang comments nila and used them as a challenge para pagbutihan ko ang work ko.

"Stick pa rin ako sa pag-atake ko sa role, how I view my character as Intoy. Ginawa ko lang na natural ang pag-atake sa role. Nagulat din ako nang mapanood ko ang movie, kasi I didn’t expect na ganoon ang kalalabasan noon," kuwento pa ni Edgar.



Ayon sa ibang nakapanood ng Ligo Na U, Lapit na Me, nakakatuwa at natural ang dating ng acting na ipinamalas ni Edgar. Proud siya sa mga comments na kanyang narinig. Happy rin siya na sa kanya ipinagkatiwala ang role.



"Saka iyong ibang eksena sa movie, nag-adlib lang ako... ginawa ko ang feeling ko na bagay sa scene. Malaking tulong din si Mercedes kung maganda ang acting ko, kasi ang galing niya at kailangan sabayan ko siya."

Wala ding negative effect sa kanya ang mga love scenes at daring scenes, kasi alam daw niya na may ganung eksena. All out din si Mercedes sa mga sexy scenes nila, kaya nakipagsabayan siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is he feeling the pressure of success dahil maganda ang feedback sa Ligo na U Lapit Na Me, kumita ang movie, at mataas ang expectations sa kanya ng tao as the new indie prince?



"Siyempre takot ako kasi mahirap panindigan ang ganoong klaseng label. Kasi pag tinawag kang indie prince, iba na ang dating noon, may expectations na ang mga tao. Mas curious sila sa akin at mas babantayan nila ako sa bawat gagawin ko," sagot niya.

"Iba naman si Coco Martin, kasi indie king na siya. Malayo na ang narating niya, e, ako nagsisimula pa lang. So ako po, ay natatakot kasi scary panindigan ang sinasabi ng mga tao na indie prince ka. Pero sana, through Ligo na U, Lapit Na Me, ay napatunayan ako na worthy naman ako of that tag.



"At saka ang mga papuri ng mga tao sa movie at sa acting ko ay inspiration for me to do even better sa future movies," ani Edgar.

Next year, tiyak daw na sasali siya muli sa Cinemalaya and he’s looking forward to working with the same team—Noel Ferrer, Erick Salud, Eros Atalia and Jerry Gracio.



Kukunin na rin siyang contract star ng Regal Entertainment. Noong Monday ay nanood si Mother Lily Monteverde ng Ligo Na U, Lapit na Me at pinasalamatan niya ito sa pagdalo.



After nung movie, nalaman ni Edgar na si Mother Lily at ang Regal Entertainment ang magre-release ng Ligo Na U, Lapit na Me sa commercial run nito. Nalaman niya later on na silang tatlo (Jerry Gracio at Erick Salud) would become contract stars ng Regal.



"Regal Entertainnent iyon. Hindi lahat pinapapirma doon except for Starstruck winners, so nakakabigla ang ganoong balita.

"Ang sarap ng feeling na ang may-ari ng isang higanteng film outfit ay papipirmahin ako ng kontrata. Pangarap ko iyon pero never ko inimadyin na one day, I’d be given this chance to be a part of a major movie outfit," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



From Mr. Pogi to Regal baby — it’s definitely a quantum leap.



"Sobrang thankful ako kay Sir Noel na sa akin niya ipinagkatiwala ang movie at kahit paano ay hindi ko naman siya binigo. Maganda ang movie, nagustuhan ng audience, lalo na ang mga estudyante. Tapos suportado rin kami ng mga friends ko from showbiz, whether Kapamilya, Kapuso o Kapatid.

"Sobrang happy ako kasi iba ito, eto na ang pinakamasayang nangyari sa career ko. Maraming salamat talaga sa suporta at pagmamahal ng mga tao," pagwawakas pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN