Rocco Nacino not afraid of gay roles: "Basta ako po, alam ko na straight ako and I don’t have to worry about anything."

Rocco Nacino on playing a gay role in the Cinemalaya entry, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa: "Hay naku, gumaganon po ako. Kinikilig sila. Bagong loveteam na raw?" natatawa niyang sabi. "But I’m really happy, I’m really happy na naiintindihan ng mga tao yung flow ng story."



Unang pelikula ni Rocco Nacino ang isa sa mga entry sa Cinemalaya 2011, ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Kasama niya rito ang isa pang Kapuso young actor na si Paulo Avelino at ang seasoned actress na si Jean Garcia.

Masaya si Rocco dahil maraming nanood sa gala night ng pelikula nila sa CCP Main Theater kagabi, July 22.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap ang young actor after the screening bago ito magbalik sa taping ng kanyang danserye sa GMA-7, ang Time of My Life.

Nakangiti ngang pahayag ni Roco, "Punong-puno ang CCP theater kaya masayang-masaya po ako!"

First time din daw niyang gumanap sa isang homosexual role.

Humingi nga siya ng advice sa kanilang direktor na si Alvin Yapan kung paano niya ito mapo-portray nang natural.

"Mahirap na maging natural, kaya kinausap ko si Direk. [Nag] one-on-one workshop kami.

"At pati sa sayaw, mahirap din. Ballet yun, e, jazz, contemporary kaya back to basics kami.

"And since sanay ako sa hip-hop, iba talaga siya, ibang field of dancing siya. It took me three weeks to prepare for the dance."

Tinanong din ng PEP si Rocco kung nag-usap sila ni Paulo bago mag-shoot ng eksena para mawala ang ilangan sa kanila.

"Opo, nag-usap po kami," sagot ng StarStruck V alumnus.

"Pero pagdating sa shooting, wala rin e, nagkaroon din ng ilangan. Pero after two or three takes, naging okay na rin po kami sa isa’tisa."

Dugtong pa niya, "At first, talagang nahirapan din. Pero after two or three shooting days, naging madali na ang lahat.

"Lahat ng tao sa set, naging very accommodating. Very light lang din sa set kaya naging madali na lang para sa amin ang umarte, naging natural na lahat."



Habang ginagawa nila ang pelikula, alam na niyang puwedeng magkaroon ng misconception ang tao about the movie. But he is happy with the final product.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I’m proud of this film. It shows the third sex na hindi kailangan ng profanity, hindi kailangan ng sexual intercourse.

"It showed sensuality through dance, through poetry. Kaya natuwa kami sa kinalabasan ng film at yun din ang nakita ng tao."

Ang maganda kay Rocco, he’s very open to the character he’s playing. We asked him kung willing siyang mag-portray ng mas daring na role.

Nakangiti naman niyang sagot, "Tingnan natin. Tingnan natin kung kakayanin ko po.

"Pero like I’ve said, I’m open to this kind of roles. Sinabi ko naman po na gusto ko pong maging isang versatile actor.

"Sa akin po, ang gay role is one character na gusto ko pong ma-portray."

Wala ba yung fear na baka pagdudahan ang seksuwalidad niya dahil sa pagiging open niya sa mga gay roles?

Natawa ito sabay sabing, "Kanilang opinyon po ’yan, so, okay lang. Basta ako po, alam ko na straight ako and I don’t have to worry about anything."

Magkasunod ang temang sayaw sa projects niya. Sa danseryeng Time of My Life, na magpa-pilot sa August 1, triangle sila rito nina Mark Herras at Kris Bernal.

Na-late nga ng dating si Rocco sa gala premiere ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa dahil galing pa siya sa taping ng Time of My Life, at kinailangan niya pang bumalik doon pagkatapos ng interview sa kanya ng media.

Aniya, "Sa akin po, it’s nice, it’s okay with me. I embraced it because dancing is one thing that I love to do.

"And to incorporate it with my work, sa danserye, at sa indie film, talagang ini-embrace ko because it’s acting and dancing.

"Talagang happy ako, bale wala po ang pagod."

Masaya rin daw ang mommy niya sa nagawa niyang pelikula. All-out ito sa suporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong napanood po nila, si Mommy gustong umiyak. Very proud siya na, ’Anak, may bagong first ka na naman. May first movie ka na.’

"Ako, muntik na akong umiyak when I heard those words from my mom. Proud siya [para] sa akin."

Marami naman ang pumuri sa performance ni Rocco sa kanyang unang pelikula. Pero paano niya ia-assess ang sarili niyang performance sa movie?

"It was hard to be natural," sagot niya.

"Mahirap po palang maging natural actor at sa tingin ko, nakuha ko naman po ’yun with the help of our director siyempre."

Pumalakpak ang mga tao sa mga scenes niya at may kinikilig din sa kanilang dalawa ni Paulo. Ang reaksiyon niya rito?

"Hay naku, gumaganon po ako. Kinikilig sila. Bagong loveteam na raw?" natatawa niyang sabi.

"But I’m really happy, I’m really happy na naiintindihan ng mga tao yung flow ng story."

SHEENA HALILI. May special date si Rocco noong gala night dahil kasama niya ang "special someone" niya ngayon na si Sheena Halili. Kumusta naman ang naging reaction nito sa movie?

"Natuwa naman po siya. Tumawa rin po siya. Masaya po siya dahil nakita niya yung mga gusto naming i-atake or objectives ng director.

"Nag-enjoy naman po siya and she’s making fun of me. Sabi niya, ’Wow, puwede ka pala sa ganito!’" natatawang kuwento niya.

Personal daw talaga niyang inimbitahan si Sheena.

"Masaya po ako na she was able me support," aniya.

Sila na ba talaga?

"Like I’ve said before, we’re still dating at hanggang ngayon, ganoon pa rin.

"Busy po kami sa trabaho and we don’t want to rush anything."

Dugtong pa niya, "With what we are right now, we’ll see kung anuman po ang mangyayari sa amin after a few months. If things go smoothly, go.

"Pero ayaw naming magmadali dahil siyempre, ang priority pa rin namin, ang trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN