Kris Aquino on Diether Ocampo: "Sa hitsura ni Diet, dapat pini-friend mo na lang siya, hindi boyfriend."

"We’re really friends. Feeling ko talaga, hanggang sa mamatay na kaming dalawa, super good friends," says Kris Aquino about Diether Ocampo.


Sa ikalawang pagkakataon ay muling nanguna si Kris Aquino sa YES! magazine bilang No. 1 endorser sa bansa.

Sa panayam sa kanya ng The Buzz ay nagpasalamat ang tinaguriang "Queen of All Media."

"Unang-una, maraming salamat sa YES! magazine.

"Pangalawa, of course, sa lahat ng mga kumuha sa akin na mga kumpanya to represent them.

"And most especially, gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong tumatangkilik sa mga ine-endorso ko.

"Kasi hindi ko naman makakamit itong honor na ito sa pangalawang pagkakataon kung hindi dahil sa mga suporta nila sa mga ine-endorse namin."

Pagkatapos nito ay kinarga ni Kris ang kanyang bunsong anak na si Bimby, na madalas niyang kasama sa kanyang endorsements.

"Ilan sa mga endorsements na yun ay kasama siya [Bimby], so maraming-maraming salamat," sambit pa ng TV host-actress.

DIETHER OCAMPO. Bagamat wala pa namang ina-announce si Kris pagdating sa kanyang lovelife, ilang kalalakihan pa rin ang patuloy na nauugnay sa kanya.

Isa na nga rito ang matalik na kaibigan niyang si Diether Ocampo.

Kailan nga lang ay dumalaw ang aktor sa set ng game show ni Kris sa ABS-CBN na The Price is Right.

Paliwanag naman ni Kris dito, "E, kasi, alam niyang galit ako sa kanya. Nag-away kami.

"Sabi ko sa kanya, ’Hindi kita niregaluhan ng relo. Bakit ka nagki-claim?’

"Sabi niya, ini-edit lang yun na hindi maganda.

"Tapos sabi ko sa kanya, ’Sabihin mo sa kanila hiningi mo sa akin library.’

"Humingi siya ng library para sa mga bata na gusto niyang tulungan sa Sulu.

"Tapos umoo naman ako na ako ang magus-supply ng lahat ng libro. Kaya nagulat ako.

"Sabi ko, ’Wait, wala kang relo ha!’ Pero okay kami." (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Kris, kahit patuloy raw silang inuugnay, nanatiling magkaibigan ang turingan nila ni Diether.

"We’re really friends," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko talaga, hanggang sa mamatay na kaming dalawa, super good friends.

"Kasi sa hitsura ni Diet, dapat pini-friend mo na lang siya, hindi boyfriend.

"Kasi sa sobrang guwapo, marami kang makakaagaw, huwag na lang!"

BABY JAMES’S WISH. Kris also shared Baby James’s unexpected wish.

"May napanood siyang Ice Age. Tapos, may baby elephant na ipinanganak. So, akala niya ang baby, nabibili.

"Sinabi niya kanina talaga, ’Mama, let’s buy a baby girl.’

"Sabi ko, ’Where?’ In Megamall daw.

"Sabi ko, ’Bim, alam mo, hindi natin puwedeng isoli ’yan pag ayaw mo na. We’ll take care of her.’"

Ipinakita nga sa The Buzz nang muling tinanong ni Kris si Bimby kung gusto nito ng babaeng kapatid.

Sinabi ni Kris that they’ll just borrow. Pero ayon kay Bimby, "Why borrow?"

At saka isinunod na makakahanap raw sila nito sa Megamall.

MAYOR JUNJUN. Samantala, sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon, July 25, ay magkatabi sa upuan si Kris at ang mayor ng Makati na si Junjun Binay.

Tila nagkaayos na ang dalawa pagkatapos sabihin ni Kris sa kanyang Twitter account na iiwasan muna niya si Mayor Junjun dahil sa naging pahayag nito tungkol sa kasal. (CLICK HERE to read related story.)

"Why do people marry? Because of lack of knowledge... Why do people separate? Because of lack of experience... Why do people remarry? Because of loss of memory," sabi ni Mayor Junjun sa panayam niya sa Philippine Star.

Bagamat humingi na raw ng paumanhin sa kanya si Mayor Junjun ay naging matigas pa rin si Kris sa kanyang desisyon na iwasan muna ito.

Ani Kris sa kanyang tweet, "In conclusion, nag sorry si jun last night but I guess it’s truly best for us to just avoid each other so no more talk about us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa eksenang nakita ng publiko kahapon sa SONA, tila napalambot na muli ang puso ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN