Jean Garcia on "slapping" incident with Cherie Gil: "Actually, we’re okay. Basta huwag lang maulit."

"Ang sa akin lang naman, kumbaga, okay lang naman ’yon, wala namang problema. Basta yun lang, sana next time, wala nang gano’n na... Di ba, maging professional tayo. Gawin natin yung trabaho natin na kung ano ang ipinagawa, yun lang," says Jean Garcia about the scene where Cherie Gil slapped her even if it’s not included in the script.


Lumabas noon ang report na nagkapikunan diumano ang dalawa sa senior stars ng bagong danserye ng GMA-7, ang Time of My Life, na sina Jean Garcia at Cherie Gil sa isang eksena.

Hindi malinaw ang buong detalye ng sinasabing insidente. Pero sa isang eksena ay sinampal diumano ni Cherie si Jean kahit hindi naman ito kasama sa script o blocking.

Sa grand launch ng Time of My Life kagabi, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network Studios, marami ang nag-abang kung sisipot ba ang dalawang aktres o kung magsasama sila sa isang stage.

Pero nagulat ang lahat dahil magkasabay na lumabas sa stage sina Jean at Cherie para sa isang dance number kasama ang lahat ng cast ng show.

Napansin din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na nag-uusap ang dalawa pagkatapos ng presentation. Magkasabay rin silang bumaba ng stage at magkatabi pang nanood ng teaser ng Time of My Life.

Nang makausap na ng PEP at iba pang entertainment press si Jean ay inamin naman niyang may insidente ngang nangyari sa kanila ni Cherie sa isang taping nila.

Kuwento niya, "May eksena lang na parang inaaway niya ako, so siguro nadala lang.

"Wala kasi sa eksena yung sampal, pero meron lang yung hataw... pero wala yung sampal talaga.

"Baka nadala lang siya sa eksena, parang gano’n. Pero wala talaga."

Ano ang naging reaksiyon niya nang sampalin siya ni Cherie kahit hindi naman dapat talaga ito kasama sa eksena?

"Sa akin, okay lang, kasi minsan kasama naman ’yon, di ba?" sagot ni Jean.

"Parang binigyan ng ibang interpretasyon, kaya parang medyo lumaki. Parang gano’n.

"Ang sa akin lang naman, kumbaga, okay lang naman ’yon, wala namang problema.

"Basta yun lang, sana next time, wala nang gano’n na...

"Di ba, maging professional tayo. Gawin natin yung trabaho natin na kung ano ang ipinagawa, yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"O kung meron kang gustong gawin, siguro mag-usap, kausapin."

Pero paglilinaw ni Jean, "Hindi ko sinasabing hindi [siya] naging professional, basta ang sinasabi ko lang...

"Huwag na, kasi okay na, e. Huwag na nating palakihin kasi wala naman talaga."

Ano ang naging explanation ni Cherie sa kanya tungkol dito?

"Wala naman, hindi na kami nag-usap about it, e. Basta, okay lang.

"Pagkakita sa set, civil naman, gano’n. We’re okay naman...

"Actually, we’re okay. Basta huwag lang maulit," diin niya.

Hindi ba nag-apologize si Cherie sa kanya?

"Tanong n’yo na lang siya!" tawa ni Jean.

DANCE SCENES. Dahil isang danserye ang Time of My Life, nagpatalbugan din ba sila ni Cherie sa mga sayawan?

"A, meron sa first," sabi ni Jean.

"Pero ako kasi, meron akong show [sa kuwento], e, yung Dancing Queen, kaya ang dami kong sayaw, saka yung mga bata.

"Yung talagang hinahagis-hagis ka, yung ganun.

"Saka walang double ha, kami talaga lahat. Hindi sila kumuha ng double," pagmamalaki pa niya.

"Kasi nung una, parang ’Kaya ba? Kaya ba?’ E, nung nagre-rehearsal naman... lifting, okay naman. Hindi naman kailangan ng double.

"So, proud din kami kasi alam mong walang daya."

Tanong ng PEP, nakatulong ba sa kanya yung dance training niya sa Cinemalaya entry na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan gumanap siya bilang dance instructor?

"Actually, yung Dalawang Kaliwang Paa, ballet naman siya. So, magkaiba, ballroom saka ballet.

"Pero maganda kasi na-prepare ako dun sa ballet kasi na-stretch na yung katawan ko. Kasi masakit sa katawan magsayaw!

"Nakakaloka, para talagang nagwu-workout!" natatawang sabi ng aktres.

Nabanggit din ni Jean na four times a week ang taping nila ng Time of My Life at two days naman para sa rehearsal.

"So, in a week, yung six days, kain. Pero at least rehearsal lang naman ’yong two days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kumbaga, kakainin siguro yung mga dances, siguro four, six hours, ganyan.

Kasi minsan sa isang araw, pinag-aaralana namin dalawa, tatlo, apat na sayaw. Suwerte na pag isang sayaw lang in a day."

Sumasabay ba sila sa energy ng mga mas batang co-stars nila o sumasakit yung mga katawan nila?

"Oo, sumasakit yung katawan," pag-amin niya.

"Pero siyempre, ang sayaw, ibinigay sa ’yo... kaya lang minsan talagang susuko ka na rin.

"Kasi ang hirap, magre-rehearsal kami, tapos the following day, the whole day, puro dance yung...

"Kasi bale four times a week kami, so dalawang araw dun, sayaw; dalawang araw, drama, acting-acting.

"Yung drama, acting-acting, okay ’yan, e. Pero yung sayaw kasi na with drama din, medyo mahirap, kasi tiring."

Dagdag niya, "Saka minsan, inaabot kami ng madaling-araw, sumasayaw pa rin kami.

"Minsan five o’ clock na ng umaga, sumasayaw pa rin kami!

"Kumusta naman ito, di ba?

"Minsan dumarating yung point, yung generator namin sumusuko na, pero kami hindi pa rin sumusuko, sumasayaw pa rin kami!

"At five in the morning, ha! From morning ’yon ha na 7 a.m. ang call time, di ba?"

Sabi pa nga ni Jean, para raw siyang bumalik noong GMA Supershow days, "Kasi ballroom, di ba?

"Pero maganda siya kasi kahit hindi ka na mag-workout. Kahit hindi ka tumakbo, parang may workout ka na rin.

"So, sana lang matuwa yung mga tao kasi first time namin ginawa ito, di ba?

"Ako, first time ko ginawa sa isang teleserye na sumasayaw ako."

YOUNG CAST. Karamihan ng mga kasama ni Jean sa cast ng Time of My Life ay mga produkto ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck, sa pangunguna nina Mark Herras, Kris Bernal, at Rocco Nacino.

Dahil karamihan ng co-stars niya at bagets, wala bang nanligaw o pumorma sa kanya among the male young stars na kasama sa cast?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanungin n’yo na lang sila!" biro naman ni Jean.

Pero ang "favorite" daw niya among her young co-stars ay si Rocco, na nakasama rin niya sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. At pati na si Paulo Avelino na kasama rin sa nasabing indie film.

"My two favorite boys. Promise, favorite ko sila," sambit pa niya.

POSITIVE REVIEWS. Speaking of Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, isa ito sa nakakuha ng maraming positive reviews from the viewers and critics sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. (CLICK HERE to read PEP’s review.)

Ano ang masasabi ni Jean dito?

"Sobrang happy kami!" bulalas niya.

"Parang panalong-panalo na kami. Sobrang ang gaganda ng sinasabi nila tungkol do’n sa pelikula.

"Tapos, napanood din namin, nakita naman din namin, ’tsaka pinaghirapan din kasi namin talaga.

"Tsaka ito, puro pagmamahal talaga."

Dagdag niya, "Actually, excited ako, gusto ko uli gumawa ng Cinemalaya, ng indie film.

"Susuporta talaga ako kahit sabihin mong hindi kikita, support ako diyan.

"Pag kailangan nila ako, papayag ako. Basta maano lang ang sked.

"Actually, ilang beses na ’yan na gusto naming gumawa. Kaya lang pag may regular [show] ka, hindi kaya.

"Pero ito, tamang-tama nung patapos ako ng Alakdana, in-offer sa akin ito, parang nagkaroon ng oras.

"Actually, six days lang naming shinoot yung Sayaw. Six-day shoot lang ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN