Steven Silva admits frustration over showbiz career: "Right now, I’m definitely not where I wanna be."

"Feeling ko lang, may kulang pa sa career ko. Mas marami pa ako kailangang ma-achieve. I can still keep going. Siyempre, gusto ko talaga maging fluent sa Tagalog... I wanna be pushed talaga sa singing. Puwede rin sa acting. Basta I wanna be there, be busy," says Steven Silva.


"Parang boy toy lang ako," medyo natatawang paglalarawan ng young actor na si Steven Silva sa role niya bilang boyfriend ni LJ Reyes sa danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

Na-experience niya na bang maging boy toy ng mga nakarelasyon niya before?

"Hindi naman ng ganitong level.

"Pero siyempre minsan, pag may girlfriend ka, or may boyfriend ka, pumapayag ka sa mga bagay na hindi mo talaga gusto.

"Pero so far naman, ayos yung mga relasyon ko," sabi ni Steven sa one-on-one interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Time of My Life last Tuesday night, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network.

Paano kung in love na in love siya sa babae? Will he do everything for her?

"Oo, I think, yeah," sagot niya.

"Pag in love ka talaga, kahit ano, you’ll do everything.

"Pero sa akin, hindi pa ganung level yung mga relationships ko, na I would do everything and anything na ganun.

"Wala naman akong relasyon na super under ako, gano’n."

How many relationships have he had?

"So far, tatlo pa lang."

Meron ba siyang karelasyon ngayon?

"Wala, wala naman."

Ano na ang nangyari sa kanila ng na-link sa kanya at ka-batch niya sa StarStruck na si Diva Montelaba? Hindi ba ito nag-prosper?

"Ay, hindi. Ano kami, friends pa rin kami," sabi ni Steven.

Pero nilinaw rin niyang hindi niya niligawan ang dalaga.

FROM LEAD TO SUPPORTING ROLE. Ang unang teleserye na ginawa ni Steven sa GMA-7 ay ang afternoon soap na Koreana, kung saan gumanap sila ni Rocco Nacino bilang leading men ni Kris Bernal.

Ngayon, dito sa Time of My Life ay kasamang muli ni Steven sina Kris at Rocco.

Pero sa pagkakataong ito, si Mark Herras na ang karibal ni Rocco para kay Kris. Samantalang, na-relegate sa supporting role si Steven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does he feel about it?

"Siyempre, yung sa danserye, gusto ko talaga maging one of the main roles," sabi niya.

"Pero naisip ko din na siyempre, sa danserye, mas bagay si Mark do’n saka si Rocco.

"Sa danserye talaga, may dancing. Mas magaling sila.

"I dance naman, pero feeling ko talaga, mas bagay sila Rocco... especially si Mark talaga."

Dagdag niya, "Of course, being in a show, you always want to be one of the main [stars].

"Pero, I also have to remember na sa mga show, anything can change. Puwede talaga magbago yung cast, mga ganyan.

"Siyempre nung nalaman ko na kasali ako sa danserye, naging masaya ako. Kasi alam ko talaga, this is a big project.

"So, to be part of it, ayos naman. I’m really happy."


STARSTRUCK. Sa batch nila sa StarStruck V, hindi maipagkakailang mas angat ngayon ang career ni Rocco Nacino kung pagbabasehan ang mga nakukuha nitong roles at projects.

Being the Ultimate Male Survivor or the winner sa kanilang batch, ano ang nararamdaman ni Steven na mas magaganda at mas malalaking proyekto ang napupunta ngayon kay Rocco, who finished as Second Prince?

May frustration ba o kaya ay pagseselos sa part niya?

"Actually, oo, siyempre kasi ako talaga nanalo sa StarStruck," pag-amin naman niya.

"So far, siyempre it hasn’t been as much as I wanted. So, medyo nasaktan... na sana I should have more of this.

"But at the same time, I need to focus on what I can do. Baka may kulang din sa akin."

Pero masaya naman daw si Steven sa mga magagandang nangyayari ngayon sa career ni Rocco.

"Pag narinig ko yung may bagong project niya, or endorsement niya, siyempre I congratulate him.

"I know Rocco. We’ve known each other for a while," sabi niya.

LEARNING TAGALOG. Aminado si Steven na ang pinakamalaking kahinaan niya ay ang pagsasalita ng Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumaki at nag-aral si Steven sa U.S. at halos tatlong taon pa lang siyang namamalagi sa Pilipinas.

Pero malaki na raw ang pinagbuti ng kanyang pagsasalita ng ating sariling wika.

Aniya, "I could push myself more, but when I really think about it, from one year, feeling ko talaga, gumaling ako.

"I’ve gone siguro from step zero to kahit anong step ngayon.

"Before, as in hindi ako nakaintindi ng Tagalog.

"Naalala ko sa StarStruck pa, they were giving us blocking, directions... Ang sabi nila sa akin, ’abante, atras.’ Hindi ko naintindihan.

"So, nakatingin lang ako sa mga friends ko, ’Anong sabi niya?’ So, pag umatras sila, umatras din ako.

"So, ngayon, ang ginawa ko... Kasi wala pa akong tutor ngayon, siyempre parang naging copycat lang ako. I just copy what I hear, what I say.

"Parang I just try it every day, I try to learn something new."

DEADLINE. In one of his past interviews, sinabi ni Steven na binibigyan niya ang kanyang sarili ng dalawa hanggang tatlong taon para magtagumpay sa showbiz. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon ba ay na-achive na niya ang kanyang goal at ano ang gagawin niya kung sakaling hindi niya ito maabot?

"Sinabi ko na parang after two or three years, how my career is going, if at that point my career it’s not doing well as I hoped, you know, baka puwede ako umuwi sa States or I can try something else.

"Siyempre, I have other interests too. But I also wanna do my best here dito sa showbiz."

At this point, nasaan na siya sa kanyang goal?

"Right now, I’m definitely not where I wanna be," mabilis niyang sagot.

"Kasi nagsulat din ako ng mga goals ko... I wanna venture out sa singing. I would like to do a movie, more on sa acting. Siyempre, I wanna save my money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin naman, sa showbiz, feeling ko hindi naman siya permanente. One day you’re popular and then the next day, nawala ka na.

"I wanna do my best for now. And feeling ko talaga, na I’m not where I need to be. Pero it’s too early."

Ibig ba niyang sabihin, undecided pa siya to push through with his showbiz career?

"Hindi sa gano’n. Feeling ko lang, may kulang pa sa career ko.

"Mas marami pa ako kailangang ma-achieve. I can still keep going.

"Siyempre, gusto ko talaga maging fluent sa Tagalog...

"I wanna be pushed talaga sa singing. Puwede rin sa acting.

"Basta I wanna be there, be busy.

"Pagkatapos ng Koreana, medyo two or three months, naka-standby lang ako. Parang feeling ko, nasayang yung oras.

"So, gusto ko ngayon, maging busy. And from there, magkaroon ng ibang projects din."

Sa kabila nito ay nanatiling positibo si Steven na darating din ang kanyang panahon balang-araw.

"I’ll stay loyal [to GMA-7]. I still think na my time is still here.

"I’m the winner of StarStruck, so I know there’s a place for me in GMA.

"So, I’m doing my best para maging ready din ako," saad ni Steven.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN