Newcomer Teejay Marquez overcomes shyness to fulfill his dream of becoming an artista

"Very unexpected po kasi three months pa lang po ako nag-aartista, pero ang daming shows na ibinibigay nila sa akin," says Teejay Marquez.


Kasama ang baguhang young actor na si Teejay Marquez sa bagong danserye ng GMA-7, ang Time of My Life.

Ayon kay Teejay, bata pa lang siya ay gusto na niya talagang mag-artista.

"Kaya lang nung bata ako, ang payat ko at iba yung hitsura ko. Kaya feeling ko noon, hindi ako bagay na mag-artista, kahit may mga nagsasabi noon na bakit di ko raw subukang mag-artista.

"Bukod pa sa laki akong probinsiya... Taga-Plaridel, Bulacan po kasi ako. Kaya alam ko na mas mahirap.

"Kasi wala naman akong kakilala at hindi naman ako anak ng artista o may kamag-anak na artista, kaya ang pagko-commercial na lang ang pinasok ko.

"’Tsaka ang pagkakaalam ko kasi dati, karamihan kasi ng mga nagiging artista, yung mga sumasali ng artist search, tulad ng StarStruck.

"Baka kasi sa pagko-commercial, mapansin ako at kunin akong artista katulad ng ibang commercial models na naging artista.

"’Tsaka sa pagko-commercial po kasi, mas lumakas ang loob ko na baka puwede nga po ako mag-artista.

"Dito rin ako natuto na manamit ng maganda, umarte, at makisalamuha sa iba’t ibang taong nakakasama ko sa VTR hanggang sa shoot ng commercial," lahad ni Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi pa raw nasusubukan ni Teejay na sumali sa anumang artista search o reality shows.

"Kasi nahihiya pa po ako noon. Bukod pa sa wala naman akong kakilala na tutulong sa akin," sabi niya.

Paano siya napasok bilang artista?

"Bale yung handler ko, ipinakilala ako sa manager ko ngayon, na ipinakilala naman ako kay Kuya Germs Moreno.

"Isinama ako sa Walang Tulugan bilang teen co-host at doon po nagsimula ang lahat. Kung saan nati-train kaming mag-host, kumanta, umarte sa mga skit, at sumayaw.

"Kaya nga very thankful ako kay Kuya Germs kasi siya talaga ang nag-open sa akin ng doors para maging artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw inaasahan ni Teejay na makakasama siya sa primetime series na Time of My Life.

"Very unexpected po kasi three months pa lang po ako nag-aartista, pero ang daming shows na ibinibigay nila sa akin," sabi niya.

Masaya si Teejay sa pagkakasali niya sa kauna-unahang danserye ng GMA-7, lalo na’t kasama niya sa cast sina Mark Herras at Kris Bernal.

"Hindi lang po sila magaling na artista kundi magaling din silang sumayaw.

"Si Mark at Kris, saludo ako sa kanila kasi napaka-professional nila katrabaho.

"Si Mark, tinutulungan niya kami pag may dance routine kami kasi magaling talaga siya, ganun din si Kris."

Dahil isang danserye ang Time of My Life, matinding preparations daw ang ginagawa nila sa kanilang dance numbers.

Kuwento ni Teejay, "Bale may mga dance rehearsal po kami ng ilang araw bago kunan yung eksena.

"Talagang pini-perferct po namin yung dance para pag dumating na yung taping, maayos na ang sayaw. Bukod sa hilig talaga naming lahat sumayaw."

TWEEN HEARTS. Kasama rin ang dating commercial model sa cast ng Tween Hearts kunsaan gumaganap siya bilang si Nathan, ang nerd ng barkada.

Bilang isa cast members ng teen-oriented show na ito, natutuwa si Teejay sa patuloy na pamamayagpag ng kanilang programa.

Pero ano sa palagay niya ang magic na meron ang Tween Hearts?

"Siguro yung istorya, marami siguro ang nakaka-relate na mga manonood sa mga character na ginagampanan namin.

"Bukod pa sa commitment naming lahat na mas mapaganda yung show.

"Ang gusto lang kasi naming lahat makapagbigay ng saya at aral sa mga manonood.

"At yung pagmamahal namin sa mga fans, sa mga taong sumusuporta sa amin, kaya lagi kaming nagbibigay ng oras para sa kanila kahit medyo busy kami."

Kamusta ang working relationship nila ng kapwa niya tweens?

"Para kaming isang malaking pamilya," sabi niya.

"Pag nasa set kami, nagtutulungan kami, nagkukuwentuhan, nagbibiruan. Pero seryoso pagdating ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga nauna sa amin sa show, lahat sila sinusuportahan kaming mga bago.

"Hindi kami nakakaramdam na senior sila at baguhan lang kami, lahat pantay-pantay ang treatment sa isa’t isa.

"Yun ang masaya sa barkada namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN