Ryza Cenon gets another six years with the Kapuso network; does not mind going back to supporting role after lead role in Machete

"Hindi naman ibig sabihin na support lang, e, pangit. Hindi makikilala masyado ang bida kung walang support!" says Ryza Cenon about her role in Time of My Life.


Bilang si Rochelle, mabait ang role ni Ryza Cenon sa danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

"Oo, mysterious ako dito. Pag sa unang tingin, akala mo salbahe ako pero mabait ako," paglalarawan ni Ryza sa kanyang role.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pinakabagong show na ito ng GMA-7 na mapapanood na sa Lunes ng gabi, August 1.

Hindi ba siya nag-wish na siya sana ang bida dahil mahusay siyang magsayaw bilang "Bad Girl of the Dance Floor"?

"Hindi naman, hindi naman," sabi niya.

"Yung the whole story is hindi naman puro sayaw, may drama rin."

Si Kris Bernal (bilang Shane) ang female lead ng naturang danserye with leading men Mark Herras (as Patrick) and Rocco Nacino (as Jason).

Wala ring problema kay Ryza na matapos magbida ay support lamang siya rito bilang best friend ni Kris.

"Okay naman po kasi naman po wala naman akong pinipiling... kung dahil nag-ano na ako, nag-Machete na ako, tapos biglang bababa, hindi po.

"Sa role ko kasi, kumbaga, iba naman, ibang Ryza Cenon naman po ang makikilala nila.

"Hindi na siya yung laging galit, laging sumisigaw.

"Ito naman laging masaya lang, dancing," saad niya.

Kaya enjoy raw siya sa kanyang role.

"Oo naman po! Enjoy naman po ako.

"Hindi naman ibig sabihin na support lang, e, pangit.

"Hindi makikilala masyado ang bida kung walang support!" tawa niya.

"’Tsaka iba namang Ryza Cenon ang makikita nila dito, hindi naman ito yung sumisigaw na laging galit, nananakit.

"Ito naman po, ako naman po yung best friend ni Kris na magtatanggol sa kanya.

"Mahirap nga sa akin yun kasi ang kalaban niya si girlfriend, si LJ!" at muling natawa si Ryza, na ang tinutukoy ay ang matalik niyang kaibigang si LJ Reyes na gumaganap na kontrabida sa show bilang si Zaira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may mga eksenang magtatarayan sila ni LJ?

"Iyon nga ang hinihintay ko kasi paghahandaan ko yun.

"Kinakabahan ako. Kasi magkaibigan kami, parang ang hirap saktan, di ba?" at muling tumawa si Ryza.

YOUNG CAST. Ang iba pang young stars na cast members ng Time of My Life ay sina Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Sef Cadayona, Yassi Pressman, Myra Carel, Ken Chan, Teejay Marquez, Mayton Eugenio, Renelee Asilum, at Sarah Lahbati.

Sa mga kasamahan niya sa show, sino ang medyo nahirapan si Ryza na sumabay ng hatawan sa sayawan, lalo na sa mga babae?

"Wala, wala naman, kasi dito naman sa grupong ito, walang kumpetisyon.

"Sabi ko nga kung maipapasa ko nga yung title ko, yung sa pagiging bad girl ng dance floor, kay Yassi ko ipapasa.

"Kasi ang galing niya!" sambit niya.

Isang pole dancer ang role ni Ryza sa danserye, at nag-training siya ng pole dancing.

"Yes po, sa Movement, sa kung saan nagtuturo si Ate Ciara [Sotto]. Siya po ang nagturo sa akin," sabi niya.

Natuwa ba si Ryza na finally ay nagkaroon ng danserye ang GMA na tiyempo namang ang forte niya ay pagsasayaw?

"Oo naman!" bulalas niya.

"Kumbaga, para sa aming lahat... ano na lang ito, parang wala lang, parang happy-happy lang.

"Kumbaga, walang pressure, ganun."

Sa mga eksenang nagsasayaw sila ni Kris, may effort ba siya na huwag sapawan si Kris dahil si Kris ang bida?

"Hindi... kailangan siyempre as a co-actor, siyempre kailangan din namin pangalagaan yung bida namin.

"So, kapag siya na yung magda-dance, siyempre po aalagan pa rin namin tsaka ina-adjust namin yung sarili namin para mas umangat siya."

Unang danserye ito sa telebisyon. May pressure ba sa kanila?

"Wala, kasi love namin ang pagsasayaw," sabi niya.

"Siguro pressure sa amin yung pilot. Di ba, ganun? Kung magugustuhan ba ng tao yung ginawa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW CONTRACT. Sina Nadine Samonte at Rainier Castillo na kapwa niya mga produkto ng StarStruck ay nasa TV5 na.

May time ba na may offer rin sa kanya na lumipat ng TV network?

"To be honest, oo," pag-amin niya.

"Kasi iniisip ko, di ba, yung bago matapos yung contract, iniisip ko, kung meron bang plano sa akin.

"Siyempre, yung career mo rin iniisip mo, di ba?

"Kaya lang, meron naman silang [GMA-7] iprinesent sa akin na plano so... magaganda naman siya, so nag-stay pa rin ako dito."

May bago siyang existing contract sa GMA-7?

"A, yes, six years. Nag-start ngayong year na ito."

So, mahaba pa ulit ang pagsasamahan nila ng Kapuso network?

"Opo!"

Happy naman daw siya para kina Nadine at Rainier.

"Masaya for them kasi siyempre, yung mga gusto nilang mangyari na hindi nangyari dito, nangyayari dun. So, ’yon."

STAYING FIT, KEEPING LOVELIFE PRIVATE. Maigsi ang buhok ngayon ni Ryza na bumagay sa kanya, at seksing-seksi ang young actress. Paano niya name-maintain ang katawan niya?

"Kasi minsan wala akong ganang kumain."

And exercise?

"Oo, mas maganda ang pole [dancing] na exercise."

May boyfriend ba si Ryza ngayon?

"Opo, non-showbiz po."

Paano niya nagagawang tahimik ang personal life niya?

"A, ano lang, disiplina. Wala masyadong labas-labas para hindi makita, alam mo yun?

"Disiplina talaga, as in. Mahirap, pero kailangan.

"Mahirap po, e, pero kapag gusto mo talagang i-private huwag kang masyadong showy."

Hindi sila nagde-date?

"Nagde-date, pero hindi yung kaming dalawa lang, may mga kasama," sabi ni Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN