Sarah Geronimo is ready to do a concert with Angeline Quinto; will soon start filming second movie with Gerald Anderson

"Ang ayaw ko lang naman ay yung showdown na kaming dalawa lang. Naging open naman talaga ako na hindi ko forte ang pagbirit. Di ko naman sinasabi na ayoko. Ayoko ng ganun, pero yun ang lumalabas. E, hindi naman yun ang totoo," says Sarah Geronimo on why she won’t do duet numbers with Angeline Quinto.


Mula sa isang buwang pamamahinga at voice and dance lessons ni Sarah Geronimo sa U.S., marami ang nakapansin na mas confident at nag-iba ang aura ng Pop Princess sa mga nakaraang production numbers niya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

Aware ang singer-actress na bilang isang performer, learning is a continous process. Ang pagkuha niya ng dance and voice lessons sa States ay para higit pa niyang ma-improve ang kanyang talent.

From the looks of it, nakatulong naman ito nang malaki kung ang pagbabasehan ay ang nakitang performances ni Sarah sa ASAP.

Hindi maitago ng Pop Princess ang kasiyahan nang batiin ang malaking improvement na nakikita sa kanya ng mga tao nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday sa ASAP.

"Hindi ko nga alam kung na-appreciate nila. Pero kung napansin ninyo, salamat naman.

"Sana nga, kasi kaya naman ako nagpunta dun [U.S.] para ma-boost yung self-confidence ko at may matutunan pa.

"Para ma-apply sa performances ko sa ASAP at mga concerts na ginagawa ko."

READY FOR ANGELINE? Naging honest din si Sarah before, na hangga’t maari ay umiiwas siya na magkasama silang dalawa ng Star Power winner na si Angeline Quinto sa production numbers sa ASAP.

Para nga raw kasi silang pinagsasabong na dalawa. Last Sunday ay may production numbers na magkasama na sina Sarah at Angeline.

Ayon kay Sarah, "Ang ayaw ko lang naman ay yung showdown na kaming dalawa lang. Naging open naman talaga ako na hindi ko forte ang pagbirit.

"Di ko naman sinasabi na ayoko. Ayoko ng ganun pero ’yun ang lumalabas. E, hindi naman ’yun ang totoo. Concert together? Oo naman."

Usap-usapan na lilipat na raw siya sa TV5 kaya ang ginagawa raw ngayon ng ABS-CBN ay pinu-push nang husto si Angeline para may pamalit sa kanya pag nagkataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang happy ako sa Kapamilya network. Walang dahilan para lumipat ako.

"Ang laki talaga ng naitulong sa akin ng ABS-CBN. Kita n’yo naman sa ASAP, ang suwerte ko na nandito ako."

Sa patuloy na pagtatapat sa kanila ni Angeline, aminado si Sarah na nasanay na rin siya rito.

"Nasasanay na rin ako. Mula nung with Rachelle Ann. Lahat ng mga co-Champions ko, hindi nawawala yung pagku-compare.

"At kahit naman sila Sir Martin [Nievera] at Sir Gary [Valenciano], dumaan din sa ganun. Wala, e, bahagi talaga ito ng society natin.

"Ang importante, alam naman namin kung ano yung totoo. Iba-iba naman ang bawat individulas, e.

"Mayroon akong kayang gawin, mayroon siyang kayang gawin, so unique ang bawat isa. Walang dahilan para i-compare ang bawat isa."

Sa mga naging pahayag ni Angeline, magkaibigan at nagkaka-text-an daw sila ng Pop Princess.

"Oo. Noon pa, kasi schoolmates kami nung elementary pa lang. Nag-aral kami pareho sa Dominican.

"Nagkasama kami sa Star For A Night. Kilala namin ang kulay ng bawat isa."

GERALD OR LLOYDIE? Dalawang pelikula ang balitang nakalinyang gawin ni Sarah.

Ito ay ang pelikulang pagtatambalan nilang muli nila ni Gerald Anderson pagkatapos ng big success ng Catch Me I’m In Love, at ang third installement daw ng A Very Special Love at You Changed My Life with John Lloyd Cruz na parehong naging box-office hits.

Ang kumpirmadong unang gagawin sa ngayon ng Pop Princess ay ang pelikula nila ni Gerald.

"Tuloy na yun," sabi niya.

"Nagpatawag na ng meeting tapos na-discuss na yung characters namin. Pero wala pang final story or script.

"Sobrang excited ako. Ibang story na ito."

Inamin ni Gerald na naging magkaibigan sila ni Sarah while doing Catch Me I’m In Love, pero hindi sila umabot sa pagpapalitan ng numbers.

Ngayon kaya ay puwede nang umabot sa palitan ng cell phone numbers ang samahan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang naman kahit hindi kami magpalitan ng numbers. Okay naman kami as co-actors.

"Nae-enjoy naman namin yung company ng isa’t isa. Kumbaga, professional kaming nagtatrabaho.

"Hindi naman pressure na kailangan maging close na close kam kasi nandun yung chemistry kahit na wala yung ganung closeness.

"Nakaka-amaze kasi hindi naman kami nagkatrabaho ng matagal."

Excited din si Sarah sa pelikulang pagtatambalan nilang muli ni John Lloyd kung sakali.

"Sobrang excited. Na-miss ko talaga working with him kasi magaling talaga siyang aktor.

"Sabi ko nga, alam kong andami na ring naghihintay and isa na ako dun, kasi fan ako nila Migui and Laida," pagtukoy pa ni Sarah sa mga karakter nila ni John Lloyd sa pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN