Newbie director Marlon Rivera feels more pressure after box-office and critical success of Ang Babae sa Septic Tank in Cinemalaya

Direk Marlon Rivera on why his movie became a hit: "Of course, ang dahilan niyan ay dahil naman sa materyales at si Eugene Domingo kaya nagkaroon ng chance ang pelikula to pick-up commercially."


Certified No. 1 box office hit ang Ang Babae sa Septic Tank ni Direk Marlon Rivera, mula sa panulat ni Chris Martinez starring Eugene Domingo sa nakaraang 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Sa lahat ng screenings ng pelikula ay mabilis na-sold out ang tickets noong July 15-23 run nito sa Cultural Center of the Philippines at ganoon din sa Greenbelt 3 Cinemas. Ito ang first time nakipag-tie up ang isang commercial theater sa Cinemalaya.

Next year naman daw ay kasama na ang Gateway Cinemas, ayon kay Mr. Nestor Jardin, Cinemalaya festival director.

Muling ipinalabas ang Ang Babae sa Septic Tank sa U.P. Film Institute, U.P. Diliman, Quezon City, noong July 26.

Maraming mga tao ang hindi na-accommodate ng nasabing teatro kaya nagsiuwi na lamang. Hindi lamang blockbuster ang pelikula, isa rin itong critically-acclaimed film.

Humakot ito ng limang trophies sa Cinemalaya awards night noong July 24 (New Breed category); best film, best director for Direk Marlon, best actress for Eugene, best screenplay for Chris, at Audience Choice Award.

Bago pa man naganap ang awarding ceremonies noong gabing yun ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa main lobby ng CCP ang man of the hour na si Direk Marlon Rivera.

Si Direk Marlon ay galing ng teatro at isa ring TV commercial director for some years now, bago pa naging ganap na indie filmmaker.

Ano’ng feeling niya na first movie niya ever ang Ang Babae Sa Septic Tank, and yet mainit na tinanggap ng publiko?

"Una, siyempre, proud na proud ako. Kasi, di ba, di naman gano’n kadaling ma-pick up [mabenta] yun [movie niya].

"Of course, ang dahilan niyan ay dahil naman sa materyales at si Eugene Domingo kaya nagkaroon ng chance ang pelikula to pick-up commercially," masayang simula ni Direk Marlon .

Ang pelikula ay produced by Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, Martinez-Rivera Films at Straight Shooters, kaya co-producer din nito si Direk Marlon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD AND RELIEVED. Dahil sa tagumpay ng pelikula, ito ay iri-release ng Star Cinema ng ABS-CBN upang magkaroon ng commercial run starting August 3, 2011 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

"Siyempre, kailangan din naming makabawi. Kasi, malaki rin ang ginastos namin dito," pag-amin ni Direk Marlon.

"That’s why I’m very proud and I’m very relieved. Dahil tinanggap siya ng mga tao.

"So, trabaho pa rin kami dahil one week lang ang preparation for the August 3 commercial run. [We have to prepare] posters, trailers.

"Sana, yung momentum na marinig ng mga tao dito sa CCP, sana, mag-convert pa [ng moviegoers] yun hanggang next week."

May time pa kaya sa promo for the commercial release nationwide?

"I think mero’n naman. I think hindi naman siya hanggang Kidapawan.

"I think, it will be an urban city distribution. Hindi kasing dami ng theaters like nung iba, pero basta mero’n [commercial run]. Yun naman ang importante, ’di ba?"

Paano sila in-approach ng grupo ng Star Cinema?

"Si Atty. Joji kasi, as one of our executive producers, ang kinausap. Nanood naman [ng gala premiere] si Ma’am Malou [Santos].

"Hindi ako lumapit [sa kanya], e. Pero kinonggratyuleyt naman niya si Chris and sina Atty Joji.

"Okay naman sila. Marami ring nanood na mga taga-ABS. Nandoon sina Direk Wenn [Deramas], at iba pa. Nag-usap sila. Ayun, inaayos na namin ngayon."

May mga international film festivals na bang pupuntahan ang pelikula?

"Hindi pa namin ma-confirm, pero may mga pinadalhan na. Hindi pa lang namin alam yung iba kung in competition or exhibition. Pero, definitely, meron nang tatlo.

"Sasabihan ko kayo. Kasi, sa indie naman, lahat ng press na makukuha mo, as in everything; blogs, newspaper, anything you get, is very, very important and precious.

"Kasi, wala naman talaga kaming ganoong budget, ’di ba? So, it helps in the promotion."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa box office hit nga ito sa Cinemalaya, nagkaroon ito ng "special screening" sa last day ng festival sa CCP, bukod pa sa isa pang nag-hit na Ligo Na U, Lapit Na Me.

"It has been the tradition ng Cinemalaya na the two highest-grossing films are given extra screening. Tsaka, I guess, lumaki rin ang Cinemalaya, hindi lang naman kami, e.

"Maraming mga kumita talaga. I think, ngayon, talagang maganda ang performance ng Cinemalaya."

PINOY INDIE AUDIENCE. Sa palagay ba ng isang baguhang filmmaker tulad ni Direk Marlon, handa na ang Pinoy audience sa indie cinema sa panahon ngayon?

"Oo naman," sang-ayon niya. "I mean, look at this crowd, ’di ba? In-imagine ko, sabi ko, ’ano ba ang plot ng Harry Potter?’ Isa siyang batang magikero, ’di ba? Wala naming love story do’n. Of course, andun naman si Hermione.

"But still, manonood naman ang mga tao ’pag maganda. ’Pag good film. Wala kasi akong paniniwala sa [difference ng] indie at mainstream, e. Hindi dapat yun hiwalay.

"Ang indie naman ay [ang paraan ng] paggawa ng pelikula. Producers lang naman ang nagkakagulo doon, ’di ba?

"Pero yung technique at tema, puwede naman, e. So, sa tingin ko, ’pag maganda ang pelikula, maganda ang pelikula di ba?

"Nagkataon lang sa indie na may mga kontrobersiyal na tema. At maliit ang budget nang bonggang-bongga.

"Knock on wood, sana madaling makabawi. Kasi, di naman gano’n kalaki ang ginastos mo, para makabawi naman kahit na papaano ’di ba?

"Kami ni Chris, yung kinita namin sa 100 [movie ni Mylene Dizon] noong 2008, ito rin yung seed money, o capital namin para dito sa Septic Tank"

Naghintay ba sila ng tamang project after 100 (written by Chris na siyang debut film din nito as director)?

"Oo, kasi, sabi namin, ’Kumita lang tayo ng enough or little money,’ di ba? Typical ’yan, may kinita ka nang kaunti, nabayaran mo ang mga utang, and nairolyo mo sa kabila, o sa susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sana nga, kumita ito para mairolyo uli namin sa susunod na pelikula.

"Sana pakitain ka naman nang kaunti. Kasi, ’pag tumigil ka na, wala ka nang magagawa.

"At least, ito, nakadalawa kami. So, sana, makatatlo man lang kami, ’di ba?"

STRATEGIES. Paano ang ibang maliliit na indie filmmakers and producers na walang koneksiyon sa Star Cinema, o ABS-CBN tulad ng grupo nila?

"Alam mo, kanya-kanyang strategy naman, e. May nag-strategize a few years back. Nagsasama-sama sila together, nung mga time namin.

"And then, nakakamura sila sa mga rentals, ganyan. So, apat na magsasama-sama, kumikita naman sila."

Sabi ni Direk Marlon, may pressure daw pala talaga ’pag Cinemalaya best director awardee na ang isang filmmaker.

"Actually, tumataas ang pressure," tawa niya. "Kasi, di ba, noong una, expectations, saling pusa ka lang naman.

"Talagang saling-pusa lang ang pakiramdam ko, e.

"Biglang noong nanalo, parang in-officialize na kailangan, ’pag gumawa ka [mas maganda na]. Mas may pressure na."

Malaman ang kanyang acceptance speech, patungkol sa mga mas nakababatang indie filmmakers.

"Siyempre, kasi, ang mga bata kasi, kakaunti kasi ang mga nagbibigay ng success [piece] sa kanila.

"Wala namang mga studio. At kakaunti naman talaga ang nabibigyan ng mga pagkakataon.

"So, ang Cinemalaya ay puntahan ng mga taong gustong magka-break, di ba? Mahirap mag-break in sa showbiz, ’di ba? So, pumupunta sila sa Cinemalaya.

"Kaso nga lang, nitong mga nakaraang taon, ang pananaw lang sa indie sa buong mundo ay puro tungkol sa kahirapan.

"Magulo ang shots. Ganoon ang naging kalakaran."

MYRIAD STORIES. Mali ba ang ganoong interpretasyon sa Pinoy indie cinema?

"Oo, mali, e," aniya. "Kasi, pakiramdam ko, napakaraming kuwento na valid.

"Kuwento ng mahirap, mayaman, babae, bakla, tomboy. Marami. May love stories. May action. Maraming klaseng kuwento.

"So, feeling ko, kung yun at yun din ang klase ng mga kuwentong ipinapakita natin araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ganyang klaseng formula, ang mangyayari, yung mga bata, akala nila, yun ang maganda. Akala nila, yun lang ang sisikat.

"So, ang mangyayari, yun lang ang gagawin nila. So, hindi na magkakaroon ngayon ng laya ang mga bagong klase ng pelikula.

"So, importante na yung matatanda ay magpakita ng maraming pamamaraan para ma-inspire naman ang mga kabataan.

"Puwede namang ibang kuwento. di ba? At sana nga, yung mga studio [major film outfits like Regal, Star Cinema, Viva Films], e, aprubahan nila ang mga ganoong klaseng kuwento.

"Ako kasi, taga-advertising ako, e. So alam kong may formula talaga ’di ba?

"Pero sana, minsan, pinapayagan natin ang mga ganong klaseng bagong kuwento.

"Sa formula [kahirapan], damay-damay naman ’yan di ba,? Indie, docu-drama, news, teleserye, lahat ay tinamaan naman, e.

"Ang gusto kong sabihin, lahat tayo, kung hindi tayo magsasama-sama, lahat tayo, may kasalanan.

"Lahat tayo, kailangang may gawin for the industry. Ganito ako magsalita siguro dahil matanda na ako," tawa ng 45-year-old director.

Last message niya sa ibang filmmakers sa kanyang nakopong award?

"Una, sana, ma-inspire ang mga tao na hindi lang ang mga bata [na filmmakers] ang puwedeng gumawa ng bago.

"Sana, kahit na matanda ka na, ’pag meron kang gustong gawin, puwede pa rin."

Hindi naman niya iniisip na "late bloomer" siya as a filmmaker?

"Hindi naman. Ngayon lang napunta [sa filmmaking]," pagtatapos ni Direk Marlon Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN