Eugene Domingo surprised and grateful for awards reaped by Ang Babae Sa Septic Tank

Maipagmamalaki ni Eugene Domingo Ang Babae sa Septic Tank. Nanalo siya dito ng Best Actress — a first for a comedy role sa Cinemalaya.

"This is such a wonderful surprise. Kasi, ang inaasam lang namin ay audience choice. Yung wish lang namin ay talagang maraming manood dahil ika nga, bakit ka pa gumawa ng pelikula kung kayo-kayo rin lang ang makakapanood? So, ako’y natutuwa at pinilahan siya," she says.


Maraming "firsts" na naitatala ang indie film, Ang Babae Sa Septic Tank, na isa sa mga naging entry sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya.

Ang nasabing pelikula ang isa sa mga humakot ng maraming awards.

Naiuwi ni Eugene Domingo ang Best Actress trophy (a first for a comedy role in Cinemalaya), Best Director para kay Marlon Rivera, Best Screenplay for Chris Martinez. Nanalo din ito ng Audience Choice Award at Best Film Award.

Box office hit rin ang halos lahat ng screenings ng movie sa buong duration ng Cinemalaya kunsaan, nagkaroon pa ito ng additional screening sa huling araw. And for the record, Ang Babae Sa Septic Tank din ang kauna-unahang entry sa Cinemalaya na after a week or two lang halos ay maipapalabas na sa commercial theaters starting on August 3.

During the press conference yesterday sa Dolphy Theater, kunsaan, in-announce na ang Star Cinema ang magdi-distribute ng film sa mga commercial theaters, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene if she ever dreamed na one day, magiging ganito pala siyang kasikat na artista?

"Honest to goodness, hindi po. Hindi po ako nag-isip na gusto ko, isang araw, nandito kayong lahat, pini-piktyuran niyo ko, tinututukan niyo ako ng camera, hindi ko po naisip ’yun," ang saad ni Eugene na nag-umpisa sa teatro.

"Ang gusto ko lang talaga, maka-trabaho ko yung mga hinahangaan ko. Ang gusto ko lang talaga, mabigyan ako ng mga papel na mahirap or masarap gampanan. Ginagaya ko nga lahat ng mga artistang napapanood ko sa TV, e.

"Yun ang mga laro ko sa bahay. Iyak-iyakan, komedi-komedihan kahit ako lang mag-isa. So, natuwa ako na may kurso palang theater arts.

"The first time I saw a legitimate play at the CCP, I knew already na ganyan ang gusto kong buhay. I want to be an actress on stage and then eventually, dahil nga hindi naman kami mayaman, nakapag-extra ako sa pelikula. Mga kaibigan ko rin ang nagdala sa akin ro’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko inasahan na aabot po talaga ako sa ganito kaningning kung saan man ako naroroon.

"I just want to make beautiful things. I just want to commit to being an actress."

Natawa naman ang lahat nang isagot ni Uge na mas nahihirapan siya sa presscon kesa umarte sa pelikula or sa telebisyon.

"Sa totoo lang, lahat ng artista, kinakabahan sa presscon. Mukha lang hindi. Pero sa totoo lang, nakakaba po na humarap sa inyo. Kasi, hindi mo ito napag-aaralan, hindi mo ito naiaarte.

"What you see is what you get. So, kumpara sa TV at pelikula, ibang medium lang ’yan but I am just very fortunate that I came from theater, so, nag-a-adjust ka pa rin.

"But both film and TV are very rewarding if you’re committed to be an actress kasi lahat ’yan, may maitutulong sa ’yo."

Ginawa na halos ni Eugene ang halos lahat ng genre ng pag-arte sa movies. Mapa-musical, comedy, o drama. Ano ang pinakamahirap niyang nagawang eksena?

HARDEST SCENE. "Ang pinakamahirap po ay ang matapos namin ang lahat ng eksena na nasa condominium building. Dahil sa condominium building, gagawin namin ang tatlong pagpi-present. Melodrama, musical and straight in your face na indie drama. Kailangan naming matapos yun dahil siyempre, nagtitipid kami, hindi naman kami puwedeng makabalik.

"So, una, ipapakita muna, tatawirin namin ito, pero kailangan itawid muna namin ang indie acting. Maya-maya, iba naman ang acting, maya-maya, kakanta ka na. Sabi ko, hindi ko na yata kaya, pagod na ko.

"Tumawag na ko kay Chris Martinez. Sabi niya, konti na lang, panghuli mong gagawin diyan ay yung tulala acting. Tama naman kasi, meron ngang tulala acting. Akala niyo madali? Hindi!

"Siyempre, hindi naman puwedeng tulala ka lang na wala kang iisipin. May iisipin ka pa rin. Kasi, kapag wala kang iniisip, walang lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I think, yun ang pinakamahirap na araw para sa akin. Ipagsisiksikan ang lahat ng eksenang gagawin na merong time limit."

Pero dugtong din niya, "Doon ko napatunayan na si Marlon Rivera, he’s a very clever director, naso-solusyunan niya. Kasi lahat, nagbabago.

"So, on the spot, kapag may problema, kailangan mo matalinong director, mabilis mag-isip. So, I am very thankful to everybody, it’s really a team [effort]."

Tatawid na nga sa commercial theaters Ang Babae Sa Septic Tank. Pero kung pagbabasehan ang magagandang review at komento ng halos lahat ng taong nakapanood na nito, hindi malayong isa rin ito na maituturing na box-office hits ng indie films.

Nakangiting pahayag naman ni Eugene, "Base ro’n sa trailer na ipinakita ngayon, talagang pasabog kete pasabog! Siyempre, ang gusto ng mga tao, yung pera nila, hindi masasayang.

"Ine-encourage ko po kayong manood. Kasi, base naman sa mga unang nakapanood, sulit na sulit naman daw ang ibinayad nila sa ticket nila at talagang pinilahan.

"E, kayo naman po, i-experience niyo Ang Babae sa Septic Tank. Kumbaga sa kape, 5-in-1 na ito. Kumpleto na ’to."

Another feather in her cap ang movie. Last year, nanalo siya ng Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival para sa Ang Tanging Ina Mo Last na To.

Ngayon ay nanalo siya ng Best Actress sa Cinemalaya — a first for a comedy role. Ano ang kanyang pakiramdam?

"This is such a wonderful surprise. Kasi, ang inaasam lang namin ay audience choice. Yung wish lang namin ay talagang maraming manood dahil ika nga, bakit ka pa gumawa ng pelikula kung kayo-kayo rin lang ang makakapanood? So, ako’y natutuwa at pinilahan siya.

"Bukod pa sa audience choice, nabigyan din siya ng Best Picture, higit pa ro’n, nabigyan din ako ng Best Actress, Best Director, Best Screenplay, ako na nga!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible rin siyang maging best actress grand slam winner sa mga darating na award-giving bodies; isa na ba ito sa puwede niyang i-wish?

"Masyado pang maaga magsabi tungkol sa grandslam. July pa lang, e. Ang dami pang magagandang pelikulang Filipino na lalabas. Lalo na ngayon na parang ginaganahan na tayong mag-abang kung ano pa ang mga pelikulang Filipinong lalabas. Kaya nga nagpapasalamat tayo sa Cinemalaya.

"Yung mga artistang hindi nabibigyan ng juicy roles, meaty roles, nabibigyan din ng pagkakataon at nakikita ang kanilang galing katulad nina JM de Guzman, Kean Cipriano, Cai Cortez at marami pang iba. So, ang inaasam ko lang, tuloy-tuloy sana ang paggawa ko ng pelikulang maganda," ang sabi ni Uge.

Siya na nga ang bagong Reyna ng Komedya? Ano ang kanyang pakiramdam?

Natawa ito sabay sabi ng, "Hindi kasi ako mahilig sa mga titulo-titulo... pero kung ibinibigay niyo, ’wag lang kayong magalit, tatanggapin ko."

Ang kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas, ano ang reaction sa success na tinatamasa niya ngayon?

Masayang sagot naman ni Uge, "Ay agad-agad, kinongratulate ako. Hindi pa niya napapanood kasi nga, busy siya sa kanyang show at alam ko, kakauwi pa lang niya, nag-concert siya.

"Sabi niya, ’Congratulations naman, Best Actress!’ Sabi ko, ’Oo nga, BF, napapaisip nga ako, kasi, alam mo naman kapag nanalo tayo, ganyan-ganyan, ibig sabihin, wala na naman tayong boyfriend.’ Sabi niya, ’Wag kang isip nang isip, deserve mo naman ’yan,’ sabi niya sa akin."

WAITING FOR NORA. On the other hand, ang matagal namang hinihintay na pagdating ng Superstar, na matutuloy na nga raw ngayong Tuesday, ang isa sa mga sinasabing projects na gagawin ni Uge. Magkakasama raw sila sa isang show.

Ayon naman kay Uge, "Naririnig ko nga ’yan na totoo nga raw ang balita na lalapag na ang kaisa-isa nating Superstar and everybody is waiting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang show na pagsasamahan nila?

"I think, kung meron man akong karapatang magsabi, of course, hindi natin papalampasin na hindi gumawa ang isang genius na artista — for me ha — ng isang drama anthology. E, naririnig-rinig ko na makakasama ko siya."

Aminado si Eugene na isa siya sa umiidolo kay Nora Aunor.

Aniya, "Of course, of course! Isa sa mga unang pelikulang napanood ko ay dinala ako ng nanay ko, Lollipops and Roses, Atsay, ganyan, maka-Nora kasi talaga ang nanay ko."

Iimbitahan ba niyang manood si Nora ng movie niya?

"Kung may panahon pa siya, kung hindi pa siya pagod. I’m sure, maninibago siya, may jet lag, pero, talagang kapag nagkita kami sa set, chi-chikahin ko talaga."

Nagkaroon na raw sila ng chance na magkakilala bago ito umalis ng bansa.

Aniya, "Nagkakilala na kami. Pinanood ko siya sa PETA. Nagkita na rin kami sa America. Pero ngayon pa lang, kung saka-sakali, makakasama ko siya sa eksena at makikita ko ang kanyang mga mata."

Drama ang gagawin nila?

Natatawang biro naman niya, "Kahit siguro action, papayag ako, makasama ko lang si Ate Guy. Diyos ko, musical with Ate Guy, why not?"

Halos lahat ay nakakapansin ng pag-slim down ni Eugene. Pero ayon sa kanya, ginawa raw niya ang pagpapayat for health reasons, bukod pa sa gusto rin niyang maisuot pa ang ilang damit na gusto niya.

Aniya, "Nagsimula sa pagdedesisyon na magpapayat na. At saka, hinihingal na ako kapag halimbawa may mga eksena na kailangan magtatalon, hinihingal ako agad. Hindi maganda. Una sa lahat, yung kalusugan. Of course, kapantay niyan yung hitsura.

"Pangatlo, gusto ko lang masuot yung mga gusto kong isuot. Nagtanggal ako ng mga bisyo tulad ng pag-inom.

"Nagtanggal din ako ng sakit sa batok na pagkain tulad ng baboy, baka. Kinakain ko na lamang ngayon ay sabaw," sabay kanta ang isang linya sa musical scene niya sa movie na tungkol sa sabaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Tapos maya’t-maya ako nag-e-exercise. Hindi ko naman ikakaila na may part din ng siyensiya. Nagpa-plantsa rin ako.

"Hindi naman yung plantsa na ginagamit sa damit. Alam niyo na, nagpapabata. Pero wala akong pinapa-lipo. Sa tingin ko, hindi na uso yun. Ang kailangan ngayon ay healthy lifestyle, malinis at saka magandang disposisyon. "

At saka ito nagbiro na kaya raw niya gusto kasama ang mga bata.

"Gustong-gusto ko ang energy ng mga bata — energy lang."

Sinundan ito ng tanong if she’s looking for younger men.

Aniya, "Wala ho tayong edad na pinipili ngayon. Huwag lang tayong makulong. Pero ang importante talaga, yung compatible kayo. You’re very interested in whatever you do with each other," natatawa niyang sabi.

"Okay na yun, masaya, huwag na nating masyadong seryosohin ang lahat.

"Kung mauuwi sa seryoso at masaya, bakit hindi?

"Sa panahon ngayon, dapat siguro makuntento na ako or kung saan man ako ilagay. Pagdating sa puso, hinihintayin ko na lang ang ibibigay ng Panginoon. Bata man o may edad.

"Huwag naman yung walang-wala, na ako naman ang bubuhay sa kanya. Yun namang eksakto, compatible sa lahat ng level. So, sana ibigay."

LIFE BEGINS AT 40. Last July 23, Uge turned 40. Unlike others, walang problema sa kanya na sabihin kung ano ang eksaktong age niya. Pero hindi raw siya nagpa-party or nag-celebrate talaga.

Aniya, "Ayoko ngang mag-celebrate. Si John Lapus, dinalhan niya lang ako ng cake at yun nga, may kandila na 40. So, wala naman akong choice kung hindi, sige, i-celebrate natin ’to. Ang ni-wish ko nga e, makuha namin ang audience choice.

"Alam niyo sa totoo lang, ang wish ni Marlon ay audience choice award. Hindi naman namin akalain na lima agad ang pasabog na ibibigay."

Wala siyang wish for herself at 40?

"Hindi na ito wish, dasal na ’to, gusto ko nang mag-asawa, sa totoo lang. Seryoso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makausap na ng PEP at ilang entertainment press si Uge, muli namin siyang tinanong sa sinabi nga niyang gusto na niyang mag-asawa. Never siyang nagsalita ng ganitong desire niya noon. So, how come?

"Siguro naman nasa tamang edad na ko. Kasi, parang umaabot ka rin sa puntong kuntento ka na, masaya ka na. Ang iniisip mo na lang ay sana, ma-inspire ang mga nagsisimula na katulad mo rin na ganyan sa ’yo.

"I think, [those are] the most rewarding words na matatanggap ko — ’You inspire us,’ at saka yun nga, yung feeling of contentment. So, I think, kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng asawa, ready ako to step back. To be supportive."

Dahil sa pagiging open niya ngayon sa pag-aasawa, we asked her: Baka secretive lang siya, baka may mga manliligaw or may lovelife na pala siya?

Aniya, "Wala nga! Pero sinasabi nila kasi, baka naman meron kaso kinakabahan or na-i-intimidate. Nahihiya."

Dugtong pa niya, "Pero wala e. Hindi ka naman puwedeng lahat ng bagay, madikit lang sa ’yo, nilalagyan mo ng ibig sabihin, ’di ba?

"Siyempre, ang kailangan mo naman ay isang tao na may lakas ng loob. Hindi ko naman kailangan pang sabihin ko na, ’I’m just a girl, floating in a septic tank, asking you to love me.’"

O, baka naman kasi ang taas na masyado ng standard niya?

"Ang ending lang naman diyan pusuan. Wala namang mga standard-standard diyan. Puso lang.

"Kapag nagka-koneksiyon kayo, basta nagmamahalan kayo, walang trophy, trophy rito. Basta may koneksiyon. Huwag lang pala-asa. Parang ano tayo rito, normal, mag-asawa."

Now that she just turned 40, masasabi ba niya sa sarili niya that life begins at 40?

Nakangiting sabi niya, "I believe so. I believe so. Forty is the new 30. Ang bata! Ha ha ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN