Louise delos Reyes denies exchanging "I love you’s" with Enzo Pineda on Twitter

First time ni Louise delos Reyes na makasama sa list ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine. Included ang aktres sa kategoryang The New Breed.

"Sobrang happy ako kasi, first time ko rito. At lahat naman ng artista, gustong mapasali rito, e. Sobrang flattered ako na this year, napasama ako," she says.


First time ni Louise delos Reyes na makasama sa list ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine. Included siya sa kategoryang The New Breed.

Posibleng malaking factor ang pagiging bida niya sa nagtapos na afternoon series na Alakdana, kung ratings din lang ang pagbabasehan.

Isa si Louise sa personal na um-attend sa Crowne Plaza nang i-launch ang Yes! 100 Most Beautiful Stars sa isang press conference.

Ayon kay Louise, "Sobrang happy ako kasi, first time ko rito. At lahat naman ng artista, gustong mapasali rito, e. Sobrang flattered ako na this year, napasama ako."

Dugtong pa niya, "Actually, napasama na rin ako sa list nila ng Most Promising Star of 2011, hindi ko alam na kasabay na pala yun kasi, dalawang damit ang ipinasuot sa amin. Sabi nila, dalawang beses kang lalabas sa Yes! ha? Parang napaisip ako, may second batch pa ba? Tapos yun pala," nakangiti niyang sabi.

When it comes to her looks, wala raw siyang anumang ritual or beauty regimen na sinusunod.

Aniya, "Wala nga akong kahit na anong ginagawa sa balat ko. Pero parang ano yata, kapag napasama ka rito, may halong pressure na dapat, i-maintain mo. Pero para sa akin kasi, hindi naman magre-rely mainly on looks, e."

Ang ka-loveteam ni Louise ay si Alden Richards sa nakaraan nilang serye at sa movie nila ngayon na Tween Academy Class of 2012.

Pero in real life, ang StarStruck final five na si Enzo Pineda ang nanliligaw kay Louise.

Kumusta na nga ba sila ni Enzo?

"Okay naman po, we still communicate," nakangiti niyang sabi.

Gaano na ba sila ka-open ngayon sa relationship nila?

"Kami po, we’re just enjoying each other’s company."

Hanggang kailan ang stage na "enjoying each other’s company?"

Aniya, "Hangga’t hindi pa ready."

Almost six months na raw yung na-e-enjoy nila ang company ng isa’t isa. Ang pagiging malapit daw ni Enzo sa kanyang pamilya ang isa sa nagustuhan niya sa Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[Close] din ako sa family ko. Kaya noong nalaman ko na malapit din siya at sobrang close sa pamilya niya, siyempre, plus factor po yun."

Personally, malapit na rin daw siya sa pamilya ni Enzo. Pero ayon kay Louise, mas madalas daw pumasyal sa Cavite, sa side niya, pumupunta si Enzo kaysa sa bahay nila sa Pampanga.

"Since nanliligaw pa siya, sa side muna namin siya madalas!" natatawa niyang sabi.

Itinanggi naman ni Louise na nagpapalitan sila ng pagsasabi ng "I love you" sa Twitter.

Aniya, "Hindi po, hindi a!"

Hindi ba nagiging isyu sa pagitan nila ni Enzo ang ka-loveteam niyang si Alden?

Ayon naman kay Louise, "Hindi po, parang awkward lang dahil ginagawang isyu kaming tatlo. Pero kapag silang dalawa naman, minsan nga, inaagaw pa ni Alden yung phone sa akin, sila ang nag-uusap."

Ang nangyari raw kasi, nagparaya na lang si Alden. May nagsasabi rin na tipong sinira raw ni Enzo ang loveteam nila, naniniwala ba siya rito?

"Hindi, kasi, nire-respect naman namin ang trabaho ng isa’t-isa. At si Alden, sinabi naman niya sa akin na open naman daw siya sa mga ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN