Cherie Gil postpones anew throat operation to do primetime danserye

Inamin ni Cherie Gil na dapat after Magic Palayok ay tinuloy na niya ang kanyang throat operation. Nanghinayan daw siya sa offer ng GMA-7 dahil malaking tulong daw iyong bagong danserye sa pambayad sa surgery na gagawin sa kanya.

"The operation is not cheap. Expensive siya kaya I have to save up," she says.


Pinagpaliban na naman ng award-winning actress na si Cherie Gil ang pagpapa-opera sa kanyang lalamunan.

Dapat ay mag-a-undergo ng isang throat operation si Cherie dahil sa natagpuan blister sa kanyang vocal chords.

Last year pa raw dapat niya ito pina-opera noong matapos na ang taping niya para sa GMA telefantasya na Grazilda. Pero nag-decide siya na i-postpone muna ito dahil may panibagong offer ang GMA-7 sa kanya.

Huli ngang napanood si Cherie sa Magic Palayok at ngayon ay kasama siya sa bagong primetime danserye na Time Of My Life.

Inamin ni Cherie na dapat ay after Magic Palayok ay tinuloy na niya ang pagpapa-opera, pero nanghinayang daw siya sa offer ng GMA-7 dahil malaking tulong din daw iyong series para sa pambayad sa surgery na gagawin sa kanya.

"The operation is not cheap. Expensive siya kaya I have to save up," pag-amin ni Cherie sa press launch ng Time Of My Life sa Studio 6 ng GMA Annex Studio.

"Medyo delicate kasi ang magiging procedure kaya it will cost me a lot. Buti na lang at may mga offer tayo from GMA-7 kasi malaking tulong sa akin.

"Tsaka ang sabi ng mga doctors na after the operation, I cannot strain my throat for a month or two until it heals.

"Kaya you can understand na if I don’t talk in my normal voice, wala akong magiging trabaho, except kung ang role ay deaf-mute, di ba?

"Kaya I am taking my time. Tapusin ko muna lahat ng obligasyon ko as an actress and if things are ready physically and financially, I will go on with that long-delayed operation."

FAMILY EXPENSES. Naikuwento rin ni Cherie ang iba pa niyang mga pinagkakagastusan tulad na lang ng education ng kanyang mga anak na sa New York lahat nag-aaral.

Ever since daw na naghiwalay sila ng kanyang mister na si Rony Rogoff, she has taken all responsibilities sa kanyang mga anak. Pero hind naman siya nahihiyang humingi ng tulong paminsan-minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m a single parent now and most of the expenses, especially with my children, I take care of it. But sometimes, I would ask Rony and he’s ready to help me anytime.

"Like sa education ng mga bata, hati kami diyan. Mabuti na lang that my eldest son, Jay, has graduated na from college in New York. He will be working soon na. My two other kids, Bianca and Raphael are all studying in NYC.

"Pinakamagastos sa lahat ay kapag binibisita ko sila. Every four months kasi I fly to New York to see them and attend to their needs.

Hindi madali at gusto ko nga sana nandito na lang sila sa Pilipinas habang nagtatrabaho ako. But as a parent, I am willing to sacrifice for them.

"They come to Manila naman kapag break nila sa school. Like kelan lang, they had their summer vacation. Nagkasama kami and we bonded during our out-of-town trips.

"Ang malungkot ay kapag aalis na naman sila. I will miss them na naman kaya hinahanda ko na ang sarili ko kapag mag-goodbye na naman sila sa akin. Kaya ako na naman ang lilipad to NYC to be with them," diin niya.

Noong 2008 nang makipaghiwalay si Cherie sa kanyang husband of 20 years na si Roni Rogoff, but the two have remained good friends.

May communication pa rin nga raw si Cherie sa kanyang ex-husband kahit na may sarili na itong buhay. Mostly ay tungkol sa kanilang mga anak ang pinag-uusapan nila.

"May kanya-kanya na kaming buhay ng ex ko but we are friends and our children still link us. Siyempre, you can’t just throw away 20 years, di ba?

"Dumarating sa buhay ng bawat tao na you want something else. May iba kang gustong gawin na.

"What’s good between me and Roni is that we’ve come to understand one another better. If it’s about the kids, we’re all for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And he’s very happy with my showbiz career. Nakikibalita siya and he always tells me to take care of myself.

"Alam niya kasi how hardworking I am. He advices me to take things slow and enjoy life as much as I can," ngiti pa ni Cherie.

READY FOR LOVE. Sa tanong kung handa na bang umibig ulit si Cherie, sinabi niya ay oo.

"Sino naman ang ayaw makaramdam ng gano’ng feeling, di ba? But of course, I want to be in love again. I am that kind of person. I wear my heart on my sleeve.

"Pero right now, I am surrounded by gays. Half-man and half-woman ang nakapaligid sa akin kaya wala pa sigurong tamang tao na darating sa buhay ko.

"But I am having so much fun. Being with my gay friends, they make me forget my stress sa trabaho.

"Tawa lang kami nang tawa parati kaya nga siguro wala pang right man because I am having so much fun with my gay friends.

"But I know that God has someone for us. Kung hindi ngayon, baka soon. I am not closing my doors to it. Parating bukas ang puso ko when it comes to love."

Kaya nga bukod sa kanyang mga gay friends, ang trabaho rin ang nakakabigay ng ligaya kay Cherie kaya hindi niya tinanggihan gawin ang Time Of My Life.

"This is my first straight drama role on primetime sa Kapuso network and nakaka-excite na gawin.

"Aside sa mga drama scenes, I also get to dance. I love dancing and they should watch out yung dance number na ginawa namin sa Women’s Correctional.

"We did something like yung ginagawa ng mga inmates sa Cebu. It’s a big dance number na akala ko ay hindi ko magagawa but we had so much fun doing it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it’s fun working with new faces. Magagaling ang mga batang kasama sa show. Grabe ang energy nila. Nakakahawa ang pagiging active nila parati.

"When you work with young people, you always have to be on your toes. Kailangan nakikisabay ka sa kanila," masayang kuwento pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN