Rafael Rosell thankful sibling was spared from Oslo, Norway bombing

Rafael Rosell on the Norway bombing and shooting rampage: "Nasa Singapore po sila, e," referring to his mom and dad. "Yung kapatid ko, sa Oslo nakatira. Pero the night before [the bombing], he left for vacation,’ laking pasalamat daw niya.


Ikinagulat ni Rafael Rosell ang nangyaring shooting rampage at massive bombing na naganap sa Norway noong July 23.

Sa Norway ipinanganak at lumaki ang binata. Ayon kay Rafael, ang Norway ay isa sa pinaka-peaceful na lugar sa mundo.

Sa pagkakaalam ng marami, bukod-tanging si Rafael lang from his immediate family ang nasa Pilipinas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael kahapon, July 31, sa gitna ng Star Magic Games held at Colegio de San Agustin in Makati City.

"Bombing due daw to political parties. It’s an attack on the democracy. May gumawa ng attack sa labor party ng Norway.

"Do’n nangyari yung mga gunshot. They suspect na yung bombing sa Oslo, ginawa daw nila yun... it’s an attack against the immigrants getting the jobs of normal Norwegians.

"Ang alam ko po, I think tiga-Iran. Sorry... hindi immigrants. Refugees pala," pagko-correct niya sa sinabing nauna.

"It’s a semi-racist act. Though nakikita ko rin naman yung point nila. Kasi hindi naman dapat umabot sa pagba-bomb at patayan."

After the incident in Norway, Rafael made it a point to know what really happened.

"They said na yung guy, nine years na niya binabalak to [attack]. Yung manifest [manifesto] niya, 1,000-plus pages on his beliefs.

"May mga na-meet daw siya Iluminati [secret group of occult practitioners]. Maraming theories, e.

"Pero in the end, para sa akin, Norway was the most peaceful place that I know. I grew up there.

"Huling attack na ganyan was in 1940s. No’ng second World War.

"Para sa akin, what do you do in the most peaceful country you know has a bombing like that? Tapos, shooting incident na ganyan?

"Parang, sa’n na kaya sa mundo ang safe? Kahit saan ka na lang pumunta, may violence. May crime.

"Hindi talaga magbabago until we learn how to love one another. One love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rafael lang ang nandito sa Pilipinas. He must have been very worried for his family.

"Nasa Singapore po sila, e," referring to his mom and dad.

"Yung kapatid ko, sa Oslo nakatira. Pero the night before [the bombing], he left for vacation, laking pasalamat daw niya.

"Most of my friends, wala sa Oslo no’ng mangyari yun. Pero may dalawa akong kaibigan hindi ko pa nari-reach hanggang ngayon kaya nakaka-ano [worrisome]."

May kalayuan ang Norway kung pupuntahan ito from the Philippines, aniya. "Eighteen hours. Mga 24 hours po, kasama ang stopovers."

SHOWBIZ CAREER. Since 2002 ay nandito na si Rafael sa Pilipinas to try his luck sa show business. Thankful ang binata na hanggang ngayon ay gumaganda ang career niya.

"I’m still with 100 Days to Heaven. May next project na, pero bawal pa daw i-disclose.

"Tapos, nagkakaroon na rin ng konting mga meetings dahil na-extend ang 100 Days and baka ma-delay yung next soap, next project."

LOVELESS IN ONE YEAR. Mukhang tahimik ang lovelife ni Rafael at the moment. Baka naman may itinatago siya?

"I love life. Wala. Wala. Nagpangako ako sa sarili ko na one year muna akong di muna papasok sa mga relationship.

"Para mahanap ko rin ang sarili ko. Mag-mature din yung soul ko and, at the same time, matututunan ko din sana.

"And feelking ko, natutunan ko din naman, e, na maging masaya, na di mag-depend sa pagmamahal [galing] sa exterior sources.

"Mahalin muna ang sarili," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN