Julia Montes is okay with not having a permanent loveteam

"Siguro, God’s will din siguro na maka-partner kami ng iba rin. Makaikot kasi sa ibang partners. Yun siguro," says Julia Montes (right) on having John Manalo, Diego Loyzaga, and Sam Concepcion as leading men in her launching movie with Kathryn Bernardo (left).


Parehong muse ng Red Team ang former Mara Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa second Star Magic Games kahapon, July 31, held at Colegio de San Agustin in Makati City.

Both were wearing bright pink sports outfits when they arrived para sa registration ng nasabing sports event.

Pareho ring naglaro ng tug-of-war sina Kathryn and Julia. Tinalo sila ng Yellow Team, pero kitang-kita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) how seriously Julia played.

Seryoso nga rin daw sa kanyang trabaho ang dalaga. Seryoso rin daw siya sa buhay dala ng hindi naman ipinanganak na mayaman.

Witness din ang writer na ito nang binili ni Julia ang kanyang first car from her first cheque sa first endorsement niya ngayong dalaga na siya.

At first, dapat ay two years niyang babayaran ang nasabing sasakyan, pero according to her lola—na siyang lagi niyang kasa-kasama sa lahat ng lakad—nabayaran na raw nila ang kotse nang buo.

"Opo. Last month yata, fully-paid na siya. Kasi, kaya lang naman namin ginawang two years [huhulugan], kasi hindi pa naming natatanggap yung TF," pagtukoy ni Julia sa talent fee niya from her shampoo commercial.

Dagdag pa niya, "E, natanggap na namin yung TF kaya fully-paid na siya kesa naman mapunta pa sa iba [pagkakagastusan] yung pera."

Ngayon, hindi na niya kailangang makisabay pa sa service vehicle ng shows na kanyang nasasamahan para lang makarating sa taping dahil may sarili na siyang service.

Ano ang next niyang balak ipundar?

"Bahay. Yun. Yun na yung next project ko ngayon, bahay na," sagot ng dalaga.

LEADING MEN. Ka-loveteam ni Julia noong una si John Manalo, habang si Kathryn naman ay si Albie Casiño sa Mara Clara.

Then, nang mawala si John Manalo ay ipinasok si Diego Loyzaga sa kanilang soap.

Sa launching movie nina Julia at Kathryn na Way Back Home, originally ay si AJ Perez ang dapat ka-partner ni Julia. As we all know, the young actor passed away dahil sa car accident earlier this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasok sa cast si Sam Concepcion for Julia.

Tapos, ang dapat sana’y katambal ni Kathryn na si Albie Casiño ay natanggal na rin sa cast at pinalitan na siya ni Enrique Gil. Ito ay dahil siguro sa isyung kinasasangkutan ni Albie involving Andi Eigenmann.

Ano ang nangyayari sa mga leading men nila?

"Hindi ko alam!" natatawang sagot naman ni Julia.

"Siguro God’s will din na maka-partner kami ng iba rin. Makaikot kasi sa ibang partners. Yun siguro."

Kumusta naman ang bago nilang TV show ni Kathryn sa ABS-CBN na Growing Up?

"Yung bago naming show, yun, okay siya. Masaya kasi super iba talaga yung character namin dito," sabi niya.

"Talagang ibang-iba [from Mara Clara]. Isa akong babae na super sweet na hopeless romantic.

"So, yun. Ibang-iba talaga kay Clara. Yun ang dapat nilang abangan."

May mga nagsasabing kahawig daw niya ang kanyang ka-partner sa Growing Up na si Diego Loyzaga. Ano ang masasabi niya rito?

"Kahawig ko? Bongga! Magkapatid. Charos!" tawa niya.

Magkahawig, meaning bagay raw.

"Ay, gano’n ba yun? Sana mag-workout din yung loveteam namin sa show namin," sabi niya.

BEAUTY CONTEST. May mga nagsasabing puwede raw sumali si Julia sa isang beauty contest given some more years.

"Sabi nga nila," nahihiya niyang sagot.

But will she join, given the chance?

"Ako? Pag-iisipan ko pa kasi di ko talaga siya hilig, e.

"Mahilig akong manood [ng beauty pageants]. Ugali ko before na nagsusulat ng mga nanalo like... best in swimsuit. Si Ganyan, si Gano’n. Pero di ko pa naisip na sumali."

STUDIES. Pinagsikapan ni Julia na matapos ang kanyang high school, pero may balak ba siyang ituloy ang pag-aaral sa college naman?

"Yun nga yung ano [iniisip] ko, e. Hindi ko pa maasikaso kung aling school yung tatanggap ng schedule ko ngayon.

"Kasi halos every day kami [may taping]. So, yun. Pero ita-try ko pa rin talaga humabol this sem, or next sem pala," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN