Shaina Magdayao reveals new soap after Alyna to dispel rumors she’s quitting showbiz

"Ay naku, di pa kami makabigay ng details, e. Pero, it’s Doha (title of the show, pertaining to the capital city of Qatar). Siguro meron kaming mga six weeks na mag-i-stay do’n para mag-taping. Kasama ko si Jake Cuenca at di ko pa puwedeng sabihin kung sino yung mga kasama ko pang iba," says Shaina Magdayao (in photo with boyfriend John Lloyd Cruz) about her new soap.


Sabay dumating sa Colegio de San Agustin in Makati City, venue ng second Star Magic Games kahapon, July 31, sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

On time sila bago mag-start ang parade of teams. Kapwa walang sinalihang laro ang magkasintahan.

Mula sa kanilang pagdating ay sinusundan sila ng mga photographer. May times na medyo lumalayo si John Lloyd from Shaina, pero during the opening ceremonies ay kumportable silang nanood together, lalo na sa cheering exhibition ng Philippine National Cheerleading Team.

Before the parade, PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) asked Shaina if we could interview her sometime after the opening ceremonies. Umoo naman ang dalaga.

But in the course of our coverage, when we decided to locate Shaina and John Lloyd for our interview, nakaalis na raw ang dalawa.

Tinapos lang nila ang opening ceremonies at umalis na ang dalawa. "They might come back sa awarding ceremonies," sabi naman sa amin ng isang taga-Star Magic.

NEXT SOAP. We were outside the gate of Colegio de San Agustin waiting for a colleague when John Lloyd and Shaina returned. Nag-lunch out ang dalawa. They came back to watch the Star Magic Team versus ASAP Team exhibition basketball game which was ongoing pagbalik nila.

They went straight sa lugar kung saan nakaupo ang cheerers ng Star Magic Team. Together ay nakipag-cheer sila everytime nakaka-score ang star player ng Star Magic na si Gerald Anderson.

After ng exhibition game, where Star Magic Team lost by only one point sa kalabang ASAP Team, finally we were able to talk to Shaina.

Some say kasi na after the afternoon soap Alyna, wala nang project na sumunod para sa dalaga.

Hindi rin visible ang young actress sa showbiz kaya may mga nagsasabing tinatamad na raw yata siyang mag-artista. Pero, finally may bagong show si Shaina sa primetime to dispel rumors na hindi na siya mag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay naku, hindi pa kami makabigay ng details, e. Pero, it’s Doha (title ng show at capital city ng bansang Qatar). Siguro mero’n kaming mga six weeks na mag-i-stay do’n para mag-taping.

"Kasama ko si Jake Cuenca at di ko pa puwedeng sabihin kung sino yung mga kasama ko pang iba."

Kailan sila lilipad papuntang Doha, Qatar to tape?

"Mga September po," matipid niyang sagot.

Ipalalabas ba ito this year or next year?

"Siguro, next year pa. Matagal pa po yun."

Six weeks siyang mawawala, for sure mami-miss siya ni John Lloyd? At mami-miss din niya ang boyfriend?

Natawa si Shaina sabay tingin kay John Lloyd. "Baka rin umuwi kami. Baka naman hindi tuluy-tuloy yung aming anim na linggo [ng taping]."

CRACKED DISC. Last year ay kasama siya sa Blue Team. Bakit this year ay wala siyang sinalihan?

"E, kasi may sakit ako sa likod, di ba? May cracked disc ako," paliwanag ni Shaina.

"Meron akong degenerative disease. Siya din [pertaining to John Lloyd], meron.

"Pareho kami ni Idan," tawag kay John Lloyd ng family ng binata.

Hanggang paglabas ng venue ng games ay sinusundan pa rin ng photogs ang dalawa, pero mas relaxed na sila together this time compared to when they arrived noong umaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN